JEMIMAH'S POV
"You know Dana pala. Kasama mo pa sa bahay."
I stared dully at Everest. Dana here, Dana there. May isang linggo ko ring iniwasan to mula nung nabanggit ni Dana na nagkakilala sila. I know this guy so much. He's into Dana, Malakas ang kutob! That night text siya nang text kaya I decided na iwasan siya. Nagpapacute na naman. Sarap tusukin ang mga eyeballs. God! This guys is so full of himself!
"Pretty huh. Famous agad sa MZUmazing. I like her."
Napataas ang kilay ko. "Let me remind you, huwag mong papatusin ang kaibigan ko."
"So you're friends?"
Technically? We live in the same house, we talk, and she's nice to us so we're friends. But lately she seemed zoning out. Kinausap naman niya ako pero parang may gusto siyang sabihin. Nahuhuli ko kasi siyang nakatitig sa akin. Kung tatanungin ko kung bakit aalis naman. Weird.
Back to this guy. I hate it when he smiles like he wants some favor. Lumipat siya sa tabi ko. Inakbayan niya ako. "Kinakapatid naman kita. Baka naman..."
Siniko ko nga siya. Nilakasan ko talaga para maramdaman niya ang pagkadisgusto ko sa sinabi niya. Napahawak siya sa sikmura. "Kasasabi ko lang na kaibigan ko 'di ba? Subukan mo lang Everest. Subukan mo lang."
Bumalik na siya sa upuan niya. His face shows pain. Pumutok pa apendix niya sa pagsiko ko, wala akong pakialam."Grabe ka talaga. Angcute kasi niya. Speaking." Nagpangalumbaba siya saka parang aso na naman ang ngiti. He's that stupid looking again!
Napalingon ako. Sina Dana at Ella pala. Kaya pala parang aso na naman 'to. Papunta sila sa amin. Nagpabango pa talaga 'tong si Everest. Bumuga pa sa palad para amuyin ang hininga.
"Hi guys!" bati ni Ella sa amin. Nilapag niya ang mga gamit niya sa mesa. "Oh Everest, problema mo? Para kang nakakita ng multo."
"Anghel. Anghel ang nakita ko." Nakatingin ito kay Dana. Nailing na lang talaga ako sa style niya. "Maupo kayo. Ano ka ba naman Ella. Hindi mo paupuin ang bisita."
Nagkatinginan kami ni Ella. Alam na niyang siya ang gusto kong umupo sa tabi ni Everest. Kilala na rin naman niya ito kaya pareho kami ng naiisip. Umusod ako para makaupo si Dana.
"Bakit dito kayo nakatambay Mimah? Mas malamig sa Royalty," asked Ella. Royalty is the room that's exclusive for us. "Isasama ko sana si Dana dun. Tamad naman daw siyang maglakad."
"Buti na lang tinamad siya. De hindi ko siya nakita." And here's the Everest. Nagpapahaging na naman.
Dana is on her no reaction mode. Pinusod niya ang buhok niya, nagbuklat siya ng libro at nagpasak ng headset. Total snub for Everest! Oh God! I love how she did it. Haha!
Pasimple kong iginuhit sa leeg ko ang hinlalaki ko para asarin si Everest. Haha! His face turn pale. Haha! This isn't the first time but it's really an epic thing to see him be embarrass.
Nag-aaral silang tatlo. Ako? I'm doing nothing. Nakapag-advance reading na ako. Nakaka-bored kung magbabasa pa ulit. I'm just playing on my phone. Dinner dash. Naaliw na ako sa mga ganitong games. Pamatay oras lang.
Dana sighed. Napatingin ako sa kanya. Nahilot din niya ang sintido niya. "Napakahirap naman." Sinara niya ang libro. "Alis muna ako."
"Where are you going?" Usisa ko. She's so frustrated. I wonder kung paano siya maglabas ng stress.
"Kakain ng kwekkwek. Nagugutom ako. Libre ko kayo."
I know kwekkwek. Pero ang kinakain ko ay 'yong niluluto ng kasambahay namin not yung binibili sa labas.
---
May mga klase sina Ella at Everest kaya no choice siya. Ako muna ang kasama niya. Hindi umiimik si Dana. She must be really frustrated. Hindi na siya nagbukas ng MZUmazing. Kahit sino naman siguro na ibabash maiinis. They've been calling her malandi and user. Hay!
"Kumakain ka ng kwekkwek?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Oo. Pero hindi ko favorite."
"hmm okay. Good. Yun kasi ang cravings ko."
Mayroong lugar dito sa campus na may mga nakahilerang streetfoods. Akala ko doon kami pupunta! Sa labas pala ng campus kami kakain. Kinakabahan ako para sa tiyan ko.
"Na-try mo na kumain sa commoners?"
"Anong commoners?"
"Yung streetfoods na maraming nakikisawsaw sa sawsawan. Yung piso-piso lang. Gusto ko subukan mo. Sige na. Nai-stress ako sa assignment ko. Gusto ko ng streetfoods, Mimah."
She's a totally different person now! She's tough-tough kasi tapos biglang clingy at nag-request pa. Academic stress can really change a person huh? Wala pa siyang isang buwan niya sa MZU.
Magta-tricycle pa kami para sa cravings niya. Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko nang pasakay na ako sa sidecar. Mauuntog pa ba ako sa liit ko? Anyways, nice of her naman.
"Kuya, sa Zurieta."
I know that place pero hindi pa ako nakakapunta dun. It's a food park. Balak ko noon pumunta don for my vlog pero hindi na natuloy dahil muntik nga akong makidnap. And my social media escapades ended! Alangan magvlog ako na maraming bodyguard 'di ba? Hay. I miss vlogging.
So this Zurieta in flesh! Container vans with graffiti paints. Ang-lively ng kulay. Sapawan din ng sounds. Marami ring mga customers. Some are from MZU. Hindi ko gusto 'yong tingin nila sa amin. Bawal bang pumunta dito? Like kainan din naman 'to. Is it restricted?
"Masyado silang nagagandahan sa'yo. Tara na nga. Gutom na ako talaga." Sinundan ko lang siya. Sa pangatlong container van kami. Mukbang plate ang inorder niya. Pang-apat na katao na tong streetfoods! Parang takam na siya pagka-serve sa table namin.
"Angdami naman nito. Ganun ka kagutom?"
"Hindi. Ganito ako ka-stress. Kain na Mimah. Safe dito. Don't worry. Naalala ko gusto mo mag-vlog dito e. Kaso hindi na tuloy. Inabangan ko 'yon."
"Oh?"
She nods. Haha! Mainit 'yung sinubo niyang fishball. Yan napaso! Nguya-ihip siya tuloy. Saka uminom ng lemonade. "May itatanong nga pala ako. Ilang araw na to sa isip ko e."
"What is it?"
Nilapag niya ang isang picture. It's me! Angcute ko dito. This guy is. Napatingin ako sa kanya. It's her! Pero naka-tux?!
"Hindi ko kasi maalala na nagkakilala na tayo. So naisip ko ipakita sayo 'yan. Baka kako naalala mo ako at nagtatampo ka kasi hindi kita maalala kaya minsan masungit ka sa akin. Madalas pala. Ewan. Naisip ko lang. Nakakabother baka may sama ka ng loob sa akin." Sunod-sunod nitong sabi. And she's damn talking like a child. Nabubulol-bulol pa. Must be her braces or what?"
"Where did you get this picture? I do remember some things but I didn't know it was you."
Napabuntong-hininga siya. It's like a "hay salamat" kind of sigh.
"So, tell me. What's the story behind this picture?"
Hindi ko alam ang ire-react ko. Am I that spoiled brat? Iniyakan kong hindi siya ang maghihintay sa aisle? She must be joking.
"Alam ko hindi ka naniniwala. Ako rin naman. Kinwento lang ni Gia. Ano bang malay natin baka joketime lang ng mama niya 'yon."
Gia's mom works in Brightside Academy. Sa naalala ko, nagtuturo si Miss Celeste ng Taekwondo. Estudyante nga niya ang kambal nina Ate Jm e. Komplikado ang Brightside. May academy kung saan naka-enroll ang mga youngsters ng founders nito for weekend activities at mayroong Brightside Security. Dun naman nagtitrain ang mga magiging bodyguards or kung tawagin nga ni Dana ay mga pulis pangkalawakan. Institurion na ng Brightside, mga lolo pa namin ang nag-put up ng organization na 'yon para sa kaligtasan ng mga descendants kuno nila. Well, it really helped kasi kung wala sila siguro matagal na rin akong wala sa mundo.
"Let me get this clear, dito ka naba-bother at hindi sa acads mo?"
Tumango siya. "Ayoko nang may nagtatampo sa akin. Lalo honest mistake lang. Hindi ko talaga maalala. Humahanap ako ng tiyempo para kausapin ka pero busy ka rin naman."
"Cute."
"Ha? Anong cute?"
"Ikaw. Kaya pala sa training aligaga ka. Wala ka sa focus. You could have ask me na agad. Pinaabot mo pa ng isang linggo."
"Hindi nga ako makatiyempo. So pareho tayong hindi klaro ang alaala sa picture na 'to ha? Quits tayo?"
Natatawa akong tumango. She's so transparent. Baka kung i-prank ko siyang nagtatampo ako sobrang dibdibin niya. "Baliw ka rin pala. So we met at this age. Nice. Can I keep this?"
"Ha? Iisang kopya na 'yan. Ibabalik ko pa kay Gia 'yan e."
"I'll make a copy. Cute ko kasi dito." Wala naman siyang magagawa. Iniyakan ko talaga na hindi siya ang makapartner ko? I'm such a bratty kid na talaga. Bumuntong-hininga na naman siya. "What? May itatanong ka pa?"
"Nakakairita yung mga nagpipicture. Mamaya nasa site na naman ako kasi kasama kita? Tapos hindi matatapos ang pangbabash sa akin. Nakakasora na."
"And does it bother you again?"
She shrugged her shoulders. "Nasanay na rin ako. Ano na lang gustong-gustong-gusto kong pumatol kaso sayang naman ang oras ko 'di ba?" paano niya ba napagsasabay ang pagdadaldal at pagnguya? Angkalat kumain. Tinaas ko ang kaliwang kamay ko sa tapat niya. Enough to make her stop talking. She confusedly looked at me.
"Makalat kang kumain. Hinay-hinay lang." pinunasan ko ang sauce sa may pisngi niya malapit sa labi gamit ang tissue. "Baby talk na nga parang bata pang kumain. God, Dana! Stop being adorable. Baka malampasan mo kami sa rank."
"Kala mo siya hindi baby talk."
"Say that again?" Nagpanting ang tainga ko dun ha.
"Wala po. Naalala ko lang 'yong kasama ko sa bahay na nag-inom nang marami at naging clingy. Sabi na totoo yung kasabihan e. Kapag lasing malambing."
Papatulan ko ba siya? I totally remember that nakakahiyang moment na naging clingy ako sa kanya. Kasalanan ng beer 'yon! Parang nag-iinit ang pisngi ko sa nagawa ko. Napainom ako ng tubig na kinatawa naman naman.
"Don't worry. Secret din natin 'yon."
---
Hindi ako pumasok sa klase. Dito muna ako sa Royalty room. Kasama ko si Gabb na tulad ko ay tinatamad rin. Inborn na sa kanya 'yan. Nakahiga nga siya sa sofa habang may takip na notebook sa mukha.
"Mimah, nag-date kayo ni Dana?"
"Anong date?"
"Check mo sa site."
So I did. This is getting offhand. We're not dating! Things like makapal mukha ng transferee, panget na malandi, social climber and other hate comments filled the comments section of her picture.
"Konting-konti na lang ipapa-hack ko na tong site na 'to."
"Huwag. Diyan na nga lang kita natatalo e." saka ito tumawa at naupo. Ginulo-gulo niya ang buhok niya. She has that habit. Susuklayin ang buhok pero papasok na magulo. Mas pogi daw siya pag walang suklay look e. "Hay. So hindi nga kayo nag-date?"
I shook my head no. Kinwento ko sa kanya kung bakit nag-aya sa Zurieta si Dana. Nabanggit ko rin na sa Brightside Academy nagwowork ang mama ni Gia at malamang she knows us since nakaenroll kami doon noon. Baka nga isa siya sa mga nagtutor din sa amin e.
"So ibig sabihin, noon pa man nakakasalamuha na natin sila? Cute. Parang childhood friends pero hindi buong childhood. Haha! De oks lang talaga na kasama natin sila sa bahay. Pansin ko rin, bagay kayo ni Dana. Yiiieeee..."
I glared at her. She's doing her antics again. Match making me with women.
"Alam mo, support naman kita sa preference mo Gabb. Huwag mo na lang ipilit na pareho tayo ha?"
Tatawa-tawa lang siyang humiga ulit. Braso naman niya ang pinatong niya sa mga mata niya. "HB HB mo naman agad. Marami kaya ang nagkaka-crush sa'yo na girls."
"Bigay ko na sa'yo. Lahatin mo na. Sa'yong-sa'yo na silang lahat." Binato ko siya ng throw pillow. "Napakalandi."
"And problema ang gusto nila ang Young Lady Jemimah Reyes. Ayaw nila ng Villanueva. Tsk tsk. Mga kawawang kababaihan. Straight ang crush nila. Bakit hindi na lang ako 'di ba? Marami pang space ang logbook ko."
Ganyan siya kabilib sa sarili niya. Nang nagkaroon ng limang girls sa isang buwan naisipan niyang bumili ng logbook. And yes, she's that stupid lesbian who believes chic magnet siya.
Nag-alert ang MZUmazing app. Pagtingin ko may live stream. f**k. Si Dana! Angdungis-dungis niya! Binuhusan siya ng hindi ko mawari kung nong likido yon. Niyugyog ko si Gabb.
"Hoy, bangon ka. Si Dana, pinagtitripan sa Site."
Nabalikwat siya. Lakad-takbo kami papunta sa Pub House. It's a bakanteng bahay na may malawak na bakuran. It's just a five minute ride from the campus. Madalas tambayan iyon ng mga loko-lokong MZU students. Who knows kung anong gagawin ng mga 'yon sa kanay. This isn't the first time na mayroon silang pinahiya sa site. The worst case is nag-drop out yung estudyante dahil pinaghuhubaran nila ng damit hanggang brief na lang ang suot niya. f**k these people.
Paano ba siya napunta d'on. Tsk. Dana naman! Panay ang check ko sa live stream. s**t s**t! Angbagal ng elevator! Nahawi ang mga naghihintay na estudyante nang kumaripas kami ng takbo ni Gabb.
My phone keeps on ringing. It's Abby.
"You saw the stream?" she asked and panting. Baka papunta na rin siya sa Pub House. "Mauuna akong darating dun. Papunta na rin si Coleen."
Hingal na hingal kami pagdating sa tapat ng Pub House. s**t. Nakasiwang ang gate kaya tinulak na namin to. We were surprised to see five students lying on the ground. Parang dumaan sa matinding bugbog ng mga ito. Could it be Abby?!
Maririnig na mula dito ang mga kalabugan sa bahay. Parang ubos na ang lakas ko sa kakatakbo! Palapit na kami sa pinto nang may kulabog na naman. Napaatras kami dahil tumalipon sa direksyon namin ang isang estudyante. Namimilipit itong hawak-hawak ang dibdib niya.
Whattaheck? Dana came out. Sobrang dungis niya. She smells awful! She stinks like garbage truck! Kasunod niya si Abby na kumukuha ng video. Must be the phone na gamit ng mga gagong 'to sa pagpapahiya kay Dana. Tinadyakan niya 'yong lalaki. Umibabaw siya sa lalaki saka pinagsusuntok sa mukha.
Patuloy sa pagvivideo si Ate Abby. Hinablot ko ang phone. Tinakpan ko ang camera nito. May isa na namang lalaki ang tumakbo palabas. He was taken aback upon seeing us. Duguan ang mukha niya. Masama ang tingin ni Dana dito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. She freakin' frightens me! She's not the Dana we used to know. Susugurin sana niya ulit ito pero hinatak ni Gia ang lalaki para maiiwas kay Dana.
Niyakap ni Gia si Dana. "Awat na 'tol. Tapos na." Dana grips on Gia's shirt. Nanggigil pa siya. Rinig rin ang paghikbi niya.
Dumating sina Coleen, Empire at Everest. They were also shocked.
"Nagmamadali pa kaming pumunta dito kayang-kaya niyo naman pala Mimah." Said Empire. "You okay?"
Tumango ako. Actually, I'm not! I'm totally shocked with Dana!
"Halla! TKO silang lahat? Hindi kayo nagtira." Sumimangot si Coleen. Napaupo siya para i-check ang mukha ng lalaking pinagsusuntok ni Dana. Napailing siya. "Tindi mo ate Abby."
Napansin nilang yakap ni Gia si Dana. "Dalhin natin siya sa hospital," said Empire.
Aktong kakargahin niya si Dana pero hinawi ni Gia nang malakas ang kamay niya. "Ako na lang." Naupo siya para maangkla nang maayos si Dana sa likod niya. "Paki-erase ang video sa livestream."
---
Gia's taking care of Dana sa kanilang kwarto. We were all damn curious sa nangyari kanina. Ang kwento ni Ate Abby halos sabay silang dumating ni Gia sa Pub House.
"Gia's so furious guys. Grabe! As in grabe yung hindi makasuntok yung mga boys. Guys, nagmakaawa pa akong ipaubaya sa akin yung isa!" saka ito tuwa. "Kaso naisahan din ako sa mukha. Sakit bueset." Titingin-tingin siya ng repleksyon niya sa phone ngayon. "Yung ganda ko nabawasan. Tsk. Malaman ko talaga kung sino nag-utos sa mga 'yon. Gaganti ako ng triple."
Bilis nga nagkapasa ni Ate Abby. Mayabang kasi kaya hayan. May namamaga rin ang braso. Siguro iniharang sa mukha niya to e. haha!
Inggit na inggit si Coleen. Ako rin naman kasi hindi ako nakaisa sa mga gagong 'yon. At siguradong walang magsasalita kung sino ang nag-utos sa kanila. God damn it! This is frustrating!
Lumabas ng kwarto si Gia. May kausap siya sa phone. "Opo. Ma, okay si Dana. Angbaho nga lang niya kanina! Haha. Okay po. Bye!"
Kakamot-kamot sa ulo si Gia nang lumapit sa amin. "Pasensya na kanina. Hindi lang talaga makontrol ni Dana ang sarili niya kapag naagrabiyado siya."
"So sa mga gagong 'yon kami dapat mag-alala?" Hindi makapaniwalang sabi ni Gabb. "Kumusta siya?"
"Okay na 'yon. Konting galos lang. Hindi ko lang alam kung makaka-grip ng raket. Namamaga kamao sa kakasuntok e."
Maalala ko, paano siya agad nakarating sa Pub House since bago lang din siya dito. "Paano mo nalaman 'yong pub house? You're new here. How come alam mong puntahan 'yon?"
"Sa Site. Binabash si Dana. Kaya tumambay ako dun. Nalaman ko ang iba-ibang lugar kung saan ginagawa ang mga ganung bagay-bagay. Na-delete na ba 'yung video? Nakakatakot kasi kapag malaman ni Tita Zai. Siguradong pareho kaming uuwi ng probinsya."
"Why? Hindi ba dapat malaman ni Ate? Para tigilan na nila si Dana?"
"Naku! Hindi niyo kilala si Tita Zairah. Parang anak na niya si Dana. Siguradong mawawalan ng kinakabukasan yung mga gagong 'yon. Plus siyempre ba-bye Manila na kami. Imagine isang linggo lang ako dito uuwi agad? Saklap!" natampal niya ang noo niya. "So Please lang. Sana hindi malaman ni Tita Zai at all cost."
"Kung ako man, I'll do the same." I coldly answered. "Puntahan ko lang si Dana."
Akala ko tulog siya. Nakaupo siya while her chin is resting on her knees. Naupo ako sa tabi niya. I imitated her.
"Want some street foods?"
Umiling siya. "Huwag mo akong isusumbong kay Tita. Ayokong umuwi ng probinsya. Gusto kong makapaglaro pa dito."
"Baliw ka. Yung pagalalaro pa talaga ang inisip mo."
Binuka niya ang mga palad niya. "Kanina hindi naman ako lalaban kung puro basura lang ang ibabato sa akin e. Pero nung papatakan na ng kandila ang kamay ko natakot na ako. Nang makapasok sina Gia at Ate Abby hindi ko na rin nakontrol ang sarili ko. May kakampi na ako e."
"You know how to fight, don't you? Nagpigil ka lang?"
"Oo. Sabi kasi ni Mama hangga't kaya mong pigilan ang init ng ulo mo, pigilan mo." Tiningnan niya ang likod ng palad niya. Magang-maga ito. "Galit na galit nga siguro ako kanina. Angsaya pa natin nung umaga. Angbilis naman ng kapalid."
"Hayaan mo na. Nakasuntok ka naman nang marami e." pagpapalubag ko ng loob niya. "Magpahinga ka na kaya." Umusod ako para makahiga na siya.
Humiga naman siya. Yakap-yakap niya ang unan niya. Napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay. Hinawakan ko ang mga ito.
"I'll hold your hands 'till you fall asleep."
Hinahaplos ko ang likod ng palad niya. Hindi mo na 'to dapat gamitin sa dahas.
---