“Are you alright? Mukha yatang masama ang timpla mo?” puna agad ni Ravin pagkarating ko sa napag-usapan naming lugar kung saan kami magkikita. Ngiting-ngiti siya na para bang ang tagal na naming hindi nagkita. “May nangyari ba sa inyo na nagpawala ng mood mo, Safiera?” Mabilis akong umiling at iginala ang mga mata sa paligid. Hindi ko mapigilan na namakaramdam ng pagkailang. Hindi ako sanay na makipagkita sa kanya sa ganitong lugar tapos kami lang. Idagdag pa ang mga estrangherong dumadaan na napapasulyap sa amin, kinakabahan tuloy ako na baka mayroong kakilala kong sa amin ay makakita dito. “Wala ah, huwag mo akong pansinin.” tugon kong pinasigla ang tinig, ayoko munang isipin si MD. Hindi ko hahayaang masira ang unang date naming ito nang dahil sa kanyang mga sinabi. Nginitian ko siya

