Chapter 20: Not so goodbye ‘SAKTO na two weeks na kaming nanatili sa province at nagpaalam na rin kami kina Eljeh, after that. Baka kasi maraming trabaho na ang naghihintay kay King doon. Saka nag-enjoy rin naman ako sa pag-stay rito. Gusto ko pa ngang magtagal pa rito but we need to go home. Pareho kaming may trabaho ni King. Siya, CEO pa at kailangan na kailangan siya ng kompanya nila. Ako naman ay siguradong si Mommy ang pansamantalang humawak no’n. “Balik kayo ulit, ah?” ani Tita Certiza at parang ang lungkot-lungkot pa niya. Nakaakbay sa kanya ang Daddy ni Eljeh. Gusto ko ring bumalik dito. “Let’s see, Mrs. Ciesta,” King uttered. “Parang ang ikli talaga ng two weeks na pag-stay niyo rito sa amin. Dapat isang buwan na lang,” she said at niyakap siya ng asawa niya dahil halatang m

