Dumapo ang mga mata ko kay Tanya na biglang pumasok sa Kalasag at mukhang wala sa sarili. Nagtungo siya sa gamit niya at kinuha 'yon.
"Thalia, tara na! Pumasok na tayo habang 'di pa nagsisimula yung klase," Tanya said and pulled Thalyra..
I watched them as they went out of the room.
Kaz walked towards me.
"Saang building tayo mamaya?"
"Sa likod sa two-storey building, malapit sa mga Junior high," I said before sitting down.
Tumango siya sa 'kin bago tumabi kasunod ni Heira. It's our school level presscon later. Ma'am Devi is our coach. Column writer siya, Editorial ako na parehong hawak ni Ma'am Devi.
Kaz will be the proctor for the Column category and I'll be the one for Editorial.
Heira will be a proctor too on Feature writing category. Ginagawa namin 'tong school level presscon na elimination sa mga gusto lumaban o kaya magsulat sa dyaryo.
Sobrang dami naming kulang ngayon kasi nagtapos na yung mga former writers kaya maraming umalis.
"Magandang buhay mga bakla!" Aldrin shouted while entering the room. "Lima palang kayo?"
We all glanced at him. Lima nga lang kami nina Kaz, Heira, Jethro, tapos Zairo. Photojourn si Zairo, Cartoonist si Jethro.
"Maaga pa naman bakla," Kaz said.
"Hay nako, naimbyerna ako. Akala ko hindi ako proctor wala na palang natira sa mga copy reader, tsugi na lahat," reklamo ni Aldrin habang nagpapaypay kahit naka-aircon naman kami rito.
"Right, we need more writers now," Heira drawled.
Napatingin kami sa pinto nang biglang pumasok sina Maryse at Aoki, News writers namin.
"Morning," bati ni Maryse. "Good morning Zairo."
"Nako, Maryse hindi maganda araw niyan," Jethro said and laughed.
"Why?" tanong ni Maryse at tumingin kay Zairo. "Parang hindi naman?"
"Huwag mo na alamin," ani Kaz at humalakhak.
Una palang alam na naming may gusto si Maryse kay Zairo pero hindi niya pinapansin. Maryse is a good looking so I don't know why.
Sunod na dumating sina Mako. Kasama niya si Aaron na Photojourn tapos si Owen, Sports writer. Hindi pa sila nakaka-upo ay dumating na rin si Pricus, Cartoonist kasunod si Nishi na isa sa mga Broadcaster namin.
"Woah ang aga niyo ah," bungad ni Mako.
"Oh Mako, hindi niyo pa kasabay si Davin?" tanong ni Jethro.
"Ewan ko ro'n, late ata," Mako answered.
"Good morning everyone!" napalingon kaming lahat nang biglang bumukas yung pinto.
Masiglang bati iyon ni Jewel na Sci-Tech writer namin. Kasunod niya yung boyfriend niyang si Yro, Broadcaster.
"Ay hindi na maganda ang araw ko bakla kung kayong mag-jowa ang bubungad," pang-aasar ni Aldrin sa kanila.
"Umay!" gatong ni Kaz.
"Inggit lang kayo!" ani Jewel tsaka hinila si Yro.
"Are we complete na?" tanong ni Heira at nilibot ang paningin.
We are almost complete.
"Si Davin nalang tsaka Kreigh."
"Maghihintay pa naman tayo ng mga registration forms galing kila ma'am." Aoki said.
I nodded at her. Kani-kaniya silang daldalan habang naghihintay sa mga Coach namin. On the other side is Jewel with Yro, flirting to each other.
Kaz started mocking them. Napapatingin kami kina Jewel at nagtawanan. Jewel gave her a dirty finger. Napalingon ako kay Mako kaya tinawag ko.
"Mako," tawag ko sa kaniya. "Sinabay mo ba si Leuxia?"
He nodded.
"Oo, papasok 'yon."
"Lexi bawal ba ligawan kapatid mo?" Owen asked before laughing.
Natawa rin si Mako at siya na ang sumagot.
"Kapag natalo mo sa sapakan si Leuxia, baka pumayag pa siya magpaligaw."
"Ay malakas. Ikaw Lexi?" tanong niya at nagkamot ng ulo.
I raised my brow to him. Sasagot na sana ako pero biglang nagsalita si Kaz.
"Anong akala mo kay Alexia? Hindi? Magkapatid sila huwag kang bobo!" sabi ni Kaz at humalakhak.
Tumawa rin si Aldrin at lumapit kay Owen.
"Huwag ka na sa Levesque babe, nagpapadugo ng nguso mga 'yan. Dito ka sa 'kin, nagpapadugo rin ako ng nguso pero hindi sa sapak, kundi sa halik babe," malanding sabi ni Aldrin at nilapit ang mukha kay Owen.
Tinulak bigla ni Owen yung mukha niya at nandiri. "Gago bakla hindi ako nangangailangan ng rubber shoes. Sports writer 'to hindi player!"
We all laughed in sequence because of what Owen said. Lalo na nung nakita naming nahulog sa upuan si Aldrin dahil sa malakas na tulak niya.
Lumapit sa kaniya si Kaz. "Kawawa ka naman baks. Dito ka nalang sa 'kin."
Agad siyang inirapan ni Aldrin. "Gusto ko magkaroon ng tahong teh hindi kumain ng tahong."
Nagtawanan sila ulit sa sinabi ng bakla. Natahimik lang nang bumukas ang pinto at iniluwa si Ma'am Ophelia.
She's the coach of Sports and News writing.
"Dinig ko tawanan niyo sa labas ah," aniya habang naglalakad palapit sa 'min.
Mabagal lang ang lakad niya kasi senior citizen na.
"Good morming Ma'am Ophelia," bati namin sa kaniya.
"Good morning. Dala ko na ang mga registration form," aniya at inilahad sa 'min 'yon. "Kumuha na kayo."
Kinuha namin 'yon at pinaghati-hatian. Dalawang kopya ang ginawa namin kada category para sigurado kapag marami yung sumali.
"Tapos na? Pumunta na kayo sa assigned buildings ng category niyo. 15 minutes nalang start na," utos sa 'min ni Ma'am Ophel.
"Ma'am wala pa po si Davin. Siya po ang sa Sports," ani Owen.
"Ako na bahalang maghintay dito. Sige na mauna na kayo," sabi ni Ma'am Ophel kaya lumabas na kaming lahat dala ang mga form.
Nagpaalam kami ni Kaz kay Heira bago lumakad. Sa iba kasi ang building ng Feature. Kasama naman namin maglakad papuntang likod si Aldrin.
Column writer siya kaya kay Ma'am Devi rin. Pero sa copyreading siya magbabantay. Hawak din kasi ni Ma'am Devi 'yon kaso wala na ngang natira. Our Copyreaders graduated already.
"Sana may poging mag-try out no!"sabi ni Aldrin habang naglalakad kami.
"You wished."
"Paano naman kasi mamsh, marami sanang pogi sa atin. Kaso kung hindi choosy, hindi mo naman malapitan. O kaya may jowabels na," nagrereklamong sabi ni Aldrin.
"Bakit kasi hindi nalang ako?" pabirong sabi ni Kaz tsaka tumawa.
I looked at them, disgusted.
"Kadiri bakla ah. Talo-talo na ba?"
Nagtatawanan kami nang makarating sa contest room. May iilan na nasa labas at naghihintay kaya binuksan ko na 'yon. Si Aldrin ay sa katabing room ang diretso. Kami ni Kaz ay magkasama lang dito. Iisang room lang ang Editorial at Column.
"Sa kanan ang mga Editorial at sa kaliwa ang Column," seryosong sabi ko nang makitang papasok na sila. Major of them are Junior Highs.
Sumunod naman sila. Lumabas si Kaz para siguro mag-abang ng contestant na magtatanong, kasama niya roon si Aldrin. Umupo naman ako sa teacher's table tsaka inilabas sa folder yung form.
"Pila na kayo para sa registration," I said while arranging the forms.
Pumila naman sila agad tsaka ko itinuro kung saan ang Editoryal o Kolum.
Ngumiti siya bago umalis tsaka hinarap ang kasama niyang naghihintay sa gilid. Pinalo niya pa 'yon at may binulong na parang kinikilig.
"Lexi Column 'yan!" sigaw ni Kaz sa labas nung may pumasok kaya agad kong hinanda yung form.
Ganoon din ang ginawa ko sa mga sunod na dumarating. Napatingin ako kila Kaz at Aldrin na humahangos palapit sa 'kin.
"Gago bakla may poging papunta rito!" excited na sabi ni Aldrin na nasa harap.
Sa likod niya ay si Kaz na tumatango.
"Tinupad ang hiling ni bading," aniya at tumawa.
Nagtataka ko silang tiningnan.
"What do-"
Naputol ang sasabihin ko nang may magsalit sa pinto.
"Good morning, dito ba ang contest room ng Column?"
Napatingin kaming tatlo doon.Hindi ko alam kung galing ba siya sa langit dahil sa mala-anghel na mukha o liwanag lang iyon sa pintuan galing sa labas.
Tingin ko ay natulala si Kaz dahil hindi na gumalaw.
Si Aldrin naman ay biglang humarap sa 'kin at tumalikod sa lalaki tsaka pumalakpak na walang sound.
"Omg Column mamsh. Sign na ba 'to?" kinikilig na sabi niya.
"Oo rito nga," napatingin ko kay Kaz na sumagot. Akala ko tutulala nalang siya.
Nakita kong lumakad na papasok yung lalaki kaya kinilig lalo si Aldrin habang nagpipigil ng ngiti si Kaz na humarap sa 'min.
"Gora muna ako sa contest room ko baks. Journ muna bago landi," bulong ni Aldrin bago umalis.
"Gagang 'to," bulong ni Kaz sa kaniya.
Nang makarating sa harap namin yung lalaki ay binigay agad ni Kaz yung registration form. Yumuko siya para magsulat na roon. Nang matapos ay tumingin pa siya sa 'min ni Kaz bago tumayo ng diretso at maghanap ng mauupuan.
Napansin ko na pati yung ibang mga participants ay nakatingin sa kaniya habang naglalakad. Naka-abang kung saan siya uupo.
"Tumingin sa 'kin sis. Crush na 'ko niyan," natatawang bulong ni Kaz habang tinitingnan yung form. "Yuno Benedicto pala ang name."
Napa-iling ako sa kaniya.
"Mag-start na ba tayo? Mamaya na 'yan."
Agad siyang tumango nang sinulyapan ang relo.
Humarap ako sa mga participants.
"Good morning, we will be your proctor for today. Matagal na kaming writer sa 'Ang Kalasag' kung nagtataka kayo at bakit estudyante rin ang proctor."
"Sa mga hindi nakakaalam, one hour lang ang time limit for the whole article. If you'll exceed, then minus points," ani Kaz sa masungit na tono.
"Any unsual movement will be consider as cheating. Might lead you to immediate disqualification," I added.
Nilibot ko ang tingin ko sa kanila. Nahinto ako nang nakitang nakatingin din si Yuno. He's kinda intimidating.
"And may idi-distribute akong yellow paper, may stamp ito. One person one paper only. You can't use other paper that you have, pwede siguro pero sa scratch lang," ani Kaz
Nagsulat ako habang nagsasalita pa si Kaz. Isinulat ko sa board ang topic. SOGIE Bill, 'yan lang ang isinulat ko.
"Don't write your names on yellow paper. We will call you one by one with your number later. Sa upper right part ilalagay. At lahat kayo, eto ang topic," sabi ko sabay turo sa board. "One hour starts now."
Nang matapos magpamigay ng papel ni Kaz, binigay ko sa kaniya ang form ng Column. Siya ang magtatawag para sa number. Sa Editorial naman yung sa 'kin.
"Yuno Benedicto, 29," ani Kaz na pang-huli na sa listahan.
Pagtapos niya ay nagsimula na rin ako'ng magtawag ng mga pangalan. "Mandy Alves, 33," tawag ko sa huling naka-lista.
Kinuha ko yung bakanteng upuan sa unahan banda tsaka inilagay sa tabi ni Kaz. Napatingin ako sa kaniya na naka-upo rin habang pinaglalaruan yung ballpen sa kamay. Nakatitig siya kay Yuno kaya siniko ko.
"Ramdam ka niyan." I whispered to her.
"Edi maganda," she said and chuckled.
Nagkwentuhan pa kami ng mahina lang para hindi maka-istorbo. Maya-maya ay nakita naming nasa labas si Aldrin at tinatawag kami.
Tumingin muna ako sa mga participants bago tumayo at sumunod kay Kaz.
"Why?" I asked immediately.
"May gwapo ulit mga bakla! Dito naman sa copyreading," mahina niyang sabi sabay turo sa kabilang room.
"Oh?" tanong ni Kaz na sumisilip pa ng pabahagya sa pinto.
"Ang kaso lang bakla, naaamoy ko siya. Mukhang ka-federasyon!" natatawang sabi ni Aldrin.
"Kapag dinaig si Yuno matik na. I'll make him straight," ani Kaz at humalakhak kaya may napasilip sa 'min galing sa loob.
Hinampas ko siya. Nasapo ko ang noo sa kanilang dalawa.
"Ang ingay mo."
"Akala ko ba baliko ka rin, Kaz?" tumawa si Aldrin. "Mamaya hintayin niyo 'ko dito. Introduce ko later!"
Bumalik na si Aldrin sa loob kaya kami rin ni Kaz. Almost 15 minutes left. Maya-maya ay meron nang mga nagpapasa. Hiniwalay namin ni Kaz yung Editorial sa Column, matik na.
"5 minutes left!" sigaw ni Kaz habang inaayos yung mga article na ipinasa sa kaniya.
Bahagya kong binasa yung mga pinasa sa 'kin na Editorial articles. Okay naman yung mga title nila pati punch lead. May ibang lame pero meron din na unang basa lang ay alam mo na agad na panalo.
But I can't say it, I didn't even read the whole article.
Napa-angat ako ng tingin nang mapansing naglalakad na si Yuno para magpasa ng article kay Kaz. Napatingin ako kay Kaz na mapagpanggap kaya pinigilan ko matawa.
Hindi ko naman naasar kasi sunod-sunod na ang mga nagpapasa. Wala nang natira sa room kaya lumabas na rin kami ni Kaz at hinintay si Aldrin.
Maya-maya'y naglabasan na ang ilang contestant ng Copyreading. Nang makita namin si Aldrin ay dumiretso na 'ko ng tayo. Nakita kong may kasunod siyang lalaki na gwapo. Mas gwapo pa ata gwapo kay Yuno.
Napatingin ako 'kay Kaz na katabi ko. Naka-awang ng kaunti yung bibig niya at halatang gulat. Aldrin walked towards us while laughing.
"Oh mga bakla ang soon to be bagong sirena ng 'Ang Kalasag'," ani Aldrin at tumawa. "Vance Dascenzo."
"Hello! Ang ganda ng kulay buhok at mata mo, natural ba 'yan?" tanong niya sa 'kin, tumango lang ako. Bumaling siya kay Kaz na gulat pa rin. "I like the shade of your liptint. Anong shade 'yan?"
Imbis na sagutin ay nagtanong din si Kaz.
"Bading ka?" hindi makapaniwala niyang tanong.
Napatingin ako kay Vance nang tumawa siya. "Oo, ka-federasyon! Sirena, barbie o ano pa 'man."
Napatakip sa bibig si Kaz. "Ay barbie."
"Are you serious?" tanong ko pero tumango lang siya at nag-flip hair pa kunwari.
"Kung ikaw si Barbie, ako si Ken," ani Kaz at kumindat pa.
"Sis maganda ka pero hotdog ang order ko hindi mani!" pangre-reject ni Vance.
Nagtawanan kami sa sinabi ni Vance. Nagpaalam na rin agad ang bagong kakilala kasi may klase pa raw. Naglakad na kaming tatlo papunta sa Kalasag.
"Gago bakla talaga siya?" tanong ni Kaz na hindi pa rin maka-move on.
"Oo nga bakla! Type mo no? Nako 'wag ka na magbalak. Tuloy mo nalang din pagiging baliko mo," ani Aldrin at tumawa. "Balikan mo si Jeana ganoon. Ex mong parang asong naghahabol."
Natawa ako agad sa sinabi ni Aldrin. Minura siya ng malutong ni Kaz.
Kaz is a girl, but a bisexual. Mas lamang siguro ang pagkagusto niya sa mga babae dahil sa recent relationships niya. Though her appearance is not that boyish aside from the perfume.
"Nakakasawa na rin. Lalo na kapag pareho kaming may regla," ani Kaz at tumawa.
Aldrin let out a loud laugh. "Wow ang maganda na maganda rin ang gusto bagong buhay na?"
"New life, new me," gatong ko.
Tinawanan namin si Kaz na minumura kami. Inaasar namin siya hanggang sa makarating sa Kalasag. Nakasabay pa namin si Heira sa hallway.
"Why are you two laughing?" nakataas kilay na tanong ni Heira.
"Straight na si Kaz dahil sa bakla. How ironic?" I said.
"What? Wow, life changing." Heira said and laughed hard.
"Hindi ah!" sigaw ni Kaz na pikon at malutong na nagmura.
"In-denial stage pa siya mga bakla," ani Aldrin.
Hanggang makapasok kami sa Kalasag ay natatawa pa rin kami. Natigil lang kami nang makitang naroon sila Ma'am Devi, yung coach namin. Kasama niya si Ma'am Morales, isa sa mga SPA.
"Oh ayan na pala kayo," ani Ma'am Devi.
"Good morning po."
"Kayo nalang ang kulang. Akin na yung mga article," ani Ma'am Morales kaya binigay sa kaniya ni Heira ang hawak niya.
Binigay naman namin nina Kaz yung mga article at forms kay Ma'am Devi. They are the one who will decide for the winners.
"Mag-lunch na kayo. Pwede kayo mag-early dismissal since excuse naman kayo ngayong araw," ani Ma'am Morales bago sila lumabas.
Pumunta kami sa isang table na walang gumagamit. Doon kami kumakain lahat. Kung sa table kasi namin kung saan kami nagsusulat ay baka marumihan lang.
"Wow may palibreng lunch, sana lagi," ani Aldrin kaya natawa kami.
Tumabi sa akin sa mesa sina Kaz at Heira. Nagsimula na rin kaming kumain sabay-sabay. We shared some stories about being a proctor earlier while eating.
"Natagalan kayo Lexi ah?" tanong ni Aaron
I nodded at him. "Maraming sumali. "
Tumawa si Aldrin. "Oo nga ang dami. May baklang gwapo pa nga eh, diba Kaz?"
Muntik nang madura ni Kaz yung kinakain niya sa tanong ni Aldrin.
"Shut up," ani Kaz kay Aldrin na tumawa lang.
"Bakit sa bakla ka pa Kaz. Narito naman ako, gwapo na straight pa," Aaron said before laughing.
Nandidiri siyang tiningnan ni Kaz.
"Pare, salamat nalang."
Nagtawanan kami sa sinagot ni Kaz.
Nilibot ko ang tingin at natantong may kulang sa 'min.
"Nasaan si Kreigh? Hindi pumasok?" tanong ko sa kanila.
Maryse looked at me and pursed her lips. "Lumipat siya sa English, kanina ko lang nalaman."
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko.
"Ano? Kulang na nga tayo umalis pa siya? Bakit siya lumipat?"
Maryse just shrugged and continued eating. Kaya pala hindi ko siya nakita kanina pa. Dalawa pa sana kami sa Editorial ngayon. Hindi pa kami bumalik sa table namin pagtapos kumain. Nagkwentuhan pa kami habang nagpapababa ng kinain.
Napalingon ako kay Jethro na kinakalantari ang katabing si Nishi, nag-iisang Junior high sa 'min. Grade 9 palang ata tapos grade 12 si Jethro.
"Jethro tirador ka pa rin ng bata?" natatawang tanong ni Aldrin.
"Gago Jethro on the way na raw yung FBI," ani Kaz tsaka tumawa.
Minura sila ni Jethro kaya nagtawanan kami. Natigil lang kami nang biglang may kumatok, lahat kami ay nakatingin doon at pare-parehong halos magsalubong ang kilay sa pagtataka.
"Hindi po 'yan nakalock!" magalang na sigaw ni Heira kasi baka teacher 'yon.
Lahat kami ay nakaabang sa papasok lalo na nung bumukas ng marahan yung pinto. Napaawang ang bibig ko nang makita kung sino 'yon. Halos lahat sa 'min ay nagulat din.
It's Vren of The Bucklers, the English category. He have his things on his arms when he entered the Kalasag.
"Hala ang gwapo," dinig kong bulong ng kung sino.
"Alam mo bang bawal English dito?" natatawang tanong ni Mako.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa seryosong tono kaya napatingin siya ng matagal sa akin bago ngumisi.
"Alam ko na bawal English dito, kaya nga pumasok ako," aniya na hindi sinagot ang tanong ko.
Lahat kami ay nagtaka sa sagot niya. Wala namang gulo sa English at Filipino. Minsan kapag naga-agawan ng pwesto tuwing training pero sa laban kami rin naman ang magkakasama.
"What do you mean?" Heira asked.
"Filipino na ako," aniya na lalong kinainis ko.
"Pinoy ka naman talaga papa Vren," natatawang sabi ni Aldrin, slow s**t.
Vren chuckled. "I mean, I'm a Filipino category writer now."
I stood in irritation.
"Bakit?" inis na tanong ko, tumayo rin si Heira.
Vren looked at me and smirked.
"Why? You don't want the best writer of English here? I'm an asset you know," mayabang na sabi niya.
"Hindi ah, okay lang Vren," ani Aoki na kinikilig.
I didn't give a f**k.
"I wonder why?" I rolled my eyes. "Why did English let you here because base on what you said, you are their best writer, so why?"
I raised my brow to him. I looked at him coldly.
"It's my choice. They can't do anything about it," aniya at tumawa. "And yes, I'm the best writer of English."
"Bullshit," I hissed. "If you are the best, then you would pass your own article than stealing it from the legit best."
#