ASNP 1 - CHAPTER 22 ***Noah's POV*** Ang aga ko na nagising at hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi ko alam dahil ba ito sa sinabi ni Luke sa akin kahapon sa txt. Hayy! Mamaya ko na iisipin iyon. Ngayon heto ako nasa harap ng hapagkainan. Nagkakape at may tinapay na kinakain. Naka handa na ang aming tanghalian at si tatay ay tulog pa. “Theo!” ang tawag ko kay bunso, habang siya ay nag huhugas ng pinaglutuan niya. “bakit kuya?” ang kanyang sagot “gisingin mo na si Daryll at tatay” ang aking sabi “aaahh si kuya Daryll, kakadating lang kanina, Ngayon lang umuwi ehhh.. sige gigisingin ko na si tatay” ang kanyang sabi sabay punas ng kanyang kamay sa apron. “hindi pala umuwi ng gabi si Daryll, sige gisingin mo na si tatay, si Daryll daanan mo na din at gisingin kung ito ay tulog” ang ak

