Gladi POV. NAPAILING na lang ako sa sarili ko, bakit kaya ang bilis mapawi ng inis ko kay Master M? Haist… ang babaw ko talaga, dala sa suhol. Hindi na yata nabubura ang ngiti ko habang hawak ang mamahaling cellphone na bigay ni Master M. Naputol ang kasiyahan ko ng inagaw niya ang cellphone at nilagay sa loob ng aking bag. “Bawal muna ang cellphone, haharap ka kay Mommy at Daddy, ayaw kong maging bastos ang tingin nila sayo. Mamaya ka mag-cellphone kapag nasa kwarto ka na.” “Opo, Master M.” Sa totoo lang tama naman siya, baka kung ano pa ang isipin ng Mommy niya kapag nakita ako at isiping cellphone lang ang nagpapasaya sa akin. “Welcome back, son…” huminto sa pagsasalita si Ma’am Maggie at tiningnan muna ako. Mabuti na lang at kinuha ni Master M ang cellphone sa kamay ko. Kundi

