Gladi POV. One year later… “AVVI!!!” Sigaw ko sa pangalan niya, ngunit tila hindi ako naririnig. Napasinghap ako at muling sumigaw nang makita kong malapit na ang sasakyang rumaragasa... ang direksyon ay patungo sa kanya. Lumingon siya sa akin... pero huli na ang lahat. Isang malakas na bangga at tumilapon ang katawan niya sa ere. Doon parang tumigil ang mundo ko. Wala na akong ibang nakita kundi siya. Agad akong tumakbo, hindi ko alintana ang mga taong nagsisigawan at nagkakagulo sa paligid. “Hit and run!” sigaw ng isang lalaki. Pero hindi ko na iyon pinansin. Wala nang ibang mahalaga kundi siya. Lumuhod ako sa tabi niya at marahang hinawakan ang ulo niya. “Avvi…! Avvi, hey... ” Nanginginig ang boses ko. “C-Cerna…tell Bigg Boss…” mahina niyang sabi, putol-putol ang hininga.

