Isang Linggo ang matuling dumaan nang hindi ko namamalayan. At sa loob ng isang linggong iyon ay ilang beses kong sinubukang sabihin kay MD ang tungkol sa amin ni Ravin. Iyon nga lang ay palagi akong nabibigo at nag-aalinlangan. Nilalamon ng takot at kaba. Pakiramdam ko ay hindi pa ako handa sa magiging reaction ng kaibigan. Nagagawa ko iyong simulan ngunit hindi ko na maituloy. Nabla-blangko akong bigla. Paano kung magalit? Anong gagawin ko? “Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin, Safiera? May dumi ba ako sa mukha?” tanong niyang tumigil na sa kanyang pagkain, inapuhap ang aking mga matang bigla na lang napakurap-kurap. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at umiling. “Natutulala ka na naman. May problema ka?” “W-Wala, MD.” “Ilang araw ko ng napapansin ang ganyang behavior mo. Nags

