OBP 6 - Magulong Weekend

2089 คำ
DANA Weekend. May mga bisita. Nandito ang mga parents nila. Hindi nga sana ako lalabas ng kwarto pero may pa-meeting. Haha! My Gosh! Hindi naman nila sinabing magbibigay ako ng assestment sa isang linggong kasama ko ang mga anak nila. De sana gumawa ako ng kodigo! Mahaba-habang kodigo! Haha! "Hija, umaalis ba 'pag gabi si Gabb?" "Hindi po ma'am." "How about girls? May mga iniuuwi ba siyang babae dito?" Natulala ako sa tanong ng mama niya. Haha! Seryoso? Makailang beses akong umiling. "Wala po." At nagpatuloy ang question and answer na yes or no lang madalas ang sagot ko. Haha. Nakakaloka 'tong kaharap namin ang mga parents nila. Pero mas maraming tanong talaga ang Mama ni Gabb. Akala mo nakakabuntis si Gabb e! hahaha! Nagpaiwan ang mga magulang ni Mimah. Nagluluto ang mama niya. Ang daddy naman niya kasama sina Mimah sa grocery. "Talaga? Nagluto si Jemimah?" aliw na tanong ni Maam Avria. "Ang Mimah ko marunong nang magluto." "Ah eh. Natututo pa lang po maam." Niyakap ako ni Ma'm Avria. "Salamat hija sa paggabay sa mga bata ha? Kung sinusungitan ka ni Mimah e sabihin mo lang sa akin." Naku maam! Napakasungit ni Jemimah! Parang kahit walang sinasabi e tagsungit na tunay! Haha. Grabe! Bumili sila ng alak! Tuwang-tuwa si Gabb samantalang si Coleen nasa pinakadulong upuan. Juice ang sa kanya e. Nakakaawa siya. Nagagalit si Ma'am Avria pero ang rason ni Sir Marcio Mas mabuti nang dito uminom kaysa sa labas. Mananatili nga sila dito hanggang hindi daw nauubos nina Gabb ang isang case ng San Mig Light e. Napakasupportive masyado! Haha. Inaalok nila ako pero ayoko. Ngayon kasi ang dating ni Gia kasama niya ang mama niya. Dito sa Manila nagtatrabaho ang mama niya kaya isinabay na siya. "Pasensya ka na sa asawa ko." "Okay lang po. Tama naman e baka pag sa labas pa sila mag-inom mapa-trouble pa sila." Sinalinan ni Maam Avria ng softdrinks ang baso ko. "Pinapanood sa akin ni Mimah ang mga games mo. Anggaling mo Hija kaya pala interesado ang Unica Hija ko na maging teammate kayo." "Ahy. Salamat po. Gawa po ng matinding training sa probinsya." "Nung bata-bata pa ako e magaling din ako sa badminton. Sa akin nga namana ni Mimah 'yan. Hindi naman sportsminded ang asawa ko." Kunwaring bulong niya sa akin. Pero narinig ni Sir Marcio. Haha. "Aba Dana, huwag kang maniwala sa kanya. Sportsminded din ako pero hanggang sa mind lang." Nagkakasiyahan ang apat sa sala, samantalang ako kakwentuhan ang mga magulang ni Mimah. Parang unfair? Haha! Joke lang. Angsaya kaya kakwentuhan ng mga nakatatanda. "Ah hija, I hope you don't mind ha? Are you lesbian hija? Bisexual? Lgbt? Ally?" Sunod-sunod na tanong ni Ma'am Avria. Hindi ko alam ang isasagot ko. Angprangka naman kasi. "Pasenya ka na Hija, we need to know kasi baka hindi ka naman open sa idea na may mga kasama sa bahay na hindi straight." Diretsahang sabi ni Ma'am Avria. "Ang mga batang iyan kasi ay palaging nami-missunderstood kaya wala silang gaanong kaibigan. Sila na mismo ang lumalayo dahil hinuhusgahan na sila kapag nalalaman family background nila." "Mama, binibigla niyo si Dana." Sabi ni Mimah. Pulang-pula ang pisngi niya. May amats na 'to. "Saka straight ako 'Ma. Hindi magkakaproblema sa akin si Dana." "'Nak alam namin na straight ka pero open din kami kung sakaling hindi." Hahaha! Aliw ang mga magulang niya! Kung lahat ng parents ganito walang LGBT member na made-depress. Happy lang lahat. Naupo sa tabi ko si Mimah. Umabresiete siya sa akin. Naiiling si Sir Marcio. "Mimah, tama na 'yang inom ha. Matulog ka na pagkaubos mo niyan." "Dad, hindi ako lasing." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "'Di ba Dana? Hindi ako lasing?" "Ha? Hindi nga. Inaantok ka lang." Hindi lasing pero namumungay na ang mga mata niya. Pulang-pula ang pisngi at masyadong clingy. Hindi talaga lasing. Napakatino! Bumalik na siya sa may sala. Nagkakantahan na sila. Si Ate Abby naman ayaw pasunurin si Coleen sa mic. Nakakatuwa silang panoorin. "Picturan mo nga sila Honey. Tingnan mo si Abby nawala ang pagkasungit e. nakikitawana na rin. Madalang na ganyan ang batang 'yan." Ang masasabi ko lang, unique talaga ang parenting ng mga magulang. haha! --- Sa sala na nakatulog ang apat. Sabi ni Sir Marcio, hayaan ko lang daw sila. Sa sahig na nga nakatulog si Gabb. Nilagyan ko na lang ng unan sa ulo. Si Coleen nagkasya sa maliit na upuan. Sina Ate Abby at Mimah sa mahabang upuan naman. Nakasandal si Mimah kay Ate Abby. Hay. Alak pa! Sakto dumating na sina Gia at mama niya. Nagulat si Tita Celeste nang makita ang apat. Suminghot-singhot pa siya e. Inamoy ang hangin. Haha! "Uminom kayo Dana?" "Sila lang po Tita." Sagot ko habang tinutulungan siyang ipasok ang ibang gamit ni Gia. "Mars, may pa-welcome party ba sa akin pero bakit logtu na mga welcomers?" tatawa-tawa nitong sabi. "Grabe 'Tol, amoy na amoy ang alak. Original pleybor 'tol! Sanaol." "Sanaol mo mukha mo." Hampas sa kanya ni Tita. "Iakyat mo na ang mga gamit mo. Saan pa ang mga kwarto nila? Bakit diyan sila natulog." "Diyan lang daw po sila sabi ni Sir Marcio e, yung daddy ni Mimah." Parang may sinasabi si tita. Ang malinaw lang e matandang 'yon. "May sinasabi kayo Tita?" "Wala." Inisa-isa niyang dinala sa kwarto ang tatlo. Si ate Abby iniayos lang niya ng higa sa sofa. Anglakas ni tita! Pero kung sa bagay hindi naman kalakihang tao sina Mimah. Haha! "Gia, yung mga bilin ko ha? Lock lagi ang gate bago matulog. Huwag magpapatay ng ilaw sa labas. Dana, ikaw din. Mag-iingat kayo lagi." Nag-okay sign naman ako kay Tita. Inabutan niya ako ng putting envelope. "Nakalimutang ibigay ng mama mo. Pinadala niya sa akin." Akala ko pera ang laman e. hehe. Pagkabukas ko, natuwa ako lalo! "Talaga? Sa akin na 'to?" Tumango si Tita. ATM card ni Papa to. Remembrance ko sa kanya kasi 'to. Matagal ko nang hinihingi kay mama pero ayaw niyang ibigay. Hindi ko naman daw magagamit. Pero gusto ko kasi laging kasama si Papa kahit sa mga ganitong bagay lang. Nang makaalis si Tita inakbayan ako ni Gia. "'Tol may ipapakita ako sa'yo." Na-excite ako nang pinakita niya ang ATM Card ng papa niya. Yep yep! Magkasama sa trabaho ang mga tatay namin noon. Pero namatay sila sa aksidente. Itong mga cards na lang nila ang remembrance namin. Nagdidinner na kami ni Gia. Tulog na tulog pa sina Mimah. "Iyak nang iyak si Mama parang tanga nung binigay sa akin e. Akala mo naman gold talaga." Sabi nito habang pinaglalaruan ang card. "May laman kaya 'to?" "Baliw. Malamang close account na 'yan." Napangiti siya. "Kung buhay pa kaya ang mga tatay natin, masaya kaya sila? Tingin mo?" Nagkibit-balikat ako. "Siguro. Malabo na ang alaala ko kay Papa. Pero ganun talaga ang buhay walang kasiguraduhan. Isipin na lang natin namatay sila sa serbisyo kaya bayani ang mga tatay natin." 'Yun ang laging sinasabi ni Mama kapag nagtatanong ako noon kung bakit wala akong Papa. Isipin ko daw bayani ang tatay ko at namatay siya para sa buhay ng ibang tao. Bakit kailangang mamatay para maging bayani? Angdami kong tanong. Wala naman na akong magagawa sa bagay na 'yon. --- Perfect Sunday Morning! Kakamulat ko lang napabangon ako agad kasi may sumigaw. Araw-araw na lang ba akong magugulat dito? Si Coleen 'yon! "Magnanakaw! Ate Abby! May magnanakaw!" Shit. Wala si Gia sa bed niya. Nagmadali akong lumabas. Hawak-hawak ni Coleen ang tsinelas niyang nakaamba kay Gia. Haha! Grabe! Umagang-umaga comedy. "Huwag kang kikilos!" sabi ni Coleen. "Babatuhin kita talaga!" "Masusunog na ang piniprito ko." Sabi ni Gia. Hindi din talaga siya gumagalaw e. Nagpabalik-balik sa amin ni Coleen ang tingin niya. "Ok lang Coleen. Kaibigan ko siya."sabi ko kaya binaba ni Coleen ang tsinelas. Siya ring paglabas ng tatlo. Dumulog na sila agad sa mesa. Mga may hangover. Nakadukdok pa rin e. "Alak pa?" sabi ko sa mga 'to. "Oh may isa pang case na iniwan si sir Marcio." Haha. Walang sumasagot. Mahihina pala ang mga 'to e. "Gutom na gutom ako."sabi ni Coleen. "Hindi ba tayo kumain kagabi?" "Fudge!" biglang takbo sa kwarto si Ate Abby. Paglabas niya 'yong phone niya ang halos mabitawan niya sa kakaswitch on. "Gabb, yung charger ko? Asan 'yong charger ko?!" Tinuro ni Gabb ang kwarto kaya patakbo ulit na pumasok si Ate Abby dun. "Ahhh!!! s**t! s**t!" matinis na sigaw nito. "My God! Guys, Wala ako dito ha? Umalis ako. Basta wala." Pumasok siya sa kwarto. Nalilito ako. Bakit siya nagpa-panic? Bumukas ang pinto. Hindi uso ang katok-katok sa bahay na 'to talaga? Si Sela pala. Oh bakit nag-aabot ang kilay niya. "Si Abby?" "Umalis e."sagot ni Gabb. "Kakaalis lang niya. Fifteen minutes ago." "Sino siya?" tukoy ni Sela kay Gia. "Siya ba ang bago ni Abby?" Hindi ko talaga alam ang ire-react ko sa mga taong 'to. Apat na may hangover at isang sugoderang hindi ko alam kung girlfriend. "Uy Dana anong nangyayari dito? Kanina nagpapanic si Miss Maganda tapos ngayon bago ako? Bagong jowa ganun? Sanaol jowa." Confused na confused si Gia. Haha! Ako din naman! "She's in her room." Sabi ni Mimah. "She's drunk last night. Kung may sinabi man siya sa'yo, you better thing twice kung kakausapin mo ngayon." "Sinong hindi magagalit kung pinagse-send niya sa akin ang picture nila ng ex niya?" Kahit siguro ako magagalit. Teka. "Jowa ka ba ni Ate Abby?" Humagalpak ng tawa sina Coleen at Gabb. Ano? Nagtanong lang naman ako. Yung matapang na Sela kanina bilang naiiyak. Anong ginawa ko? Bakit ba siya umiiyak?! Inalo siya ni Mimah. Iginiya niya ito sa may sofa. "Give her time. Sino ba namang may gusto ng fixed marriage, Sela. Intindihin mo naman si ate Abby." "Pero nangako siya noon." "Mga bata pa tayo noon. Kasal-kasalan lang 'yon. Nagbabago ang gusto ng tao. Malay mo magbago din ang gusto mo. Hindi na si Ate Abby. Malay mo makakilala ka ng iba." --- Tambay kami sa rooftop ni Gia. Escape muna sa drama ng magbabarkada. Out na kami dun. Haha! "As in? Daddy ni Miss Jem ang bumili nito? Sarap! Anglamig!" May anim pang SanMig Light. Ito ang pinagsasaluhan namin ni Gia. Hindi naman ako talaga allergic sa alak. Hindi lang ako komportableng makipag-inuman sa iba. "Hinay-hinay naman sa inom. Linggo pa man din. Hingi muna tayo ng patawad kay Lord." Tatawa-tawa kong sabi dito. Sabay pa kaming nagsign of the cross! Haha. "Buti pa sila may mga tatay 'no?" "'Tol, marami naman tayong tatay ah. Angdami-dami kaya nila kapag December. Marami tayong natatanggap na aguinaldo." Nakakapagtaka nga sa tuwing December maraming regalo ang dumarating para sa amin ni Gia. Puro nakasulat from tatay 1...tatay 2... umaabot pa sa tatay 30. "Mas gumanda si Gabb. Bagay niya ang blonde." "Kilala mo siya?" Tumango siya. "Nakita ko na siya ilang beses na kapag isinasama ako ni Mama sa work. Hindi na siguro ako maalala ni Gabb. Bulilit pa kami noon e." Bumuntong-hininga siya. " Hindi basta-basta ang mga kasama natin 'tol. High profile teens sila." "Alam ko naman 'yon. Naba-bash na nga ako sa site ng school dahil sa kanila. Kasalanan ko pa ba na kilala sila ni Tita? Nadamay pa tuloy ako." Tsk. Hindi na masarap tong alak. Dapat nagdala ako ng ice e. "'Naniniwala ka sa destiny?" "Simula nung makilala kita? Hahahah!" ikinanta ko kaya naibuga niya ang iniinom niya. Haha! "Sorry..sorry. Bakit? Anong destiny yan." Kinuha niya sa wallet niya ang isang picture. "Nininok ko 'yan sa photo album namin. haha. May picture kayo ni Mimah na kinasal. Nakita ni mama. Pinagalitan ako pero kinwento pa rin ang nangyari. Hahaha!" Hindi ko ito maalala. Naka-tuxedo ako. Halla? Gupit lalaki pa ako at mukha akong sakitin. "Kelan 'to? Hindi ko to maalala." "Kwento ni mama, celebration kena Mimah yan. Nagbakasyon ka kena Tita mo. Kaya nandun ka. Kasama sa entourage si Miss Mimah. Little bride. E ayaw niya yung partner niya. Ikaw gusto. Ayaw daw maglakad sa aisle hangga't hindi ikaw ang naghihintay sa harap. Kaya pinagbihis ka ng panlalaki." "Nyeh? Hindi ko talaga maalala." Kasi sa ang malinaw lang sa akin ay 'yong reunion pero hindi ko naman maalalang may mga bata noon tapos kasal pa? "Nabagok siguro ulo mo 'tol.haha! Yaan mo na nga. Bata pa naman kayo noon. Saka siguro mababa IQ mo kaya hindi mo maalala. Haha!" Angsarap bagukin ng ulo niya. Pinagmasdan ko ang picture. Mukha ngang napilitan lang ako dito pero si Mimah smile gang tainga. Nakuha kasi ang nais ano? Iyak lang pala katapat. Bulilit na spoiled. ---
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม