Gladi POV. NAPAPAYAG ko si Master M na dalhin si Moley, sa bahay ng pinsan niyang si Mr. Virgo… for his safety. Kahit naman demonyo ang lalaking ito meron din natatagong konting kabaitan. Ang kailangan ko lang talaga ay habaan ang pasensya upang hindi siya laging galit. Pagbigyan din kapag umaatake ang kamanyakan… dapat lagi akong mapagbigay. Ngayon narito kami sa himpapawid at wala akong ideya kung ano ang gagawin namin sa bansang Pilipinas. Lalo pa at tatlong araw lang kami, ibig sabihin hindi bakasyon ang punta namin doon. Maingat akong lumapit sa kanya, ayaw kong maistorbo ang tulog niya. Sa orasan ko madaling araw na at nagising lang ako upang mag banyo ngunit pagbalik ko sa higaan hindi ako dalawin ng antok. Humiga ako sa tabi niya, tinukod ang isang kamay sa aking sintido at m

