Gladi POV. NAPAKABIGAT ng pakiramdam ko habang papalayo… palayo sa taong nag-iisang nagligtas sa akin—at siya ring nag-iisang itinuring kong pamilya. Ngunit gaya ng bilin niya, kailangan ko munang magtiis… kahit masakit. Kailangan kong tuparin ang lahat ng pangako ko. At hahawakan ko ang bawat salitang binitawan niya, lalo na ang pangako niyang hihintayin niya ang pagbabalik ko. Hanggang sa araw na makabalik ako sa kanya. Pagdating ko sa destinasyon ko, agad kong naramdaman ang kakaibang lamig ng lugar. Para bang… wala ako roon. Walang tumitingin. Walang pumapansin. Para bang hindi ako umiiral sa harapan nila. Lahat ay abala sa kani-kanilang ginagawa, tahimik, disiplinado, at tila may iisang sinusunod na batas na hindi kailangang ipaliwanag. At doon ko muling naalala ang bilin n

