CHAPTER 6

1485 คำ
Chapter 6: Panakip butas "YOU just need to open your eyes and listen to your heartbeat..." You just need to open your eyes and listen to your heartbeat... Ganoon ba iyon? Kailangan ko lang pumikit at pakinggan ang t***k ng puso ko para makita at mahanap ko ang lalaking nakalaan sa akin? Na para lamang sa akin? Puwede kaya? Ilang minutong naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. At ako ay hayon, nahuhulog sa malalim na pag-iisip. Tama rin ang sinabi ko at sinabi niya. Ang pag-ibig ay hindi lang nararamdaman. Parang isang halik lang ng hangin pero kailangan lang talagang ipikit ang mga mata at pakinggan kung ano ang saloobin ng puso. Pero bakit noong ginawa ko iyon ay unang bumungad sa akin ang guwapo niyang mukha? Nang imulat ko ang mga mata ko ay ang nakangiting mukha niya ang una kong nasilayan at ang pagririgudon ng puso ko. Ang weird lang. Mas malala pa yata itong nararamdaman ko sa lalaking kasama ko sa mga oras na ito. Hindi naman kasi ganito kung si Jade. Hindi ako ganito kabalisa... "Nahanap mo ba, Nica?" naaaliw na tanong niya sa akin. Napa-facepalm na lamang ako. Ano'ng akala niya? Madaling hanapin? Madaling ituro ang tinitibok ng puso natin? Eh, na kay Jade pa talaga ako, eh. "Sira! Si Jade pa rin ang mahal ko!" I said at mabilis na nag-iwas siya ng tingin sa akin. Nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya at ang paghigpit nang hawak niya sa manibela ng sasakyan niya. Mukhang nagalit yata siya? Pero ano naman ang dahilan? Sinabi ko lang sa kanya ang totoo, duh. Si Jade pa rin talaga... Inaasar niya kasi ako, eh. As if...ewan ko talaga! Kung hindi ako ang gumawa ang paraan para kausapin siya ay talagang hindi na niya ako papansinin pa. Ewan ko ba sa kanya kung bakit mukha siyang galit. Nagalit ba siya sa akin? Nagalit ba siya sa sinagot ko? "Hindi ba ako makakaabala sa trabaho mo kapag dumating na tayo sa probinsya?" tanong ko at tumulis ang nguso ko nang makita ko ang gulat na pagsulyap niya sa akin. "It's fine..." sabi niya. Akala ko ay hindi na siya sasagot pa. Mukhang tahimik na tao rin pala siya. Kung hindi mo kakausapin ay hindi siya magsasalita and worst hindi ka niya papansinin. Nakabibingi pa naman ang katahimikan sa pagitan namin. Shoot... "Ilang araw tayong mananatili roon?" tanong ko ulit. "Matagal..." "Ha?" gulat na tanong ko. Matagal? Magtatagal ba kami roon? Hala, bakit naman? Wala ba siyang trabaho rito sa Manila? I bet busy siyang tao, eh. "Magtatagal tayo kung hindi mo agad makakalimutan ang ex mo," sabi pa niya na ikinaawang ng mga labi ko. Puwede ba iyon? Saka... matatagalan ako bago ko makalimutan si Jade. Ano'ng pinagsasabi niya? Hangga't hindi ko pa nakalilimutan ang lalaking mahal ko ay matagal pa kaming mananatili roon? Eh, ano pa ang gagawin namin doon? "Hala, matagal iyon, 'no. Alam kong may trabaho ka pang naiwan..." sabi ko at tumaas lang ang sulok ng mga labi niya. "Then, simulan mo na kalimutan ang ex mo para pagdating natin sa probinsya ay hindi mo na siya maaalala pa agad..." "Ha? P-Paano ko gagawin iyon?" natutulalang tanong ko. "Gusto mo ba'ng mag-move on, Nica? Gusto mo ba siyang makalimutan?" Ang dami niyang tanong. Siyempre gusto ko para hindi na ako masaktan pa. Gusto ko na ngang makalimutan ang lahat ng mayroon kami ni Jade. Para umusad naman ang buhay ko. Hindi lahat sa pagkakataon ay si Jade lang ang inaalala ko. Kailangan ko rin namang unahin ang sarili ko at para maging masaya naman ako... At masanay rin na wala ang presensiya niya. "Gusto ko..." sagot ko at bumuntonghininga. Napatingin ako sa pagkain na binili niya. Kinalkal ko ang laman nito at kumuha ng isang fries saka ako sumubo. "Pero paano? Paano ko gagawin iyon? Hindi naman kasi ako katulad mo...na madaling gawin sa akin ang bagay na iyon... Ang makalimutan ko siya agad-agad... Sobrang hirap, eh," sabi ko at diretsong tiningnan ko ang mga mata niya. Nangungusap ang mga iyon. At kahit nag-iingat siya sa pagmamaneho ay panay pa rin ang pagsulyap niya sa akin para lamang makita ang reaksyon ko. "To move on. It doesn't mean to forget that you once loved him, Nica. There's nothing wrong with loving someone who isn't meant for you. It's always hard to forget that person, especially when they engraved a big part of it in your heart. Iyong nararamdaman mo lang ang kalimutan mo. Hindi ang taong iyon o ang alaala mo... Ang pagmamahal lang na ikaw lang naman ang nakakaramdam no'n..." mahabang saad niya. Naiintindihan ko na. Hindi lahat ng pagmo-move on ay pati ang taong minahal mo ay kalilimutan mo at saka iyong mga alaala na iyon. Iyong nararamdaman mo lang. Iyon lang ang kakalimutan ko. Napangiti na rin ako sa huli at hindi iyon nakatakas sa paningin niya kaya may multong ngiti rin sa labi niya. Kumuha ako ng isang fries at inilapit iyon sa bibig pa. Oo, literal na sinusubuan ko siya. "Pang-thank you lang, sige na," sabi ko nang nalilito pa siyang tiningnan ang kamay ko na may hawak na fries. Binalingan pa niya ako bago niya ibinuka ang bibig niya at inisang kagat niya lang ang fries. Sumubo ulit ako para sa akin at mayamaya lang ay nagsalita na naman siya. "At para mabilis mong makalimutan ang nararamdaman mo sa kanya... Simulan mo na huwag siyang alalahanin... Subukan mong huwag bigkasin ang pangalan niya, Nica," seryosong saad niya. "Ang hirap naman yata iyon... Kasi sanay ka na... Sanay ka na palagi mo siyang naaalala at palaging hinahanap..." sabi ko. "Alam ko. Pero nagawa ko naman iyon," he said. "Iba ako, iba ka. Lalaki ka at matapang kayong mga lalaki pagdating diyan. Matibay kayo, eh," I reasoned out. "Subukan mo na mag-isip ng iba... Na hindi kasama ang ex mo. Subukan mong ilipat ang atensyon mo..." "Paano naman iyon? Paano mo iyon nagagawa?" Ang dami niya kasing alam, eh. Nakamamangha naman pala talaga siya, eh. "Ang isipin ako. Subukan mong ibigay sa akin ang buo mong atensyon... Nica... Ayos lang sa akin ang maging panakip butas mo," sabi niya at hindi ko sinasadya ang malunok ko lahat ng fries sa kamay ko. Dahilan na bumara ito sa lalamunan niya. Namamasa ang mga mata ko at hindi na ako makahinga. Nabigla ako sa sinabi niya. Nang mapansin niya ang nangyayari sa akin ay malutong na napamura siya. Pinahinto niya ang sasakyan at mabilis na tinanggal niya ang seatbelt sa kanyang katawan. Humilig siya sa akin at kinuha ang isang bottled water na mayroon palang laman iyon. Binuksan niya ito saka niya inilapit sa bibig ko. Inalalayan pa niya akong makainom. Marahan na tinapik-tapik pa niya ang likod ko at masuyong hahaplusin iyon. "Magdahan-dahan ka lang kasi," sabi niya sa akin. Bakit ba kasi iyon ang sinabi niya? Eh, nagulat ako! Hindi ko naman naisip na humanap ng panakip butas at makikita ko iyon sa katulad niya. Natatakot ako, 'no! Baka masaktan ko siya. Saan ba niya nakuha ang ideyang iyon? Bakit parang ayos lang sa kanya na iyon ang turing ko sa kanya? Na isang panakip butas lang? Nang mahimasmasan ako ay marahan na tinapik ko ang kamay niya. Hindi siya umimik at nanatili pa rin ang tingin niya sa akin. "Bakit mo ba kasi sinabi iyon sa akin?" nakataas na kilay na tanong ko. Inabot niya ang mukha ko at may pinunasan na naman siya sa gilid ng labi ko. "What?" naguguluhang tanong pa niya. As is hindi niya na-gets ang ibig kong sabihin! "Iyong panakip butas!" bulalas ko. "I don't mind though," wala sa sariling sabi niya lang. Parang hindi big deal sa kanya ang bagay na iyon. Ang guwapo niya para lamang gamitin ko siya, 'no! "Pero ayokong manakit ng ibang tao, King," umiiling na sabi ko. "Hindi mo naman ako masasaktan, Nica... Wala lang sa akin ito. Ang gusto ko lang ay tulungan kang makalimutan ang pagmamahal mo sa taong... hindi mo naman... kailangan pang alalahanin dahil pagmamay-ari na siya ng ibang tao at sa kapatid mo pa..." Ouch, ah. Pinapamukha niya talaga sa akin ang bagay na iyon? Masakit pa rin kaya! "Bakit? Bakit mo ginagawa ito, King?" seryosong tanong ko sa kanya. Nakipagtitigan ako sa mabibigat niyang tingin at ganoon din naman siya. "Dahil hindi mo alam, Nica..." "Ha?" Nabitin ako sa sinabi niya. May karugtong pa iyon, eh. "Hindi mo alam na nagagawa mong makuha rin ang aking atensyon. Paunti-unti ay nakakalimutan ko rin ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang makita ka lang, Nica... Ang makita ko lang ang maamo mong mukha... Ang nararamdaman ko ang magaan na presensiya mo. Ang makita ko rin ang ngiting nakapaskil sa mga labi mo... Ang makita ko ang mga mata mong nagniningning... Kailan kaya... Kailan ko kaya mararamdaman ang mahalikan mo ang isang tulad ko, Nica?"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม