OBP 44 JEMIMAH "Bakit dito ka sa kabilang kwarto? Bakit hindi sa kwarto ko?" Hindi man lang ako sinagot e. Patuloy lang siya sa pag-aayos ng mga gamit niya sa closet. "Siya ba 'yong nakilala mo sa Mint? 'Di ba pinagtanggol niyo pa siya nina Abby? Friends pala kayo." "What else do you know?" She's right. Nakilala namin si Mari sa Mint minsang nag-aya sina Empire. And yes also, pinagtanggol namin siya ni Abby sa mga walang modong Mint goers. "Wala. Ewan. Feeling ko kina-cut off ni Kuya ang ilang bagay tungkol sa'yo. I'll ask him tomorrow." "The way you talk parang may iba kang ibig sabihin." "Nakakapagtaka naman kasi yakap ang ibubungad sa'yo." Tapos na niyang ilagay ang mga damit niya. She pulled her hair up into a bun and grabbed her towel. Sinundan ko siya hanggang sa pinto ng bath

