Kahit nakainom ay hindi pa rin makatulog si Dianne sa kaiisip kay Franco. Alas onse na halos ng gabi pero gising na gising ang diwa niya. Naroong magbukas siya ng TV kahit hindi naman siya manonood, o magbukas ng laptop kahit hindi naman pumapasok sa isip niya ang ginagawa. Pinatay niya rin ang TV nang wala siyang mahanap na panonoorin. Pinatay niya na rin ang ilaw at humiga baka sakaling makakuha siya ng antok. Tila naman nang-iinis si Franco dahil kung kailan na siya pumikit ay doon naman siya nakatanggap ng text mula dito. 'Goodnight, love...' Sunod-sunod na iisang mensahe lang ang ipinadala nito. Pero ayaw yatang tumigil hangga't hindi siya nagre-reply. "Matulog ka na, Franco." "I can't. Still thinking about you." "Ako ba ang girlfriend mo?" "Puwede ba?" "Ewan ko sa 'yo. Goodn

