OBP 8 - First LQ

2594 คำ
DANA's POV Hindi ako makakapasok sa Café nito. Hay. Napanaginipan ko pa ang nangyari kahapon. Angtanga ko kasi. Bakit ako nagtiwala na one-on-one fight ang naghihintay sa akin. Napakatanga! Gising na rin si Gia. "Kumusta ka? Nakaganti ka ba nang maayos?" Biro pa niya. "Walanghiya ka, pinag-alala mo ako." "Nakirot." Pinakita ko ang mga kamao ko. "Tanga ba ako sa part na dapat pinatulan ko sila agad?" "Hindi. Pero ewan ko sa'yo. Bakit ka sumama dun. Alam mo naman sigurong maraming inggit sa'yo dito. Angdali mo namang mauto. Paano na lang kung hindi ako tumatambay sa site? Paano kung late akong dumating. Tangina ka 'tol takaw gulo ka naman e. Sabik sa suntukan? 'Tol, magmumukha tayong notorious niyan. Paano na ako magkakajowa?" Para sa bagong gising napakarami na niyang sinabi. Magdamag yata niyang pinag-isipan ang isesermon e. Okay lang na buhus-buhusan ako ng basura pero narinig kong isusunod nila sina Mimah at Gabb. Hindi naman pwede 'yon. Pwede akong pagtripan pero huwag ang mga kaibigan ko. Bahala na kung ano ang mangyayari. "Dahil nakakapagod magtimpi. Wala akong balak magpaapi sa kanila nang matagal 'no. Ngayon pang nandito ka na rin. May pakner na ako." Isinangga ko ang kamay ko nang binato niya ako ng unan. s**t! s**t! "Aaahhh! Bueset ka Gia!" Angsakit kaya! Angtanga ko din bakit ko isinangga. Hinipan-hipan ko pa tuloy. Kumikirot talaga. Ano bang klase ng mukha meron ang mga 'yon. Tinawanan lang ako ng gaga. "Pst, Gia. Nakakatikim ako ng goto." "Tangina naman 'tol. Nakipagsuntukan ka. Ginusto mo 'yan. Tapos uungot-ungot ka ng goto ngayon? Ano ka may lagnat?" "Sige na, Gia. Miss ko na luto mo." Haha! Alam na alam ko paano lambingin ang bruskong ito e. "Sige la ah! Hindi ka naman maaga papasok. Konti lang. Please?" "Bili ka sa kanto. Utosera." Lumabas na siya. Humiga naman ako ulit. Tinaas ko ang mga kamay ko. Hay! Angtagal mo na ring hindi nakasuntok ano? Ang precious hands ko. Namamaga pero may satisfaction akong nararamdaman. Iniisip kong sabihin kay Mama, hindi naman 'yon magagalit kasi pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Baka ma-proud pa 'yon. Siya kaya ang number 1 fan ko. Very supportive nga siya kapag napapatawag sa guidance. Haha! Joke lang. Hindi kasi ako katangkarang tao, marami ang nambubully sa akin noon kaya sabi niya dapat matuto ako ng self-defense kaya hayun. Medyo may alam ako. Naalala ko si Tita Zai. Halla! Sana hindi niya malaman. Kung supporter si mama, number 1 kontrabida si Tita. Huwag daw akong gumaya sa papa ko na mahilig sa basag-ulo. Grabe siya sa term no? Basta dapat hindi niya malamang. Pero malabo 'yon. Pray na lang na kung malaman niya hindi siya OA magrereact. Gulat ako nang bilang pumasok si Gia saka sinara ang pinto. Napahawak siya sa tapat ng puso niya habang nakasandal sa pinto. "Bakit?" "'Tol, nandito sina Ella at Sela. Hawakan mo nga puso ko 'tol. Parang lalabas e. Angcute ni Ella." OA ang reaction niya talaga. Nung nakita niya si Ella last week bukambibig na niya. Hindi halatang crush niya 'no? ewan lang kung may makitang pogi itong si Gia baka mawala din pagka-crush niya kay Ella. Haha. Madali magbago isip nito e. May dalang almusal sina Ella. Turn ni Ate Abby nga pala ngayon sa paglulto. Malamang si Sela ang nag-prepare nito o pina-prepare niya? Hehe. Wow! Fried rice na magulay! Solb na ako diyan. May tocino, bacon at lumpiyang shanghai pa. Parang ako 'yung maraming makakain. Nasa hapag na kami. Namamaga din pala kamao ni Ate Abby. Si Gia lang talaga bakal ang kamao haha! "Sinong nagluto?" tanong ni Gia. "Nakakatakam oh." "Kami," sagot ni Ella. Nakangiti pa siya at proud na proud sa foods. Sigurado gaganahan kumain si Gia nito! Haha. "Kena Sela ako natulog para maaga kami makapagluto. Nice 'no? Ate Abby wala 'yong favorite mo. Hindi mo rin naman kakainin ang luto ni Sela e. Kaya mga favorites na lang nina Mimah niluto namin." Hindi umimik si Ate Abby. Maalala ko itinulak siya nung isa kahapon. Hindi ko lang maalala kong natumba siya o kung tumama kung saan kasi nagdilim na ang paningin ko. Gusto ko na lang pagsusuntukin yung gagong nagbuhos sa akin ng basurang pagkabaho-baho. "Ate Abby..." Napatingin siya sa akin. "Wala bang masakit sa'yo?" "Wala naman." Walang emosyon! Wala kahit ano! Parang ewan talaga si Ate Abby. Mahirap basahin ang ugali e. Buti naman pero nakakatakot ang aura ni Ate Abby talaga. Haha! Si Coleen ang nagbibida. Pero masama pa rin ang loob niya dahil hindi daw siya nakaisa sa mga namahiya sa 'kin. "Hindi ba tayo gaganti? Angbait-bait naman natin guys kung ganun." Dagdag pa niya. "Angdaya naman kasi angdami nang pinagtripan sa Pub House wala man lang tayong ginawa para ipagtanggol sila. Ano kaya 'yon." "And? Mauulit lang ang cycle?" sabi ni Ate Abby. "Gaganti tayo. Gaganti sila. Paulit-ulit na lang." "Pero 'di ba kaysa wala tayong ginagawa? Ano lang ba sila? Nakakainis na kasi napakayayabang. Kayang-kaya nating bilhin ang buhay nila." Maktol na naman nila. "Ang importante hindi nila sasaktan ang mga kaibigan natin." Sagot na naman ni At Abby. "Huwag na natin silang pakialaman." "Loser ka Ate. Makasarili ka." "Tama na. Kumakain tayo. Mamaya na yan." Sabad ni Mimah. "Ate Abby, ipatingin mo 'yung likod mo. Iba ang lakad mo kahapon pa. You can't just ignore that." --- Nilalagyan ni Gia ng bandage ang kamay ko. "Shunga-shunga ka pa naman. Kailangan mo 'to." "Bueset ka. Masyado kang concern 'no?" "Ano nga palang gusto mong gawin natin dun sa mga gago?" Napatingin ako sa kanya. Mukhang gusto niya 'yung idea ni Coleen. Ayaw din ni Gia nang may naapi. Astig tong si Gia e. Kinalaban niya 'yong lider ng mga lokong estudyante sa dati naming school. Nasuspend siya! Haha. Happy siya dun. "Wala. Pero ayokong may makaranas pang iba ng ginawa sa akin." "Hindi mo mapipigilan yan. Kahit saan may mga ganung tao. Kung walang masasama para saan pa tayong mga mabubuting tao? Char lang." tapos na niyang bendahan ang mga kamay ko. "Oh tapos na Pacman. Pumasok ka na. Naghihintay na si Little Bride." --- Nilalakad lang namin ang papuntang MZU. Napakainit. Siya ang may hawak ng payong. Hindi ko kaya e. Pabebe kasi kamao ko. Haha! Masaya pala 'tong ikaw ang pinapayungan. "Hindi ka tumambay sa café ah. Bago 'yan." "I'm just taking some advice? Saka baka isipin mo may hinihintay talaga ako doon. It's just my safe haven that's why tumatambay ako." "Uy nag-explain.haha!" "Paano ka magsusulat niyan?" "De hindi ako magsusulat. Excuse ako." Inangat ko ang kamao ko. "Pacman ako ngayon." Tawa ko pa. "Aba naman siyempre may mga nakapanood ng livestream. Siguro naman hindi na nila ako sasalangin." "Proud ka pa. Mag-iingat ka nga next time. Huwag kang aanga-anga." "Harsh. Pero nag-alala. Tats ako my friend. Tats na tats." Exksaherada ko lang tinapat ang kanang kamay ko sa puso ko. "Thank you Young Lady." Tumigil siya sa paglalakad. De napatigil din ako. Masamasa na naman ang tingin niya sa akin. Napakabilis magswing ng mood! "Don't dare call me Young Lady. Ang kaibigan hindi gumagamit ng honorifics. You get me?" "Uhm Sorry. Okay okay. Jem? Jemimah? Mimah? Bilisan na nating maglakad. Late na tayo." Hindi naman ako baldado. Bakit ihahatid pa ako sa classroom ko? Ano ako kinder?! Heto na naman 'yung pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Hindi ko alam kung dahil napanood nila ang stream o dahil si Mimah ang kasama ko? Siguro both? Nasa tapat na kami ng classroom. "Oh baka papasok ka pa. Nakakahiya na." Sumilip siya sa loob. Anong trip nito. May nag-okay sign sa kanya. Yung kaklse ko na sa huli nakaupo. "Sige, pasok ka na. 'Yang kamay mo ingatan mo. Kita na lang tayo sa training mamaya." --- Pinahiram ako ng notes nung kaklase kong nag-okay sign kay Mimah. Ngayon naman kasabay ko siya sa library. Rocky ang pangalan niya. Baka pulis pangkalawakan din 'to? "hmm Rocky, may tanong ako. Pero kung ano man ang sagot mo secret lang natin. Promise." Tinaas ko ang dalawang kamay ko. "Double pramis." Natawa siya. "Para ka namang kikidnapin. So what is it? Anything under the sun." Ito na moment of truth. "Rocky, magsabi ka ng totoo ha? God is watching us." Bakit ba siya natatawa? Gusto ko lang magswear siya na totoo yung sasabihin niya. "Secret agent ka ba? Alam mo na yung mga secret agents na naglilibot dito. Para protektahan sina Mimah? Ghost students. Etc?" Napahagikhik siya. Napatingin tuloy ang ibang estudyante. Sinitsitan pa kami ng masungit na librarian. "Grabe ka pala mag-isip. Hindi," sagot niya. "It just happened na kilala ko sina Yound Lady. Sabihin na natin once naging tulad mo ako. Victim pero they saved me. Utang na loob ko sa kanila bakit nandito pa ako." "Oh? Totoo? Sa pub house din?" Umiling siya. "Sa ibang lugar. Maraming shaming places around this campus. Pinagkakakitaan sa site 'yon. May mga nagbabayad na upper para mamahiya ng estudyante. Ang balita ko 100Kiyaw ang presyon mo." "s**t? Talaga? Mura naman." 100000 lang para ipahiya ako? Hindi man lang tinaasan! Pinaabot man lang sana ng 200000! "Pero infairness. Astig mo. Siguro hindi ka nila. Galing mo don Kapatid. Proud classmate here." Nahihiyang akong nagpasalamat sa papuri. Pero iniisip ko pa rin yung pag-presyo sa akin. Hindi ako natutuwa talaga! Nagmistulang bodyguard ko si Rocky. Sabay kaming kumain din. Parang angdami niyang utang na loob kena Jemimah. Puro nga siya puri sa kanila. "Close ka rin sa kanila?" "Nope. Sabihin na nating kahit kilala ko kung gaano sila kabait hindi ako nakikipagkaibigan. Pero mataas respeto ko sa kanila." "Bakit hindi? Kung mabait sila bakit mo sila friends?" "Ganito kasi. Mayroon security agency na naghahandle sa mga pamilya nila. Gusto kong magpa-enlist kapag naka-graduate ako. Para maging tunay na agent na. At kapag nangyari 'yon hindi ako pwedeng ma-attach emotionally kahit kanino sa kanila. Work is work." "Ganun? Pwede ka namang maging friends sa kanila habang nagwo-work." Umiling siya. "Noon. Pero nung nagkaroon ng mga agents na may emotional attachments sa mga clients. Naapektuhan na ang work. Pinagbawalan na. To avoid conflict." "Mukhang nag-research ka nang maayos ha. Desidido talaga." "Oo naman." Proud nitong sagot. "Dapat magresearch ka muna bago ka magdecide para hindi ka magsisi." "So ano 'to? Practice? Ako muna 'yong client mo?" "Ahuh! Kaya I'll keep an eye on you Miss Ermino." Muestra pa niya. "Hindi ka mapapahamak hanggat kasama mo 'ko." --- Afternoon training. Sa bench lang ako. Si Gia ang kasama nina Lyka at Aiko. At kasama ko pa rin si Rocky! Haha! "Hindi pa ba tapos ang duty mo? Wala naman sigurong mangyayaring masama dito." Biro ko sa kanya. "Uwi na, walang bayad ang OT." "Shhh. Kinikilatis ko sa mga nandito kung sino ang nagplano ng pagpapahiya sa'yo." Babatukan ko saka buti napigilan ko sa ere ang kamay ko. Sinipa ko nalan sa binti! Haha! "Baliw! Tamang hinala! Hayaan mo na. Okay naman ako. Sila pa ang napagastos sa pagpapagamot e." Nabobored ako. Hanggang pag-oobserve lang ang pwede kong gawin. Hay naman! Gusto ko magswing ng raketa. Nagpatulong ako kay Rocky na tanggalin ang benda sa kanang kamay ko. Shake-shake ko lang ang kamay ko. Saka konting stretching. Lumapit ako kay Mimah. Katatapos lang ng match nila ni Captain. "Pahiram ako ng training racket mo." Nagpabalik-balik sa kamay ko at sa mukha ko ang tingin niya. Yan na naman yung Are you serious look niya. "Swing swing lang. Hindi naman ako magkikipaglaro. Help ako ni Rocky." Chineck niya ang kamay ko. "Namamaga pa." "Mas matindi pa dito ang pamamaga nung nasa probinsya pa ako naglaro pa nga ako doon. Training lang dito. Pahiram na kasi. Swing-swing naman naman." Matindi pa sa nanay naman 'tong si Mimah. "Please? Babantayan naman ako ni Rocky, Nay." Inambaan ako ng suntok e! haha. Pero pinahiram pa rin naman niya ako. Game na game na rin si Rocky mag-itsa ng shuttlecok. Natatanaw ko pa siyang nagpapraktis mag-itsa e. haha. Napakakulet na bodyguard niya kung nagkataon. Angganda nitong training racket. Swing natin very light. Mamahalin! Kulay itim pa. Very nice! "Magwi-weights ka ba?"tanong pa niya. "Sana kaso naiwan ko weights ko e." "Saglit. Maupo ka muna." Kumuha siya ng weights kay Coach. Isinuot niya ang mga weight sa magkabilang binti ko. "Yan'. You're good to go. Alalay lang." "Thank you, Nay." Hahah! Tumakbo ako agad baka batuhin niya ako nag kung anong madampot niya e! --- What a nakakapagod na araw! Uwi kami agad dahil masarap ang amin dinner! Kung ano ang almusal 'yon din ang dinner. Haha! Ipapainit na lamang! Excuse ako sa mga gawaing bahay. Nandito lang ako sa sofa. Pinapanood ko si Gia na nagtuturo sa aming housemates ng mga wastong paggawa. Nagwawalis si Coleen, naghuhugas ng pinggan si Gabb, katatapos lang maglinis ng cr ni Ate Abby. Si Jemimah? Tulog dito sa tabi ko. Yakap-yakap niya ang throw pillow. Nakalamang na naman siya. Haha! At yung talent niyang matulog nang nakaupo ang nakakabilib. May nagbusina. Naalimpungatan si Mimah. Agad sinilip ni Gia kung sino ang nasa labas. "Si Sela. Pero may kasama siya e." Massage therapists pala 'yung apat na kasama ni Sela. Kaya tuwang-tuwa si Coleen may libreng masahe e. Nasa kanya-kanyang kwarto na sila. "Grabeng pangliligaw to Sela ha," pang-aasar ni Mimah. "Damay lahat sa grasya?" "Kulang nga e. Sunod na lang kayo dun sa dalawa." "Naku huwag na." tanggi ko sa kanya. "Apak-apakan na lang ni Jemimah ang likod ko. Napakagaan naman niya e." Wrong move! Napalo ako sa hita! Haha. E parang nalungkot pa si Sela. "Sana close pa rin kami ni Abby parang kayo." Ay nainggit pala. Hindi ko na nga ijo-joke si Jemimah. Aba! De mas bilib din ako dito kay Sela. Pumapag-ibig! Kahit bigo fight pa rin! Haha! "Pagselosin mo," payo ko sa kanya. "Kunwari may jowa ka na. Tamo magseselos 'yon." "Huwag mo ngang paasahin si Sela." Kontra naman sa akin ni Mimah. "Mamaya walang pakialam talaga si ate Abby. Oh de nasaktan na naman siya." "Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" sinenyasan ko si Sela na lumapit konti para magbubulungan lang kami. Baka may bionic ears si Ate Abby e. haha! "Dapat convincing 'yong kukuntsabahin mo. Ano ba dapat? Babae o lalaki? Tas ipakilala mo sa amin. Sweet-sweetan kayo sa harapan namin. Tingnan natin reacton ni Ate Abby." "Better ipa-cancel mo ang marriage niyo at magpray ka na mahalin ka na lang ni Abby." Seryosong sabi ni Jemimah. "Panira ng moment talaga 'to! Angganda-ganda ng idea ko e!" "It's risky. Paano nga kung walang reaksyon? Paano kung mas masaktan pa si Sela? Mapapagaan mo ba ang loob niya?" hayan na naman po siya. Nag-ooverthink na naman! "Nandiyan kayong mga friends ni Sela para pagaanin ang loob niya kung sakali. Ang sa akin lang, Love niya si ate Abby. De sumugal siy. Heller, hindi laging kalkulado ang nangyayari sa buhay no." Humalukipkip siya parang babanat pa e. Baka inglesin ako nito. Delikado ang word bank ko. Hehe. "Isa pa, mas nakakapagsisi kapag pinalampas mo ang pagkakataon 'di ba? Atleast kapag sinubukan niya masasabi niyang binigay niya lahat para suyuin si Ate Abby." "Hindi pa rin maganda ang ideya mo." Angsungit na naman niya! Nakataas na naman ang isang kilay. "Hindi maganda ang ideya ko para sayo pero hindi mo masasabing hindi maganda para sa sitwasyon nina Sela." Siyempre pangangatawanan ko ang ideya ko! Effective 'yon. 80% effective sa mga napapanood ko sa tv at sa mga friends namin ni Gia. "Risky! Emotionally risky, okay?!" "Tama na kayong dalawa. Baka kayo pa ang mag-LQ." Natatawang sabi ni Sela. "Hindi ko siya jowa." "We're not lovers." Sabay naming sagot ni Mimah.# ---
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม