By: Michael Juha getmybox@hotmail.com Fb: Michael Juha Full --------------------------------- Alas 9 na nang gabi nang nakarating kami sa aming bayan. Sa isang restaurant niya ako dinala. Dinner date daw namin dahil sa sobrang saya niya. Nang nakaupo na kami upang hintayin ang aming order, laking gulat ko naman nang biglang nagsidatingan ang mga officers ng aming klase. Lahat sila ay naroon, pati si Emily na hindi na pinapakawalan ni Jeff. Napag-alaman kong set-up lang pala talaga nila ang lahat bagamat ang nakaalam lang sa plano ay ang mga lalaking officers. Totoo naman na may ticket na sa flight na iyon si John. Ngunit nang nakatanggap na siya ng text mul kay Jeff, hindi na siya tumuloy. “Kaya pala napansin kong knapsack lang ang dala-dala mo! Salbahe ka! Naghintay ka

