By: Michael Juhagetmybox@hotmail.com Fb: Michael Juha Full ---------------------------------- Matapos kong basahin ang sulat ni John, namalayan ko na lang na tumulo na pala ang aking mga luha. Nanghinayang ako, naguluhan, naawa kay John. Sa lahat ng kabutihan na ginawa niya para sa inay at sa akin, hindi ko alam na nasaktan ko pala siya. May isang bahagi ng aking utak na nag-udyok na sundan si John. Ngunit may isang bahagi rin na nagsabing huwag dahil iyan ang gusto niya para sa sarili, upang makalimot. Hindi ko alam ang aking gagawin. Kung susundan ko naman siya, baka isipin niyang mahal ko siya at maaari na niyang gawin ang gusto niya sa akin. Ngunit kung hindi ko man siya sundan, masasaktan din ako dahil nasanay na ako na nariyan siya at napamahal na rin siya sa akin bilang kaibig

