ASNP 1 - CHAPTER 23 ***Narrator*** Nasa sala parin si Noah at Luke, nag uusap tungkol sa pinagusapan nila ni tatay Adam. Gusto lang ni tatay Adam kapag naging sila na ay magsama sila sa bahay para makilala siya ng lubusan. Sinabi din ni tatay Adam na wag silang magpadalos dalos para hindi sila mabigla. Simple lang naman ang gusto ni tatay Adam sa dalawa. Nag kulitan pa sila at kwentuhan hanggang sa nag desisyon na si Luke umuwi, dahil may pasok pa kinabukasan. Hinatid ni Noah hanggang sasakyan si Luke. “ooh wala bang goodbye kiss?” ang pabirong tanong ni Luke “Baliw ka..sige na mag iingat ka sa pag mamaneho ahh” ang sabi ni Noah. Pumasok si Luke sa kanyang sasakyan at binaba ang bintana. Nag flying kiss si Luke, na ikinatawa naman ni Noah. Sa loob loob niya ay kinilig siya sa ginawa

