CHAPTER 20

3768 คำ
Chapter 20: Visitors FRANCINE’s POV “LET me help you,” pagpipresenta niya at lumuhod din siya sa tabi ko. Tinabig ko ang kaniyang kamay. I don’t need his help, psh. “Ako na ang bahala rito. Tingnan mo na lang sa baba ang anak mo. Mabibinat iyon sa katigasan ng ulo niya,” nakakunot-noong saad ko. Wala naman akong intensyon na itago mula kay Florence ang katotohanan. Hinihintay ko nga lang na magpakilala si Khai sa anak niya, but it turns out ang bata pa ang nakaaalam tungkol doon. Maaga pa nga masyado para malaman ng bubwit na iyon, e. Naalala ko ang nakaraang araw na ipinakita sa ’kin ni Khai ang sinasabi niyang evidence na siya ang biological father nito. Naabutan ko nga siya na may ginagawa siya sa backpack niya. Nang makita ako ay nagmamadali pa siyang i-zipper iyon. Nakita ko mismo ang papel na maingat niyang tinutupi. Sabagay tama nga naman siya. Kapag nakita ko iyon ay maybe babawiin ko sa kaniya. Magdadahilan din ako na wala lang ang nabasa niyang name niya roon. Hindi pa siya nakababasa talaga, tinuturuan pa namin siya. But she’s familiar na sa letters ng pangalan niya. “I just didn’t expect Florence to be smart enough to show her teacher the DNA test result,” he uttered. Sinulyapan ko pa siya, nakikitaan ko man siya nang gulat ay parang namamangha pa rin siya. Even me ay hindi naman talaga makapaniwala sa kayang gawin ng anak niya. I can’t blame him. “Kung hindi niya lang narinig ang pagtatalo nating dalawa at nakita ang papel na tinapon ko ay hindi naman niya malalaman iyon agad. She’s not curious about that thing,” I said to him at mataman pa niya akong tinitigan. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Naiinis ako kapag nakatitig siya sa mukha ko. “It’s fine, Francine. I don’t know how to tell our daughter the truth anyway. She’s close to the man she thinks is her father, and I don’t want Florence to get hurt because of it,” mahinang saad niya, sapat na ’yon upang marinig ko. Napahinto tuloy ako sa ginagawa ko para lang tingnan ulit siya. No wonder na nahulog ang loob ko dati sa kaniya. Masyado siyang mabait, maalalahanin at kapag family na niya ang pag-uusapan ay magiging priority na niya agad. He loves his family—maliban na lang sa amin ni Zaidyx na nagawa niyang iwan at talikuran noon. Noong una ay ayokong sumbatan siya. Because in the first place ay hindi na maganda ang unang nangyari sa amin. Nangyari ang hindi dapat na mangyari, dahil girlfriend pa niya noon si Calystharia. Nang mabuntis niya ako ay hindi niya tinakasan ang responsibilidad niya sa akin. But alam ko na ginawa niya lang iyon, dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan ng parents namin. But on second thought, siya ang tipong lalaki na hindi basta-basta tinatalikuran ang responsibilidad niya. May reputasyon siyang iniingatan. And ayokong pagsisihan ang pangyayaring iyon. Because dumating sa buhay namin si Zaidyx. Sa kabila nang takot ko noon na mabuntis nang maaga, sa kadahilanan na marami pa akong pangarap ay paunti-unti ko namang tinanggap. Iyon ang kapalaran ko. Kung hindi rin naman nagtuloy-tuloy na ganoon ang relationship namin ni Khai ay marahil wala rin sa Florence. So, lahat talaga ng bahay au may dahilan. Napabuntong-hininga na lamang ako. Sa kung saan-saan na napapadpad ang isipan ko. Nahuhulog agad ako sa malalim na pag-iisip, e. “Do you think you’ll hurt her if you tell her that Calizar isn’t her real dad?” I asked him. Wala akong nakikita na dahilan na magalit sa kaniya ang anak namin. Ang nangyari kanina ay kaartehan lang iyon ng bata. O baka magtatampo lang siya. “I don’t know,” sagot naman niya at umiling. Napayuko pa siya at napatitig lang sa mga palad niya. He looks problematic. “Florence likes you. I don’t know why, but maybe nararamdaman niya rin sa ’yo ang lukso ng dugo. She doesn’t get angry when she likes someone,” I stated. Masyado siyang kinakabahan sa kaalaman na magagalit sa kaniya ang baby na iyon. Nag-angat siya nang tingin at diretsong tumitig na naman siya sa eyes ko. Nakitaan ko na siya ng hope at parang natuwa rin sa sinabi ko. “You think so?” he asked me. “Ask her kung may doubt ka sa sinabi ko,” masungit na sagot ko sa kaniya. Ako na ang nagbibigay sa kaniya ng assurance. Kilala ko ang aking anak, ugali pa lang nito. “I believe in you, baby.” I frowned. Bakit ba tinatawag pa rin niya ako sa endearment na iyon? “Stop calling me like that. Hindi na ako bata.” “Yes, hindi ka na nga bata. Dalawa na anak natin, but you still my baby. Always remember that.” Napabaling ako sa kaniya. Nakatayo na nga lang siya at naglalakad na palabas ng walk-in closet ko. “Ewan ko sa ’yo,” sambit ko at nang muli siyang sumulyap ay nagawa pa niya akong kindatan, saka siya tuluyang lumabas. “Ewan ko ba talaga sa lalaking iyon.” Napailing na lang ako habang nag-aayos ng mga gamit namin. Pupunta pa ako sa room ng anak kong lalaki. Aayusin ko rin ang mga damit niya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko ginagawa ito. Bakit nga ba? Bitbit ko na ang maleta na naglalaman ng mga damit naming mag-iina. Kaunti lang talaga ang dinala ko. Hindi naman kami magtatagal doon, ’no. Kung wala lang sakit ang baby ko ay hindi ko siya pagbibigyan. Well, now I know kaya ko ito ginagawa. Dahil parang may atraso nga kami kay Florence. It’s our fault naman, ’di namin sinabi sa kaniya ang totoo. She said pa nga na karapatan niyang malaman ang tungkol doon. I agree naman, that’s because Khai is her biological father. Sa living room pa lang namin ay naririnig ko na ang pag-iyak ni Florence. Ang Tito Seth niya mismo ang umaalo sa kaniya. It seems hindi ito malapitan ng ama. Dahil sa ingay ng maleta ko ay nakatingin silang lahat sa ’kin. Huminto saglit ang bubwit, but umiyak din siya kalaunan. Nagmamadali namang lumapit sa akin si Khai, upang kunin ang dala ko. “Bakit umiiyak na naman siya?” I asked him. “Kanina pa siya umiiyak. Hindi naman siya tumigil,” sagot niya. Nauna na akong bumaba at nilapitan ko ang batang umiiyak. Napailing ako sa kaniya. Nang tiningala niya ako ay nakanguso na siya, nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha niya. Pulang-pula ang kaniyang pisngi. Halatang may sakit pa rin siya. “Hayan na ang things mo, ah. Puwede na kayong umalis ng kuya mo,” aniko at napatingin siya sa daddy niya nang ibaba nito sa harapan niya ang bagahe namin. Mas lalo siyang naiyak. Nilapitan naman ako ni Zaidyx. Hinawakan nito ang kamay ko. “Mommy, bakit mo naman po kami pinapaalis?” malungkot na tanong nito. Lumuhod ako sa harapan niya at kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mata. “Samahan mo ang makulit mong kapatid, kuya,” I said to him. Hindi yata na-gets ng baby boy ko ang gusto kong ipahiwatig. Hinaplos ko lang ang pisngi niya at hinalikan. Tumayo rin ako at hinarap ko si Seth. “Sige na, Seth. Ihatid mo na ang mga pamangkin mo sa house ng lolo niyo.” Umawang ang labi nito sa gulat. Pabalik-balik na ang tingin niya sa amin ng kuya niya. “Eh, Ate Francine. Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” “Gusto kasi iyan ng mga pamangkin mo, e. Wala naman akong magagawa pa.” Nagkibit-balikat pa ako. Ngayon ay parang stress na rin siya sa amin. Maski ang parents namin ay umiling lang sila. Hinahayaan lang kami sa mga gusto namin. Alam kasi nila kung kailan sila papasok sa problema namin ni Khai. “Let’s go. Ako na ang maghahatid sa inyo.” Si Daddy Ry na nga ang nagpresenta. Naglahad ito ng kamay sa kaniyang apo. Hindi naman ito nagdalawang-isip pa at sumama sa kaniya. Desidido siyang umalis, ha. “Seth, sumama ka sa kanila, son.” Hinubad naman ni Mommy Ninang ang suot niyang cardigan at inilagay iyon sa balikat ni Florence. Hinalik-halikan pa niya ang pisngi nito at tila kinakausap niya rin. Panay iling lang ang ginagawa ng anak ko. “Okay. Mag-ingat kayo roon, Zai. Huwag niyong bibigyan ng sakit ng ulo ang lolo ng daddy niyo,” paalala naman ni mommy. Si daddy ay napahilot na lang sa sentido niya. “Hindi po tayo bati, Mommy, Daddy,” pahabol na sabi pa ng baby nang umalis na nga sila. May kasama pang pag-irap. Ayaw pa sana ni Zai na sumunod. Kung hindi lang siya sinabihan ng kaniyang ama na susunod naman daw kami. Natuwa naman siya, nawala ang lungko na ekspresyon sa mga mata niya kanina. “Iniisip ko lang kung kanino nagmana iyang apo natin. Mabait naman ang anak ko, masunuring bata. Hindi siya katulad ni Florence,” pagsisimula ni daddy sabay upo sa sofa. Natatawang tinabihan siya ni mommy. Inaya naman nitong umupo ang best friend niya. “Si Khai ay hindi rin naman ganoon. Kung ano ang nakikita natin kay Zaidyx ay iyon ang ugali ng daddy niya, and yes. Agree ako, Storm. Hindi nga rin ganoon si Francine noong baby pa siya. Except lang nang sabihin niya sa Daddy Ry niya ang nalalaman niya,” ani naman ni Mommy Ninang. Uminit tuloy ang magkabilang cheeks ko. Hindi ko na gaano naalala ang nangyari noon. Basta madalas nilang sabihin iyon sa ’kin. “O baka naman sa ’yo nagmana, J? Kilala kita,” natatawang saad ng aking ina. Napangiti ako, kasi close na close pa rin silang mag-best friend. Napapitlag naman ako nang may humawak sa braso ko. I looked at Khai kasi siya naman talaga ang katabi ko. “Let’s go?” pag-aaya niya. Natigil na naman ang parents namin. Tumango na lang ako at nagpaalam sa kanila. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng sasakyan niya. Pagkasakay ko ay inilabas ko ang cell phone ko. Tatawagan ko si Calizar, kahit na alam kong busy iyon. Kaya nga pinauwi ko na kanina. Nagkatinginan pa kaming dalawa, ngunit pinapaandar na niya ang sasakyan. Panay ring lang ang maririnig ko sa kabilang linya. I tried to call him again. But unfortunately ay babae na ang sumagot. Nagsalubong tuloy ang kilay ko. “Hello?” “Where is Calizar?” I asked the girl. “Calizar! Tumatawag ang wife mong demonyo ka!” Napasinghap ako nang marinig ko kung ano ang tinawag niya rito. Isang babae lang naman ang kilala ko kung sino ang may lakas loob na tinatawag siyang ganoon. “Si Francine ba? Sabi ko naman sa ’yo kanina ay busy ako. May sakit kaya ang anak namin!” narinig kong sigaw pa nito. Ang lalaking ito talaga, oh. “Yes, hon?” “Kasama mo si Valerie ngayon?” I asked him. Wala namang kaso sa akin kung kasama niya ang babaeng iyon. Alam namin pareho kung ano rin talaga ang totoo naming relasyon. Masasabi kong isa rin sa naging matalik na kaibigan ko si Calizar, dahil sa kaniya kaya nagagawa kong umusad sa buhay ko ngayon. Marami siyang naitulong sa akin at hindi rin siya mahirap mahalin. It’s just that, iba lang talaga ang kagustuhan ng aming mga puso at iba ang hinahanap nito. Kaya hanggang dito lang kami. “Yes, dapat diretso na talaga ako sa condo, e. By the way, kumusta na si Florence? Mataas pa ba ang lagnat niya?” nag-aalalang tanong niya. Isa ito sa nagustuhan ko sa kaniya. Minahal niya ang mga anak ko at tinuring na parang tunay na anak. Kaya lang kung kailan ko siya kakailanganin ay saka naman siya magiging busy sa ibang bagay. Ayoko naman talaga siyang pigilan, gusto ko rin namang bumawi sa kabaitan na ibinigay niya sa ’kin. “Naglayas, isinama ang kuya niya,” sagot ko at nabigla pa siya. “What happened? Nasaan na siya ngayon?” he asked once again. “Hayon nga, nasa ibang bahay na. Nalaman niya ang totoo, e. About her father.” Sinadya kong hinaan ang boses ko sa huling salitang binanggit ko. Pasulyap-sulyap din ako sa kasama ko. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito. Ewan ko kung ano ang iniisip ng isang ito. Mahirap basahin. “Well, hindi na ako nagulat pa, Francine. Matalinong bata yata ang anak natin.” I smiled because of that. “So, may maitutulong ba ako sa inyo? O kayo na lang ng daddy niya ang gagawa ng paraan para iuwi ulit sa bahay si Florence?” “Hindi na. Kami na lang ang bahala. Abuso na ako kapag isinama pa kita at alam kong hindi mo gugustuhin na mag-stay roon. Ang alam ko kasi ay strict ang lolo ni Khai,” aniko. “Okay. Basta kung kailangan mo ako ay tumawag ka lang, okay hon?” “Yes. Sige na, kausapin mo na si Valerie. Kanina pa yata siya nananahimik. Baka kung ano pa ang isipin niya,” naiiling na sabi ko naman. “Yeah, nasa tabi ko lang siya. Nakikinig pa nga at kanina pa masama ang tingin. Nagseselos yata sa asawa ko,” natatawang pahayag naman niya, pero narinig ko pa rin ang malutong niyang pagmumura. “Ibaba mo na ang tawag, Francine. Kakalbuhin ko pa itong fake—” Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi ni Valerie nang may humablot sa cell phone ko. “Ano ba ang problema mo?” naiinis na tanong ko sa kaniya. Si Khai lang naman ang kumuha ng phone ko at basta na lamang niyang pinatay iyon, saka niya itinapon sa dashboard ng car niya. Sinamaan ko pa siya nang tingin. “I don’t like the idea na ngumingiti ka kahit hindi mo naman kasama ang lalaking iyon,” malamig na sabi niya. Umikot lang ang eyeballs ko. “Wala kang pakialam doon. You better shut up, Alkhairro,” masungit na sabi ko. Umigting lang ang panga niya. Napangisi ako dahil lang doon. “Wala kang manners. Nagsasalita pa sa other line si Valerie,” I added. Kunot ang noong tiningnan niya ako. “Valerie? So, siya ang kausap mo? Or don’t tell me kasama rin ng magaling mong asawa ang babaeng iyon?” “Mag-overthink ka kung gusto mo. Wala akong pakialam,” balewalang tugon ko sa kaniya. I even smirked at him. Napahagod na lang siya sa kaniyang buhok gamit ang mahaba niyang daliri. “Why are you hurting me like this, baby? Yes know that I want to talk about us. Pero sa tuwing sinusubukan ko ay nagsusumbatan lang tayong dalawa. Ako ang nahihirapan, kasi nangangapa pa ako,” problemadong saad niya. Sumandal lang ako sa headrest at tumingin sa labas ng binatana ng kaniyang sasakyan. Hindi ako masyadong affected sa sinabi niya. Ano naman kasi ang pakialam ko sa kaniya, right? Siguro kung ibang tao ay maaawa na lang sa lagay niya. Pero iyon naman ang pinili niya. Kung hindi niya lang kami iniwan moon ay hindi sana kami ganito. “Mag-drive ka na lang diyan para makarating na tayo roon,” mariin na utos ko sa kaniya. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. Kinuha ko na ang phone ko mula sa dashboard ng kotse niya. *** “Khai, apo. Biglaan naman itong pagdalaw niyo sa akin at bakit gabi na?” nagtatakang tanong sa amin ng lolo ni Khai. Siya mismo ang sumalubong sa amin, kahit naka-wheelchair pa siya. Hindi pa umuuwi sina Seth at Daddy Ry. “Dito po muna kami sa bahay niyo, Lolo,” magalang niyang sagot dito. May katandaan na ang grandfather niya, pero halata pa rin naman na magaganda ang kanilang mga lahi. Lumapit pa siya rito at nagmano. Gumaya rin ako, dahilan na napatingin pa siya sa ’kin. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay nang ngumiti pa siya. Natuwa yata sa ginawa ko. Malamang gagawin ko iyon sa nakatatanda. “Francine, hija. Dito ka rin mananatili pansamantala?” nakangiting tanong ni Lolo Barjo, hindi iyon ang real name niya. Family name lang nila, ngunit mas kilala siya sa pangalan na iyon. “Yes po, Lolo. May sakit po kasi ang apo niyo sa tuhod, e. Si...” Natigilan naman ako. Hindi niya alam na anak din ni Khai si Florence. Therefore I looked at Khai. Na-gets naman niya ang paraan nang pagtingin ko sa kaniya. Dahan-dahan kong naramdaman ang braso niyang nasa baywang ko. Magpoprotesta sana ako, kaso lang ay kaharap namin ang kaniyang abuelo. Ayoko naman na mapansin nito na hindi kami okay ng apo niya. Bad manners din iyon. Mamaya siya sa akin. Tsk. “Lolo, kilala niyo naman siguro si Florence, ’di ba?” tanong niya. “Si Florence, madalas siyang kasama ng anak mo kapag nakikipagkita ako sa kaniya, apo. Eh, ’di ba anak mo rin siya? Ang batang buhat-buhat kanina ng daddy mo,” sabi nito at napatango-tango pa si Khai. “Opo, Lolo. Anak ko nga po siya. Kaya ho kami nandito ay dahil nagtatampo ho iyon sa amin. Naisipan na lang niya ang puntahan kayo,” aniya. Napatingin ako kay Daddy Ry. Lumapit na sila sa amin at sumenyas. “Puntahan niyo na muna ang mga anak niyo sa kuwarto mo, son. Ako na ang makikipag-usap sa lolo niyo.” “Sige po, Dad. Ingat po kayo sa pag-uwi.” Tinapik naman niya sa balikat ang kapatid niya. Nang tingnan ko si Seth ay may pilyong ngisi pa siya. “Goodluck sa inyo, ha?” Hindi ko alam kung bakit nagsi-cheer ang isang ito sa amin. Mahinang sinuntok ko ang braso niya. “Baka ikaw ang nagbigay ng idea sa pamangkin mo na kapag magtatampo siya ay sa lolo niyo siya pupunta,” nakasimangot na sambit ko at nagkibit-balikat lang siya. “Bahala kayo, mga ate at kuya. Problema niyong mag-asawa ’yan. Kayo ang umayos diyan,” nakangising sambit niya. “Excuse me?” masungit na anas ko. Hinila na ako ni Khai palayo roon. “Loko ang isang iyon, ah.” Umakyat na kami sa kuwarto niya. Tama, may sarili naman talaga siyang kuwarto, e. Hindi ko nga lang kung saan. “Dito tayo, Francine,” aniya at binuksan niya ang isang pinto. Bumungad sa amin ang malaking silid, kapareho lang ang theme nito sa room niya na nasa house nila. Nauna na akong pumasok sa loob. Nakita ko na nga roon ang mga anak namin. Nakahiga na si Florence, nakaupo naman ang kuya niya at hinahaplos nito ang buhok ng kapatid. “Zai,” sambit ko sa pangalan niya. Nang bumaling siya sa amin ay may ngiti na sa labi niya. “Akala ko po ay hindi na kayo susunod sa amin, Mom, Daddy,” sabi niya. Lumapit na kami sa kanila. “Puwede ba iyon, kuya? May fever ang baby sister mo, e.” Humalik ako sa noo niya saka ko tiningnan ang bunso namin. “Suwail,” naiiling kong saad. Mahina ko pong pinitik ang noo niya. Gumalaw naman ang talukap ng mga mata niya at dahan-dahan na nagmulat. “M-Mommy? Masakit po ang ulo ko,” sumbong nito. Nakalimutan na yata niya ang sinabi niya kanina sa amin na hindi niya kami bati. “Sasakit talaga ang ulo mo kasi stubborn ka,” aniko. Tumulis lalo ang mapulang labi niya. “Ang bad mo, Mommy ha? I-Inaaway mo na naman po ako,” nakasimangot na sabi nito. Yumuko ako para patakan siya ng halik sa pisngi. Lumapit na rin sa amin si Khai at tiningnan niya rin ang kalagayan nito. Pinagdikit pa niya ang kanilang noo. “Get well soon, love. Sorry kung naglihim kami ng mommy mo. I don’t want to hurt you, because of your uhm, Daddy Calizar?” May pag-aalangan pa talaga siya na banggitin ang pangalan ni Calizar. “Uhm, it’s fine po. If magiging okay na kayo ni mommy. Always po kayong nag-aaway, e,” kunot-noong sabi nito. Napasulyap sa akin si Khai. “Huwag mo kaming alalahanin, Florence. Rest ka na muna.” Bumaba naman ako mula sa kama. Lumapit ako sa maleta at kumuha ako roon ng kool fever saka pink na face towel niya. “Inaantok ka na ba, kuya?” tanong ko kay Zaidyx. He looks sleepy na kasi. “Sa kabilang guestroom na tayo matutulog, son?” sabi naman ni Khai sa bata. “Here na lang po, Daddy. Sa sahig na lang po ako matutulog,” sagot naman nito. Wala talaga siyang reklamo. “Masakit higaan ang sahig, e. Tara, ihahatid kita sa kabilang guestroom.” Binuhat na niya ang panganay namin at ako naman ay inasikaso ko na si Florence. Inilagay ko na ang kool fever sa noo niya. Sinuri ko na rin ang temperature niya at parang tumaas lang lalo ang lagnat niya. Niyakap ko naman siya at sumandal lang ako sa headboard ng kama. Ganito ang madalas na ginagawa ko kapag nagkakasakit sila ng kuya niya. Mas gusto ko kasi ang akap-akap ko sila para naman malaman ko kung bumababa na ba ang fever nila o kaya naman ay mas lalong tumataas. Naramdaman niya ang pagyakap ko kaya isinandal niya rin ang pisngi niya sa dibdib ko. Marahan kong hinahaplos ang palad niya para painitin iyon. Nanlalamig na kasi, kahit na parang hindi naman siya nilalamig. Bumukas ulit ang pinto. Pumasok ang mag-ama, nasa bisig ni Khai si Zaidyx. Ibinaba niya ito kaya patakbong lumapit sa amin. “Mommy, wala pong spare room ang house ni Lolo! Lahat po ay naka-lock!” sabi nito at sumampa sa bed. “Talaga?” nagtatakang tanong ko naman. “Opo, Mommy. Nagpakuha na po si daddy ng key, but hindi po nila mahanap. Okay lang naman kung sa floor na lang ako matutulog, Mom.” I glanced at his father. Bumubuksan na nito ang cabinet para kumuha ng kumot. Hay, bahala na nga sila. “Mom?” My eyes turned to my child. “What is it, my son?” nakangiting tanong ko. Bahagya ko lang siyang niyakap, ayokong magdikit sila ng baby sister niya. Baka mahawa pa siya ng sakit nito. “I’m happy po na same lang kami ni Florence ng daddy. This was unexpected for me too,” aniya na may ngiti sa labi. “Yeah,” sabi ko lang. Inaayos na ng daddy niya ang higaan niya. “Hindi po ako galit sa ’yo, Mommy ha?” I just smiled at my son. “I love you po.” He even kissed my cheek. “I love you too, Zai,” I uttered.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม