OBP 45 DANA "I can't believe we're married." Pang-ilang beses na niyang nasambit 'yan. Nakaunan siya sa braso ko habang pinagmamasdan ang wedding ring namin. She's the soft person Jemimah. Her side na sa akin lang niya madalas ipakita. "Naisahan mo ako doon, Dana." Niyakap niya ako nang mahigpit. "I can't stop hugging you. Alam mo ba 'yon?" "Maniwala ka. Pero kailangan mo nang pumunta sa kwarto mo." Mag-2:00 na ng madaling araw e. Sumimangot na naman siya. Mimah! Angcute mo na naman! "Bakit? E since wife na kita. De dapat we stay in the same room." "We can't. Hindi pa tapos ang usapan namin nina Tita. Not until I graduate. Buti nga, Napakiusapan ko silang dito muna ako. Ang-strict kaya nina Tita. Kung alam mo lang. At grabe totoo talaga 'yong may mga magtetempt sa mga nagkakagusto sa

