Tinikis niya ang sarili na hindi gaanong kinakausap si Franco. Inabala niya ang sarili sa kung ano-anong bagay huwag lang sumagi sa isip niya ang binata. Nasa conference room sila nang marinig niyang nagbubulungan ang dalawang empleyadong babae ng tungkol kay Franco. Nakasabay pala ng mga ito sa canteen ang driver niya at doon naman ito pinagkaguluhan ng mga kababaihan. Gusto tuloy niyang magsisi kung bakit niya pinayagan na doon tumambay. Dumami ang naging karibal niya sa atensyon nito. Alas singko ng hapon ay kumatok ito sa silid niya. Hindi pa siya handang umuwi dahil gusto niyang dumaan sa Zenclub. Tinawagan niya na ang mga kaibigan dahil gusto niya munang ilayo ang sarili dito. "Go ahead and go home. Consider today your day off until tomorrow." "Gusto mo na ba akong tanggalin sa

