Gladi POV. “SINO ka?!” Malakas kong sigaw nang maramdaman kong may biglang tumabi sa akin. Agad akong tumayo at umiwas, mabilis na gumilid. Madilim ang paligid, halos wala akong makita. Ngunit malinaw kong nararamdaman ang presensya niya. Nakatayo lang siya at tahimik na nakaharap sa akin. Napakunot ang noo ko, bakit hindi siya gumagalaw? Dahan-dahan akong umatras papunta sa switch ng ilaw. Kumakabog ang dibdib ko habang inaabot iyon. Click. Biglang lumiwanag ang buong silid at sa harapan ko… “Master M!” napasigaw ako sa gulat. Nakangiti siya at dahan-dahan siyang lumapit, nakabuka ang mga braso. Hindi na ako nag-atubili, tumakbo ako papunta sa kanya at mahigpit siyang niyakap. “I missed you so much, sweety,” bulong niya. Hindi ako sumagot, mas hinigpitan ko lang ang yakap ko

