By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ---------------------- Bumalik na naman ang pagiging sweet ng nina “Tok” at “Hang”. Dahil nakapagbitiw na ng salita si Timmy na hindi na niya ipapabago ang kanyang apilyedo, sinabi sa kanya ni John na ang mana niya ay magiging kanya na rin. Dahil sa pagbabalikan nina Timmy at John, muling naging masaya ang samahan ng barkada. Palagi na naman ang kanilang pagsasama-sama sa umpukan, sa break time, at sa mga school activities. Marami rin silang plano. Pero syempre, may isang nilalang na abot-langit ang inis dahil na out-of-place na siya at tuluyan nang hindi pinansin nina Timmy at John. Ngunit todo-effort pa rin si Julie sa pangungulit. Isang araw habang nasa student center ang magbarkada at nagkukuwentuhan, bigla

