Dumating ang sembreak. Nagpasya sina Kuya Timothy na sa farm nina Dave gugulin iyon. Tumanggi ako nang ayain nila akong sumama dito hindi dahil ayaw ko, kung hindi mayroon na akong naunang planong gawin. At lingid iyon sa kaalaman ng kapatid ko. Sadya kong inilihim. “Aba, himala yatang wala kang planong sumama sa amin, Safiera? Nakakapanibago. Kung dati ay ikaw mismo ang unang nagpre-presentang sumama. Ngayon ay hindi dahil tumatanggi ka na.” “Tinatamad ako, Kuya.” “Kuu, siguro may ibang lakad at plano kayong dalawa ni MD, ano?” “Wala. Feel ko lang na ayaw kong umalis ng bahay ngayong sembreak. Dito lang ako tatambay. Namiss kong guluhin ang trabaho ni Ate Luz.” Pagak siyang tumawa. Ang hindi niya alam ay nagpasya akong sumama kay Ravin pauwi ng Pampanga at pinayagan na ako nina Mom

