By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ----------------------- Puwersahang hinila ni John si Ian palayo kay Timmy atsaka pinaulanan ng suntok ni John ang mukha ni Ian. Bumagsak sa sahig si Ian. Duguan ang kanyang bibig. Pinilit ni Ian na tumayo upang gumanti at paulanan din ng suntok si John. Ngunit dahil naunahan siya ni John at hilong-hilo pa siya dahil sa tindi ng suntok ni John, hindi siya makaporma. Sadyang magaling naman talaga si John sa self-defence kung kaya ay walang kalaban-laban sa kanya si Ian. “Tama na! Tama na!” ang sigaw ni Timmy na pumagitna, pilit na hinila niya si John palabas ng bahay. “Tangina mo! Dudurugin ko iyang mukha mo kapag ginawa mo uli ito! Tandaan mo iyan!” ang sigaw ni John kay Ian nang nasa lbas na siya ng bahay. Kung

