OBP 4

2304 คำ
DANA'S POV Pagkain lang pala ang makakapagpataob sa kanya. Buti na lang! Nagawa ko nang maayos ang trabaho ko. Pero masama ang tingin niya sa akin. E ano naman? Akala niya mao-offend ako sa kanya? Huh. Humingi kaya ako ng tips kay Tita para hindi ako ma-intimidate sa kanya. Siya lang naman daw ang mahirap pakisamahan sa mga magbabarkada e. Ramdam ko yan! "Here's your order sir." sabi ko sa customer bago ilagay sa mesa ang mga orders nila. "You're new here 'no? Ngayon lang kita nakita." "Yes po. May additional order po ba kayo?" "Wala na. Parang araw-araw kami mapupunta dito ah." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Judger ako, oo na. Pero parang isa rin siya sa mga lalaking feeling pogi at feeling kras ng bayan. Nakakakilabot! "Sungit bro. Ganun ang type ko." Huminga ako nang malalim. Ano sa palagay niya 'tong café? Bar na pwedeng magsalita ng ganun? Nakakaloka. "Nag-aabot ang kilay natin ah."Sabi ng katrabaho kong si Cindy. "Maraming ganyan dito. Mga anak mayaman e. Ganyan sila madalas. Iwasan mo na lang." "Yung kilala kong anak mayamang bugnutin lang pero hindi bastos." Bumukas ulit ang pinto. Sina Miss Ella at Miss Sela. "Dana!" magiliw na bati sa akin ni Miss Ella. "Anggaling. Working student ka pala talaga." Hindi ako nakaiwas sa yakap niya. Clingy naman niya. "Si Mimah nandito?" tanong ni Sela. Tumango ako. Nginuso ko kung saan siya. "Okay. Thanks. Order kami ng Choco Oreo lang." Bumaling ang tingin niya kay Cindy. "Uh Miss, bakit ka tulala? Pakisara ang bibig." Hahaha! Gosh! Nakatulala nga si Cindy! Nakakahiya! Yung mga feeling kras ng bayan may additional orders pa daw. Angtagal naman magdecide. "Ilang percent ng sugaw po?" "25..." Sinulat ko sa papel. "Ah 50 na lang pala." Tsk! Huwag kang magsusungit Dana. Customer yan. "Oorder kami ng marami kung ibibigay mo ang number mo sa amin." "Talaga? Marami?" Napangisi ang isa sa kanila. "Ayos Bro. Game." Nagdrop siya ng isang libro sa mesa. Angdami nga nilang inorder. Nasa 20 na milktea. "Sis, binigay mo talaga ang number mo?" Tumango ako. "Sayang din 'yong benta 'no." Ilang minuto ang lumipas may dalawang kotse na nag-park sa labas. Pumasok ang dalawang lalaki. Men-in-black. Haha! Napaka-seryoso nila e. Grabe huh? Wala pang 30 minutes dumating na sila? Kaybilis naman talaga ng mga ito. "Miss Dana, okay lang ba kayo? May nagpapadala ng mga malalaswang mensahe sa phone mo." Kaswal kong tinuro ang mga mayayabang na customers. Walang sabi-sabing kinukuha ng mga men in black ang mga cellphones nila. Nagpangalumbaba ako habang natutuwang pinanood na aburido ang mga ito. "Teka, bawal yang ginagawa niyo." Winawaksi nung isa ang kamay nung isang man-in-black. "Illegal yan." "Anong nangyayari diyan?" Si Miss Mimah nasa may railing ng second floor. Nakasandal silang tatlo dito. "Bakit niyo kinukuha ang mga phones nila?" Naging mayabang na naman yung mga loko-loko. "Young Lady," nagbigay galang ang isa sa mga men-in-black. "Nagpapadala po sila ng malalaswang mensahe sa cellphone ni Miss Dana." Bumaba siya. Lumapit siya sa mga loko-loko. Ako rin e naki-usyuso na. Nilahad niya ang kanyang kamay. "Phone." Kumpiyansang binigay ng tatlo ang mga cellphones nila. "Miss! Nakita ko kanina nagdelete sila habang hindi napapansin ng mga bodyguards e." Pagsusumbong ni Cindy. "Kita ng dalawang mata ko! Isinilong sa mesa para magdelete." "Ella, patulong." Sabi ni Miss Mimah. Tuwang-tuwang bumaba si Miss Ella. May mga kinibit-kibit siya sa phone ng mga loko-loko bago binalik kay Miss Mimah. "Let's see." Nag-scroll siya sa phone. "You called her babe? Wanna hang out? 5000 overnight?" namutla ang mga gago. Aba! Anong 5000? Priceless kaya ako! Angsarap pag-uumpugin ang mga ulo nila e. "Anong gusto niyong gawin namin sa kanila, Young Lady?" "Ask her." Turo niya sa akin. "Siya naman ang tumawag sa inyo." Ako?! E hindi ko sila pinatawag. Binigyan kasi ako ng phone ni Tita Zai kahapon. Kinuha niya ang phone ko naman. Yun ang number na binigay ko sa mga loko-lokong to. Malay ko bang may darating nga mga pulis pagkalawakan? "Miss Dana?" sabi nitong isa. "Ire-report po ba namin ito kay Maam Jaifer?" "Ha? Oo. Sige na lang. I-report niyo na lang." --- Papunta na kami sa mga klase namin. "Astig naman pala ni Protégé. Report agad." Tawa nito. "Kung papatawarin mo sila agad uulitin lang nila." Pagrarason ko. "Saka nagulat ako bakit dumating ang mga pulis pangkalawakan. Haha!" "Nasa paligid lang naman sila." Sagot ni Sela. "Maraming students dito ang mga anak ng VIP sa Pinas. Pwedeng 'yung nakatambay ay bodyguard o kaya may ghost students na bodyguard din." "Oh?" "Ahuh." Sang-ayon ni Ella. "Pero hindi naman nila pinapakialaman ang mga small things. On call lang sila kapag may danger talaga. Like matter of life and death." "OA pala si Tita." Sambit ko. "Testing lang e. Biglang may PP." "Anong PP?" tanong ni Sela. "Puling Pangkalawakan! Hahaha!" "You're under their radar na rin." Sambit ni Miss Mimah na nangunguna sa paglalakad. "Good to hear that." Bigla siyang tumigil sa paglalakad. Saka hinarap kami. "Huwag kang masyadong friendly, now na nakabangga mo sila Oxford konting ingat lang." "Matatakot na ba ako talaga? Ganun ba ka-grabe ang school na 'to?" "Slight."sagot ni Miss Sela. "Pero siguro naman alam na ng nakararami na under the radar ka rin ng Brightside, hindi ka nila papatusin." "Brightside? Teka. Ayoko na. Anggulo niyong kausap. Hindi na kaya ng utak ko." --- Kaklase ko si Miss Ella sa isang subject. Best in recitation siya. Haha! Ako naman best in tunganga lang. Nakatingin sa labas. Naghihintay na matapos ang klase. Nakakaantok kasi 'tong politics and governance. Napakahirap namang magpigil ng antok talaga. Buti pa si Miss Ella, alive na alive! Nag-alarm ang phone ni Prof. Tapos na ang klase! Yes! Nasobrahan ako sa excitement ako lang ang tumayo. "Uhh sumakit po ang likod ko sir kaya tumayo ako." Natawa ang mga kaklase ko. "Is that so Miss Ermino? Akala ko excited kang lumabas." "Pwede po?" nahihiya kong tanong. "Nagugutom na kasi ako, Sir." Hehe. Kung makakalusot lang naman. "I heard, working student ka? Student-athlete pa?" "Uh opo. Kailangang kumayod e. Scholar lang kasi ako Sir." Napa-ohh ang mga kaklase ko. Ano bang Ohh dun? Nakakapagod nga. "Frienny ko yan!" proud na cheer ni Miss Ella. "anggaling kaya niya Prof, natalo nila sina Miss Zai sa practice game. Protégé kaya yan si Dana." Sinenyasan ko siyang tumigil na e. Napakadaldal. Hindi na dapat sinasabi ang mga ganung bagay. Nakakahiya. Thirty minutes vacant pa. Nakasandal kami sa railings. Nandito kami sa third floor. "Ganyan ka talaga? Tahimik?" tanong ni Miss Ella. "Hindi naman. Wala lang kasi akong maisip na sasabihin." "Ah. Ano naman nakakalungkot naman 'yon. Parang boring akong kasama." "Hmm? Gusto ko lang ng tahimik. 'Yon lang naman." Iniisip ko rin na parang angkomplikado nga ng mag-aral dito. Hehe. "Uhm nga pala, ganun ba talaga katitigas ng ulo sina Miss Mimah? Bakit nilagay sila sa iisang bahay? Tapos kayo hindi. 'Di ba same circle of families naman kayo?" "Good question." Natawa nitong sabi. "Ganito kasi 'yon. Pasaway sila." Tawa na naman niya. "Si Mimah matagal na itinago sa publiko gaya ni ate Mika. Kaso nagpaka-active sa socmed. Ilang beses nang muntik makidnap. E traumang-trauma na ang mga pamilya namin sa kidnapin very very long history." "Oh? Kaya pala hindi na active yung YT niya. Naka-sub ako dun e. De wala kayo kahit sss? IG? Twitter?" "Meron. Pero limited lang ang pagpopost. Nasanay na rin naman kami. For our safety din." "Ah okay. Boring naman. Buti talaga hindi ako mayaman. Haha!" "God! Tumawa ka Dana! Angcute ng tawa mo!" "Ehh? Anong cute dun?" "Ella!" Napatingin kami sa tumawag sa kanya. Lalaki na abot tainga ang ngiti. Tukabo na siya palapit sa amin. "May rehearsal pala tayo mamaya." Napatingin siya sa akin. "Oh, Hi." Siniko ni si Ella. "Pakilala mo ako sa Binibini uy..." "Hoy Jimenez!" dinuro siya ni Miss Ella. "Yan mga ganyang ngiti ha. Shu ka na nga." Parang walang narinig itong lalaki. Pinunas niya sa laylayan ng t-shirt niya ang kanyang kanang kamay. Nilahad niya ito sa akin"Hi, I'm Josh Everest, 18. And you're?" "Dana..." --- Nang makauwi na ako tinawagan ko si Mama. Video call. Yayamanin si Mama ngayon e. bagong sweldo daw kaya video call niya ng paborito niyang prinsesa! Hehe. Ako lang naman ang anak niyang babae! Dito muna ako sa sala habang wala pa sina Miss Mimah. "Okay ba diyan? Okay ba ang mga kasama mo?" "Opo. Ano lang mama, rich kids. Pero okay lang naman. Sana dumating na si Gia para hindi ako out of place dito." Dumating na si Miss Coleen. "Hi ate Dana! Wala kayong training?" "Sino 'yon 'nak?" Narinig yata ni Miss Coleen kaya lumapit siya sa akin. Iniharap ko sa kanya ang phone. Kumaway-kaway siya kay Mama. "Hi po! Luh Ate Mama mo? Parang kapatid lang. Hi tita! Coleen Vergara po." Banati rin siya ni Mama. "Hi Coleen! Kumusta? Hindi ba kayo sinusungitan ng anak ko?" "Naku tita! Angsarap magluto ng pinakbet ni Ate Dana! Totoong pagkain tita. Grabe!" "Halla, 'Ma! Magluluto nga pala ako ng pinakbet. Tawag na lang ako ulit mamaya ha?" Tinulungan ako ni Miss Coleen sa kusina. Hugas-hugas lang ng mga gulay. "Umuwi talaga ako nang maaga kasi gusto kong makita paano mo iluto." "Bakit Miss?" "Miss? E drop the Miss na lang ate. Call me na lang sa name ko. Please?" Para siyang bata e. Paawa effect pa. "Please?" "Okay? Kaya mong maghiwa naman ng gulay?" "Opkors!" Dumating na rin sina Miss Gabb. "Napakaaga ang uwi ah." bungad ni Coleen sa kanyan. "Hulaan ko excited kayo sa ulam! Haha!" Hinagis ni Miss Gabb ang bag niya sa sofa. "Oo e. Ako na sagot sa drinks. Si Abby bumibili ng cake. Dito magdidinner sina Ella at Sela." Mapapalaban yata ako sa pagluluto. Pressured! --- "Luh Dana, angsarap ng luto mo." Puri ni Ella. "Parang guto ko dito kapag sked ng pagluluto mo." "Araw-araw naman akong magluluto e." "We'll have schedules." Said Miss Mimah. "Siguradong magsu-surprise visit ang mga pinsan natin anytime. Kung malaman nilang si Dana lagi ang kumikilos lagot na naman tayo. Baka isang buong taon tayong patirahin dito." "May point ka. At hindi ko kaya 'yon!" parang nababaliw na sabi ni Gabb. "Take turns tayo sa luto? Gosh. Oorder na lang ako kapag turn ko na." "Malamang ako rin." Sabi ni Abby. "You should learn naman how to cook Abby." Sabi ni Sela. "Alangan ako ang housewife kapag nagpakasal tayo?" Natigilan ako sa pagsubo. Teka? Ano? Kasal? Silang dalawa? "Sino naman ang nagsabi na magpapakasal ako sa'yo?" "Uhm, ate Abby. Kalma lang." saway ni Miss Gabb. "Nasa-shock si Dana sa inyong dalawa." Saka ko lang naituloy ang pagsubo ko. Oo nga pala, possible naman 'yon. Hay! Bakit ba ako nasa-shock? E Tita ko nga asawa niya ay lesbian. --- Time to do my Assignment! Ano na laptop? Be good to me. Wala akong pamalit sa'yo. Hinipan ko muna bago ko ni-switch on. Orasyon ang tawag dun para hindi mausog! Pumikit ako. Koting silip lang kung magbubukas ang OS nito. Yes! Napapalakpak pa ako. Sana may load pa 'yon pocket wifi. Naman! Malas! Pulang-pula ang signal. Paano na 'to? Si Gia baka may load pa siya. Matawagan nga. Buti sinagot niya agad. "Hello, tol. Napatawag ka?" "Uy may load ka? Paload nga. Naubusan data 'yung wifi ko." "Wala bang loadan diyan tol? O buraot ka na naman.hahaha!" "Sige na. Load mo na ako. Magkikita naman na tayo next week e." bobola-bolahin ko muna siya. Haha. Ayoko na kasing lumabas. "Check ko." Sana meron pa. hay! Okay nga ang laptop, wala namang internet. Angmalas! "Tol, hindi na kaya ng balance. Sorry, tol. Tawagan ko tropa. Baka meron sila." "E huwag na 'tol. Labas na lang ako. No choice e. Uy message mo ako pagpunta mo dito ha? Dalhin mo 'yong favorite kong hoodie ha? Alam na ni mama 'yon." Ano na Dana? Kailangan mong lumabas. Kumuha muna ako ng pera. Saka yung arnis pamalo. Haha! Hindi kaya pagkamalan akong tanod dito? "Saan ka pupunta?" tanong ni Miss Mimah. Napatingin siya sa arnis stick. "Bakit 'yan?" "Magpapaload ako. Naubos data ng wifi ko e. Self-defense." Tinaas ko ang arnis stick. "Late na. Gamitin mo 'yong data ng phone ko. Delikado nang lumabas." "Talaga? Palitan ko na lang bukas. Kailangang-kailangan ko kasi magresearch e." --- Kasama ko na si Miss Mimah sa kusina. Napakabagal ng laptop ko naman talaga. "Uh Miss Mimah." Hindi ako pinansin. Nakatutok lang sa laptop din. "Miss?" Ano ba? May password ba para kausapin niya ako? "Isa pang Miss idi-disconnet kita sa phone ko." Pagsusungit na naman niya pero sa laptop pa rin ang atensyon niya. Hay! Grabe naman. Napakasungit. "Jemimah?" Yan! Tumingin din sa akin! "What?" "Kapag mabagal pa ang laptop maraming data ang nagagamit?" "I don't know. Bakit?" "Pagong kasi ang phone ko. Baka maubos ko ang data mo. Nakakahiya." "Ito na lang ang gamitin mo." Iniharap niya sa akin ang laptop niya. "Para matapos mo na yang ginagawa mo." Pogi ng kasama niya sa desktop background! Ahy kilala ko 'to! Siya yung kanina e, si Everest. Pareho silang naka-jersey. Fini-flex niya ang mga medals nila oh. Cute. Kunwari hindi ako curious. Simplehan natin. "Pogi ng boyfriend mo ah." "Huh?" "Itong wallpaper o. Alangan magwo-wallpaper ka ng wala lang diba? Alam mo kasi kapag nag-wallpaper ka ng ibang tao o kasama mo ibang tao ibig sabihin special 'yon sa'yo." "You believe in that?" "Oo naman. Sweet kaya nun. Kapag bubuksan mo ang laptop mo o kaya phone mo picture niyo ang makikita mo. Sana all na lang talaga." "I'm just flexing my 50th medal. 'Yan lang ang picture na meron ako that time kaya nasabit lang si Everest diyan. Gawin mo na lang ang kailangan mong gawin." Binuklat niya ang libro. Book worm! Makagawa na nga ng assignment. Napakatsismosa mo na Dana. Mimosa ka na ang taon! Haha! ---
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม