Dana's POV
No jogging day for badminton team! Sarap ding hindi gumising nang napakaaga kaso kailangan kong mag-aral kaya nag-aaral ako dito sa kwarto habang naglalakad-lalakad at nagti-twirl ng arnis stick. Nakagawian ko na 'to. Sabi ni Mama napakaligalig kong mag-aral kasi angdaming kong isinasabay na gawin. Hehe. Ganun talaga. Iba-ibang style. Hay. Miss ko na si Gia. Wala ako kasabay aral dito. Boring.
Natitigil ako sa paglalakad dahil may naamoy akong nasusunog. s**t! Kanin! Sunog na kanin! Nagmadali akong lumabas. Naabutan ko si Jem na aligaga sa may shellane.
Napamura siya. Sukat ba namang hawakan ang takip ng kaldero nang walang potholder.
"s**t naman." Usal ulit niya.
Nilapitan ko na. Itinapat ko sa may faucet ang kamay niya para maibsan ang hapdi sa pagtulo ng tubig. Mangiyak-ngiyak siya. "Paano ka makaka-grip ng racket niyan? Angpula ng paso mo. May potholder naman bakit hindi gamitin?"
"Napaso na nga nagagalit ka pa. Nagluto na nga ako kasi turn ko ngayon."
Inoff ko na ang faucet saka ko binalingan ang kanin. Gosh! Patawarin mo Panginoon si Miss Jemimah sa pag-aaksaya ng bigas! Wala nang pag-asa to.
"Hindi ka marunong magluto. Bakit pinilit mo pa? Sayang naman 'to o. Nognog na. haha!"
"Tinatawanan mo ako."
Napakasensitive naman talaga ni Miss Mimah. Parang lahat ng pointers ni Tita, korek e. haha! Nakamot ko ang itaas ng kilay ko. Paano ba 'to? Gawaing bahay tutorial?
"Asan na 'yung iba pala?"
"Jogging. Sa labas na daw sila kakain."
"Oh pala de sana hindi ka na nagluto." Hinuhugasan ko na ang kaldero. Wala na kasing pag-asa 'yong kanin. "Kuha ka na nang bigas. Turuan kita paano magsaing. Angsama naman ng pinsan mo ano? Kung may rice cooker sana."
"She loves to make my life miserable. That's why.
Sabi ko isabay na niya ang pagpiprito ng itlog at hotdog. Dinala ko na dito ang mga inaaral ko dito sa kusina baka maaligaga na naman siya masunog na 'tong bahay.
"Oh kakalagay mo lang ng mantika maya maya muna 'yang itlog." Sabi ko dito. Hindi ko naman siya bino-boss around. Nakaupo pa rin ako nagbabasa-basa. "Tapat mo yung palm mo sa mantika kung mainit na."
"I think pwede na."
Nilagay nga muna niya sa mangkok ang itlog kahit sunny side up ang gusto niyang paglulto baka daw tumalsik ang mantika e. Hay. Para siyang makikipaglaban sa kawali sa layo niya. Thank you talaga kay mama at maaga niya akong tinuruang magluto e kung hindi ganito rin siguro ako. Haha!
Nairaos naman niya ang pagluluto. May itim-itim lang ang mga hotdog. Haha. Disappointed siya sa luto niya.
"Oorder na lang ako ng almusal."
"Makakain naman 'to. Pero kailangan mo pa ng maraming practice. Nagkakape ka ba? Masarap to sa kape." Nagtimpla ako ng kape ko. Hindi naman siya umimik e baka hindi siya magkakape. "Tatambay ka ulit sa café?"
She nodded. "Why?"
"Wala. Tambayers ka dun marami namang space dito sa bahay para magrelak ka. Pwede ka sa rooftop kasama ng mga sampayin. Ah! May hinihintay ka siguro dun 'no?"
Nag-abot ang mga kilay na niya. "Hinihintay what?"
"Hinihintay. Tao? Sabi nila kapag may isang lugar kang binabalik-balikan, significant 'yon. Doon mo ba na-meet ang pers lab mo?" biro ko sa kanya.
Hahaha! Itsura niya. Hindi siguro to sanay na inaasar.
"Joke lang. 'To naman. Hindi na mabiro. Oh kumain na tayo."
"Parang hindi makakain 'to e."
"Naku pwede na yan. Tanggalin mo ang balat ng hotdog uubra na yan."
Anggrabe ng tingin niya nang nagkamay ako!
"Bakit ganyan ka makatingin? Hindi mo pa nasusubukang magkamay? Sarap kaya. Pero huwag mo nang gayahin. Hahaba pa oras natin dito e mali-late na ako. Kain ka na lang."
Napakatabang ng itlog! Hindi niya nilagyan ng asin. "Lagyan mo ng asin yung itlog next time. Okay lang yan. Huwag kang malungkot. Lahat nagkakamali. Si Perfecta at Perfecto lang ang mga perpek sa mundo."
---
Sobrang busy ng maghapon ko. Hindi na nga pala ako nakapag-lunch. Deretso na ako sa café after my class. Hanggang 5:00 yung duty ko then 6:00-7:00 naman ang training. Hanep na training ano? Sacrifice. Very very big sacrifice. Mild training pa 'yan. Naiinggit na talaga ako kay Mimah. Gaano kaya ako katagal sa Team C? Larong-laro na ako e. Gusto ko 'yong may telecast. Haha. Tas ako ang best player. Babatiin ko si mama. Haha! Asa Dana! Asa! Focus na lang sa training. Inaayos ko ang jogging pants ko saka wrist band nang mapansin ko rin sina Lyka at Aiko na nakatingin sa gawin ng Team A.
"Uy bakit parang lugmok kayo diyan?"
"Ha? Wala naman. Kainggit naman oh. Sa September sasali sila sa international tourn." Napabuntong hininga si Lyka. "Inggit much."
"Kung hindi lang mayaman yang si Capt de hindi yan papaboran." Inis na sabi ni Aiko.
Siniko siya ni Lyka. "Huwag ka ngang ganyan. Deserve naman niya yan e."
"Sus. Balita ko sinusuhulan niya ang Team B para magpatalo sila."
"Yan bibig mo!" pinitik ni Lyka ang bibig ni Aiko. "Tsismosa ka e. Galingan na lang natin para matalo natin ang Team B sa next rank games natin."
Narinig ko na rin ang tsismis na 'yon. Wala naman akong pakialam. Haha! Pero gusto ko talaga 'yung maraming makalaban na malalakas pa e.
"Dana, right?" sabi sa akin ng miyembro ng Men's Badminton.
"Yes po?"
Nilahad niya ang kamay niya. "I'm Empire. Vice-captain ng men's team. Pwede ba tayong maglaro? One set lang."
"Talaga? Sige sige! Pero isama ko team ko ha?"
"Sure!"
Na-excite ako sobra! Feeling spoiled yata ako. Pinayagan ako ni coach isama sa match sina Lyka at Aiko e. haha. Hindi ko alam kung anong sub-team sa men's tong kalaban namin. Mas maganda pag walang alam! Haha!
Mauna ang doubles. Siguro pareho lang kami ng nararamdaman nina Lyka. Imbes na kabahan e tuwang-tuwa pa sila kahit nami-missed nila ang shuttlecock.
"Magseryoso naman kayo." Sabi ni Knight. "Pinaglalaruan niyo lang kami e."
Huh? Pinaglalaruan? Magse-serve na si Kulot na lalaki. Pumikit ako gusto kong marinig 'yong tunog ng shuttlecock sa ere. Angsarap talaga pakinggang ng shuttlecock na mabilis sa ere. Pagmulat ko kitang-kita ko kung paano ini-smash ni Lyka ang shuttlecock. Angperfect! Naghiyawan ang mga men's team. Bumaon kasi sa raket ni Knight yung shuttlecock.
Nag-iba ang laro ng dalawa. Dikit ang laban. Kantyawan na sa side ng court na pinaglalaruan namin. Parang gusto ko na sumali sa pustahan. Haha! Halla! last two points dapat manalo sila Lyka. Rinig ng tsismosa kung tainga na 1500 ang mapapanalunan. Haha! Masaya din pala sa Team C pwede pusta e.
Kaso. Kaso natalo sila. Haha. Napagod agad.
Ang usapan ay hanggang 11 points lang. "Galingan natin," sabi ni Empire.
Nakakasabay naman ako sa kanya. Anggaling niyang magfeint hits. 8-8 na ang score. Na-aamaze ako sa bilis ng footwork niya
Siya ulit ang magse-serve pero hindi siya gumagalaw. Ano pang hinihintay niya? Huh? Nilipat niya sa kaliwang kamay niya ang raketa. Disadvantage 'to sa akin. Oh well, bahala na.
Nakakasabay naman ako sa kanya. Pagka-smash niya dumaan sa pagitan ng mukha ko ang raketa. Naramdaman ng pisngi ko yung shuttlecock. Angsarap! Ibig kong sabihin angsarap ng tunog pero mahapdi sa balat. Haha.
9-8 na. Advantage point na niya. Dalawang points na lang. Olats na ako. Iba talaga pag left-handed ang kalaro. Pero nakaka-excite.
Serve ulit. s**t naman 'to. Hindi pa ako nakakadepensa ini-smash niya agad. Naibalik ko naman pero napaupo ako. Inismash niya agad. Headshot ako sa pisngi! Haha! Napahiga ako nang tuluyan. Hindi ako nahilo pero angsarap makaramdam ng headshot sa laro. Ibig sabihin all out siya. Kinikilig ako! Nilapitan ako nina Lyka.
10-9. Isang puntos na lang. Matatalo na ako.
"Kilala mo pa kami Ate Dana?"
Natawa naman ako sa dalawang 'to. Haha. Umupo ako. Sumentas ako nang sandali kay Empire. Tinaas ko ang jogging pants ko saka tinanggal ang weight sa binti ko. Gulat sina Lyka e.
"Ate naman naglalaro ka na may weights. Delikado yan."
"Sanayan lang." sabi ko saka inabot sa kanila. "Balik na kayo sa bench." Tumalon-talon ako. Gaan sobra!
"Kailangan mo lang pala ng headshot. So deserve ko na ba ang magandang laban?" sabi ni Empire.
Magse-serve na siya ulit. Hindi pa diyan natatapos ang surprise Empire. Pagpito ng coach nila nilipat ko sa kaliwa ang raket ko. Match na kami. Mas bumilis rin ang footwork ko. Alangan hindi ako makaganti diba? Timing-timing lang. Shoot! Off balance siya. Pagka-smash ko sakto sa pisngi din niya ang tama. Haha!
Sa huli-huli nanalo pa rin siya. Pumagitna kami kasama sina Lyka para makipagkamay sa kanila.
"Thank you sa match." Sabi ko dito. "Sa uulitin. Ano nga pala ang pangalan ng ka-team mo? Sorry ha? Hindi pa ako familiar dito sa badminton family."
Ngumiti si Empire. "He's Knight. " Ah si Kulot. "And he's Gener." 'Yung chinito na may blue braces. Tulog alak ang mga pangalan nila. Haha! "Team A ng men's badminton."
Napa-wow ako! Team A ang nakalaro namin! "Talaga? As in? Wow! Thank you sa opportunity."
Nagpasalaman din ako sa coach nila. Kinikilig pa sina Lyka nang bumalik kami sa court ng women's team. Pinag-linya na kami ni coach.
"Kumusta ang practice game, Dana?" tanong ni Coach Samuel.
"Angbilis mapagod nina Lyka. More on cardio-endurance. Footwork. Pwede na sila gumamit ng training racket and ma-develop pa ang self-confidence. Nao-overwhelmed sila sa kalaban."
"Sa'yo? Anong dapat mong i-improve?"
"Lahat coach. Marami pa akong dapat i-improve. Nakakasabay ako kay Empire pero nalalamangan pa rin niya ako kapag matagal na ang rally."
"Sige magsiuwi na kayo. Walang training bukas. Monday na tayo magkita-kita."
Nasa locker room na kami. Panay ang ismid sa akin nina Captain at Vice Captain. Siguro kras nila ang team alak kaya ganyan sila. Haha. Paki ko naman!
Napatili sila Lyka. "Ate Dana! Nasa MZU site tao!"
Huh? Ano 'yon? Pinakita ni Lyka ang phone niya sa akin. May nagpost ng clips ng laro namin kanina. Angdaming comments.
"Halla. nakakatuwa ang mg comments ate." Sabi ni Aiko.
Ginulo ko ang buhok niya. "Sus. Kilig. Bilisan na. Libre ko kayo ng dinner."
"Tara na guys! Sa bahay na kayo magdinner." Rinig kong sabi ni Amapola. "Birthday ni daddy. Mimah, sama ka."
"Hmm? I'm going with Dana."
Kunot-noo si Amapola. "Seriously, Mimah? Sa kanila ka sasama?"
Walang emosyon na tumango si Mimah. "Bakit hindi?"
---
Mayroong bukas na tapsilugan malapit sa Dorm nina Lyke. Doon kami kakain. Problema na ni Mimah kung hindi siya makakakain. Hindi naman siya invited e hahaha! Joke lang.
Magana kumain sina Lyka. Nag-extra rice pa e.
"Anong feeling Miss Mimah? Makikipagcompete ulit kayo sa abroad." tanong ni Lyke. Pressured ba?"
"Medyo. Anggaling niyo kanina. Congrats."
"Yiiie! Kilig naman kami. May papuri. Sana talaga matalo namin ang team B naman this year. Para may chance din kami makasabak sa ibang tourn."
"Bakit Team B? Dapat kami ang goal ninyo." Sabi ni Mimah.
"One step at a time." Sabi ko naman. "TEAM B muna bago kayo. Kaya training maigi Mimah. Tatalunin kita." Biro ko sa kanya. Tinaas-baba ko pa ang kilay ko.
Nag-abot ang kilay niya. Piniling-piling niya ang mukha ko. "Ganun ba kalakas ang smash ni Empire? May gasgas ka sa mukha."
Nilapit pa niya ang mukha niya. Hinampas ko nga nang marahan ang braso niya. "Mimah! Galos lang e. Kala mo naman mamamatay na ako."
Pagtingin ko sa dalawa ay magkasalikop ang mga kamay nila na parang nagdarasal at nakangiting nakatingin sa amin.
"Aww. Sweet pala kayo. Angcute."
"Para kayong ewan. Kumain na nga kayo."
---
Nakauwi na kami ni Mimah. Ang mga kasama namin sa bahay sa sofa nakatambay. Pare-pareho kaming pagod. Haha! Itsura ng mga 'to. Busy sa phone tapos nagsitaas ng paa.
"Sa wakas dumating na kayo. Pwede na tayong kumain," sabi ni Gabb. "Nagpadala si ate Mika ng dinner natin. Let's eat na."
"Kumain na kami." Sabi ni Mimah.
"Halla! Ate Dana nag-date kayo ni Ate Mimah?" bulalas ni Coleen. "Ate Ba't ganun? Hindi niyo ako sinama?"
"May date bang may chaperon?" sabi ni Mimah. "And we didn't. Kasama namin ang team."
"Team? E nagpaparty sina Sherie. Nagpost sa IG." Sabad ni Gabb.
"Team C." pinalo ni Mimah ang binti ni Gabb para umayos ito ng upo. "Buti walang training bukas. Makakapagpahinga din."
"Shot tayo Mimah. Miss ko na ang lasa ng alak." Sabi ni Gabb. "Umiinom ka ba Dana?"
Umiling ako. "Allergic ako sa alak."
"Boring naman."
"Halla! Ate bakit may sugat ka sa mukha?" biglang sabi ni Coleen.
Ganun ba kapansin ang gasgas? Tinignan ko ito sa phone. Oo nga. Ewan ko ba. Natuwa pa ako nito. First year high school pa nung huling may nakapag-headshot sa akin e.
"Nakita ko 'yung clip sa site," sabi ni Abby habang tutok sa phone niya. "Marami sigurado ang inggit sayo kasi kinausap ka ni Empire."
"Ha? Bakit sila magagalit?" inosente kong tanong. "Bawal ba siyang kausapin?"
Natawa si Gabb. "Ganito kasi 'yon. Sa site na 'yon may kalokohang rank rank ang mga estudyante. Kabilang si Empire sa top 10 ng mga elite popular students."
"Top 3." Pagbibida ni Coleen. "Kinausap ka, nginitian ka, nakipagpicture pa sa'yo ng top 3 sa pinakatitilian ng madlang MZU."
"Ganun ba ka-big deal ang popularity dito? Saka top-3 lang naman. May top 2 at top 1 pa. Sigurado mas pogi sila kaysa kay Empire no."
Napalakas ang tawa ni Coleen. "Hahaha! Ate! Hindi ka talaga updated sa ating school! Kaya nga mas dadami ang maiinggit sa'yo e."
Confuse na ako sa sinasabi ni Coleen. Ano bang trip niya?
"Sigurado napakapogi ng top 1." Sabi ni Gabb. "Ewan ko lang sa top 2." Saka ito natawa.
"Ate oh. Para hindi ko outdated sa ka-jejehan ng mga estudyante."
Napatampal ako sa noo ko. Parang nakakatakot nang lumabas mag-isa! Top 2 si Mimah tapos nasa top 1 si Gabb. May monthly voting pang nagaganap. Jusko anong klaseng school pa 'to?!
"'Di ba? Pogi talaga 'yung Top 1." Pagyayabang ni Gabb. "Ewan ko talaga sa top 2. Hahaha!"
---
Tambay pa ako sa sala. Nagba-browse ako sa MZUmazing. Ito 'yung secret site ng school. Gamit ko ang extra phone ni Coleen. Ito ang gamit niya pang-stalk daw. Anggrabe din may mga nag-aaway-away sa comment section ng picture ni Empire. Angbababaw naman ng mga 'to.
"Interesado ka sa kanya?" napaangat ako ng tingin. Si Mimah. "Oh pihiran mo ng oinment 'yang sugat mo. Para gumaling agad."
"Gasgas lang naman."
Naupo siya saka iniharap ako sa kanya. Naglagay siya ng konting ointment sa hintuturo niya saka pinahid sa sugat ko. "Angdumi ng shuttlecock. You're not even sure kung natanggal ng soap ang germs na pumasok sa skin mo."
"Grabe naman sa germs." Tatawa sana ako pero angsama ng tingin niya.
"Shut up, Dana."
Ay scary! Nagmamatapang na naman ang pusa. Nang matapos ang paglalagay ng ointment ay bumaling na ulit ako sa phone ko. Ganun din siya. Nasa parehong site kami. Dummy account ang gamit niya.
Pag-refresh ko ng page picture ko ang nakita ko! Halla! Bakit nila ako binabash! Angfeeling-feeling ko daw! Angsarap pag-uuntugin ng mga 'to e panay dummy accounts naman!
"Angsarap tirisin!" tiniris-tiris ko ang screen ng phone ni Coleen. "Napakapapangit naman! Kakainit ng ulo ah!"
"Empire might chose to to be his partner in Mixed doubles. Usually magkakaroon ng match para madetermine kung sino ang magmi-mix. Baka malaban mo si Sherie."
"Angdaming kompetisyon sa school na 'to. Wala bang chill chill lang? nakakaurat." Nag-exit ako sa site. "Paano pa pagnalaman nilang magkasama tayo sa iisang bahay? Baka tambangan na ako sa labas. O kaya naman mag-almusal ako ng death threats! Haha!"
Napasandal siya sa balikat ko. Halla! Tulog na pala 'tong kausap ko. Paano naman 'yan? Hindi ko siya kayang buhatin. Maaga pa naman. Umayos ako nang upo para maka-relax din siya. Hinayaan ko lang siyang matulog habang ako patuloy na nabubueset sa MZUmazing na to. Nabubueset ako pero nagbabrowse pa rin ako no? haha.
Ganun talaga. Yung mga ex nga nasasaktan na pero nang-i-stalk pa rin sa mga ex jowa nila. Haha.
Hanggang kelan naman tayo dito sa sofa Mimah? Nalamangan mo na ako sa tulog ah.
---