CHAPTER 5

1771 คำ
Chapter 5: The kiss in wind "DO you want to come with me, Nica? Maraming puwedeng pasyalan doon. If you want, and I don't mind kung may isasama ako." Napatitig na naman ako sa kanya. Namumula rin ang tainga niya at parang nahihiya siyang tingnan ako. Eh? Hoy, ano ito? Gusto niya akong isama? For what? Bakit naisipan niya ang isama ako sa kanya? Seriously? Nahalata niya siguro na kaguluhan sa mukha ko. Dahil nakakapagtaka naman talaga ang biglaan niyang imbitasyon na sumama ako sa kanya. Kasi, 'di ba, kahapon lang kami nagkakilala. "Don't get me wrong. Wala akong binabalak na masama sa 'yo, Nica. Maybe it will also help you... You know, to unwind. Right now I know that your heart and mind are still troubled. Sometimes you have to run away from everything, run away from reality. But you'll only come back if you know you're okay and you're ready to let go of the things you've loved all your life." I hope I don't get hurt for the second time because I have a feeling that... "Okay," sabi ko at nabigla pa siya sa sinagot ko. Hindi niya rin inaasahan na sasama ako sa kanya. PAGKATAPOS naming kumain ng breakfast ni King ay nagpaalam na ako na babalik na sa suite ko to prepare myself. Sa lobby ng hotel na lamang niya ako hihintayin, ayon din sa gusto ko. Alangan naman na sasamahan niya ako? Iyong damit pa rin niya ang suot ko at napapansin ko ang matagal na pagtitig niya sa akin na wala namang kahulugan. Madalas ko ngang nakikita sa kanya ang pag-igting ng kanyang panga at pamumula ng tainga. Saka hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa utak ko at talagang sumama pa ako sa estranghero na katulad niya. Pero mukhang mag-e-enjoy yata ako habang magliliwaliw sa kung saang probinsya man kahit na alam ko trabaho lang din ang pupuntahan ni King. King... Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya dahil mukha siyang hari ng isang kaharian. Sa naisip ko ay hindi ko maiwasan ang kiligin. Parang hindi ako broken hearted, ah... Naligo na muna ako at hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako nakaramdam ng excitement. Mabilisan din ang pagligo ko dahil ayoko naman siyang maghintay sa akin nang matagal. Mahirap na... Iilan lamang ang mga gamit ko na dinala sa pagpunta sa Bora dahil hindi ko naman talaga siya pinaghandaan. Pero magiging 'sakto iyon ng isang linggo. Dadalhin ko ang damit niyang pinahiram sa akin. Palalabhan ko na rin o puwede rin na hindi ko na ibabalik sa kanya at akin na lang. Hehe. Just kidding. Isang hanging blouse na crop top ang sinuot ko at dirty white ang color nito saka black short pants na lantad ang mga hita ko. Sanay naman akong magsuot ng ganito kaya hindi na rin ako naiilang pa. Pinusod ko naman ng mataas ang buhok ko at naglagay lang ako ng pulbos sa mukha at wala na rin akong inilagay pa maliban doon. I just sprinkled my perfume and I almost coughed because its scent was so strong that it stung my nose. Hindi maleta ang dala ko. Traveling bag iyon na hindi pa kalakihan at magaan lang naman siya. Pagkatapos kong ayusin iyon ay sinukbit ko sa balikat ko ang bag ko saka ako lumabas. Dumaan na muna ako sa information desk para sa check out ko sa hotel. Ngumiti pa sa akin ang babae at sinabing bumalik ako ulit at tanging pagtango at ngiti lang ang naiganti ko sa kanya. Babalik ako, pero hindi ko alam kung kailan iyon. Naglakad ako patungo sa lobby at ang likod pa lang niya ay alam ko na kung sino ang lalaking nakatayo sa harapan ko. May kausap yata siya sa phone niya. Nakasuot siya ng itim na suit at formal na formal talaga ang outfit niya kahit sa probinsya lang ang pupuntahan namin. Kung sabagay naman, trabaho rin naman niya ang dahilan kung bakit siya pupunta sa probinsyang iyon at extra lang din ako. Narinig ko naman ang pag-ring ng phone ko at mabilis na kinuha ko iyon mula sa bag ko. Mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko ang pagbaling niya nang tingin sa akin at kasabay nang pagbilis ng t***k ng puso ko. Marahan na pinilig ko ang ulo ko at binigyan ko na lang ng atensyon ang nag-iingay kong cellphone. Si Daddy ang tumatawag sa akin. Pero wala akong balak na sagutin ito kaya pinindot ko ang decline. Ibabalik ko na sana iyon sa bag ko nang tumunog iyon ulit. Napanguso ako. Dahil ang kulit ni Daddy. "Why don't you answer the call, Nica? Baka importante 'yan," sabi ni King kaya nag-angat ako nang tingin sa kanya. Sumalubong sa akin agad ang nakakakilabot niyang tingin. Literal na nagsitayuan talaga ang balahibo ko sa katawan. Kung kanina na wala pa siyang ligo ay mukha na siyang fresh ay mas guwapo pala siya kapag ganyan na ang ayos niya. Hindi ko maiwasan ang mapangiti bagay na ipinagtaka niya pero gumanti rin naman siya kalaunan. My lips trembled because I was so nervous at this moment. I feel like time has stopped and so has the world. I didn't hear anything else but the loud pounding on my chest and it was like we were the only two alive in this world. Then...he seemed to glow. So dazzling... "Are you okay?" Nagbalik lang sa realidad ang utak ko nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa chin ko---pero may kung ano lang pala siyang pinunasan sa labi ko... Wait... Napahakbang ako paatras at hindi na ako makatingin sa kanya ng diretso. Pinunasan ko ang tumulong tubig--laway ba iyon? Nakahihiya kung laway ko ang tumulo na pinunasan niya! "You okay?" muling tanong niya sa akin at sinakop ulit ng malaking palad niya ang pisngi ko. Mas lalong nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil nararamdaman ko ang mainit at magaspang niyang palad sa balat ko. Hindi pa siya nahusto dahil lumapat din sa kanang pisngi ko ang isa pa niyang kamay. Inangat din niya pataas ang mukha ko at sumalubong na naman sa akin ang malamig niyang mga mata. Mabilis na nanghina ang mga tuhod ko at kung hindi ko siya itutulak palayo ay baka tuluyan akong bumagsak sa sahig o ang mas nakakahiya pa ay ang mahimatay ako dahil lang... Sa sobrang guwapo niya... "Namumula ka. Ayos ka lang ba talaga? Wala ka bang sakit?" tanong niya sa akin at tumatama na sa mukha ko ang mabango niyang hininga. Ang lapit din ng mukha niya sa akin kaya hayon na naman ang mapangahas kong mga mata. Bumaba na naman iyon sa mapupula niyang mga labi na halatang napakalambot no'n. Parang gusto kong ilapat ang mga labi ko roon. Parang gusto ko siyang halikan para lamang malaman ko kung gaano ba ito kalambot. Gusto ko ring tikman kung matamis ba ito... Bumalik ang tingin ko sa mukha niya at pataas sa mga mata niya. Mapupungay ang mga matang nakatingin din siya sa akin--o tamang sabihin na nasa labi ko mismo. Bayolente siyang napalunok at kitang-kita ko ang pagtaas baba ng lalagukan niya. Bahagyang nakaawang ang mga labi niya. Nakukuryente rin ako sa paghawak niya sa mukha ko. Mas namilog ang mga mata ko nang unti-unti niyang inilapit sa akin ang mukha niya. Hindi ako pumikit. "We should go," bulong niya sa tainga ko saka ko naramdaman ang pagkuha niya sa travelling bag ko. "Let's go, Nica," sabi niya sa akin at hinawakan ako sa palapulsuhan ko saka niya ako hinila. Sunud-sunod ang paghinga ko ng malalim at napakagat labi na lamang ako. Hindi pa rin humuhupa ang bilis ng t***k ng puso ko kahit nasa biyahe na kami. Bakit ganito kalakas ng epekto niya sa akin? Bakit ganito kung maka-react ang sarili ko? At lalong-lalo na ang puso ko na parang natataranta dahil sa lakas ng kabog nito... "May gusto ka bang kainin, Nica? Habang nasa biyahe tayo?" tanong niya sa akin at gulat pa na napatingin ako sa kanya. Ngayon lang din siyang nagsalita. Nag-drive thru kami para maka-order ng foods. Napatingin naman ako sa labas ng bintana. "Kahit ano na lang..." mahinang sagot ko na tinanguan niya. Softdrinks, burger and fries ang binili niya. Ibinigay pa niya iyon sa akin kaya ipinatong ko na rin iyon sa lap ko. "Thank you," sabi ko at ginantihan niya lang ng ngiti at pagtango. "Ikaw pala..." Muli siyang napatingin sa akin pero tutok pa rin siya sa pagmamaneho niya. Ingat na ingat siya masyado. "Hmm?" "Paano ka na brokenhearted?" tanong ko. Hindi na ako nailang na magtanong pa sa kanya tungkol sa bagay na iyon dahil alam naman niya iyong dahilan din sa heartbreaks ko. "I fell in love with a woman..." sabi niya at namamaos ang kanyang boses. Nagtaas ako ng kilay at nakita niya iyon kaya ngumisi siya. "Walang bago sa bagay na iyon," sabat ko. "Sa babaeng may anak na..." Namilog ang mga mata ko sa gulat. "Kasal ang babaeng minahal mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Matunog na ngumisi na naman siya sa akin. "Hindi." "Weh? Ano iyon, naanakan lang siya ng ibang lalake? Ano'ng problema roon kung ganoon? Saang parte ka nasaktan? May anak siya pero parang tanggap mo naman, ah. So, ano?" tanong ko pa. "Wala siyang asawa dahil iniwan siya. Pero..." "Pero?" Ginaya ko pa ang boses niya. "Pero bumalik ang ex-husband niya..." "Ano ba ang nangyari sa kanya?" interesadong tanong ko sa kanya. "Long story. Her love life is very complicated but...even though that man managed to hurt her I know...she still loves him very much. I know... Also...they have children, Nica. The happiness of the children is more important to me... To make them reunite again... To have a happy and complete family. I will not be an obstacle in that matter because they deserve to be happy... Marami na rin silang pinagdaanan. So, it's time for them to be happy." Hindi ko mapigilan ang humanga sa kanya. Kakaiba naman pala talaga siya kung magmahal. Dahil hindi siya nagiging selfish. Mas okay na sa kanya ang masaktan para lamang sa kapakanan ng mga taong minahal niya. Parang ang sarap niyang mahalin, 'no? Sobrang bait niya at bihira ka lang talagang maka-encounter ng mga katulad niya. "Huwag ka rin mag-aalala... Mahahanap mo rin ang para sa 'yo..." nakangiting sabi ko at nagawa siya sa ngiti ko. "Love is like a kiss of the wind... Sometimes you can't even feel it..." I said meaningfully. "You just need to open your eyes and listen to your heartbeat..." he said at hayan na naman ang tingin niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม