Chapter 21: Closure “TRUST your daughter, I know she's fine now, hon,” Dad said. Hinintay ko lang na makalapit sila sa living room. “I trust her naman, hon. But I'm still worried about her. Ayokong masaktan na naman siya sa malalaman na nagbalak ng magpakasal sina Dianna at Jade. Pero hihintayin din naman nila si Gennica, bago sila magpapakasal. Iyon ang sabi nila para respeto na raw iyon sa ating anak,” ani Mommy. Napataas ang kilay ko dahil sa narinig. Kung ganoon ako ang hinihintay nila kaya hindi pa ikinakasal ang dalawa? Eh, bakit pa? “Gusto rin iyon ni Jade at Diane, para maging maayos naman na silang tatlo,” saad ni Daddy. “Nag-aalala rin naman ako sa traction ni Gennica. Ayoko rin siyang masaktan,” Daddy added his words. “Pauwiin mo na lang ang anak natin, hon. Umuwi na lang s

