CHAPTER 21

2125 คำ
Chapter 21: Not married “COME here, son. Matulog ka na. Maayos na ang higaan mo.” Bumaba naman sa bed si Zaidyx matapos nitong halikan ang pisngi ko. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa. Pinahiga na niya ito at kinumutan. Sumilip pa ako upang tingnan siya, kung okay na ba siya. “Mom, I’m fine. Don’t worry about me,” sabi nito nang mapansin na nakatingin pa rin ako sa kaniya. “Sleep well, my son,” nakangiting sambit ko. Nakangiting pumikit na rin siya. Hindi pa umalis sa tabi niya ang daddy niya, na parang pinagmamasdan pa ang pagtulog niya. “Si Zai, kahit saan mo siya patutulugin ay hindi siya magrereklamo. Basta ba komportable ang higaan niya.” Napangiti siya sa sinabi ko. Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Florence. Hinalikan ko ang sentido nito. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong tumayo siya. Mas naramdaman ko na ang presensiya niya tila sinasakop na kami nito. “Ako na ang magbabantay sa anak natin. You can sleep, baby,” he said. Napanguso ako. Ang kulit niya rin. Pinagsabihan ko na siya na huwag na niya akong tawagin na ganoon, but mapilit siya. Ibinaba ko na lang ulit sa bed ang baby ko. “Tatabi na lang ako kay Zai,” sambit ko at bumaba na rin ako. Humiga ako sa tabi ng panganay namin. Nang maramdaman nito ang presensiya ko ay nagmulat siya ng mga mata. “Mommy? Tabi ka sa ’kin?” inaantok na tanong nito. I nodded and kissed his cheek. Yumakap siya sa akin kaya iyon din ang ginawa ko. Alam ko naman na hindi pababayaan ni Khai ang anak namin. Kung kaya’t nang makaramdam ako nang antok ay hinayaan ko na lang din. Naalimpungatan lang ako na parang may umaayos sa kumot namin. When I woke up in the next day ay yakap-yakap ko pa ring natutulog si Zai. Maingat akong bumangon para hindi siya magising. Tumingin ako sa kama. Si Khai na lang ang nandoon, wala na si Florence. Tumayo ako upang gisingin siya. Dahil bagong gising pa nga ako ay umupo na muna ako sa edge ng bed. Malapit lang siya sa ’kin kaya nagawa kong abutin ang laylayan ng damit niya. Gusto ko mang hanapin sa labas ang baby na iyon ay hindi ako komportable sa mansyon ng lolo niya. “Khai, wake up,” mahinang sambit ko. Ang mukha niya ay nakaharap dito sa may side ko. Makikita ko na mahimbing talaga ang tulog niya. O baka naman ay napuyat siya kagabi? “Khai, hey!” Dinampot ko ang unan at binato iyon diretso sa mukha niya. Mahimbing man ang kaniyang tulog ay alam kong magigising din siya. Sa kababantay siguro kay Florence ay napagod siya. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya saka niya ako tiningnan. “Good morning.” Nakuha pa niyang bumati. “Where is Florence?” I asked him. Ngayon lang siya natauhan at tumingin sa katabi niyang higaan. “Sorry, hindi ko na namalayan pa wala na siya sa kama.” “Ano’ng oras ka natulog kagabi?” “It’s already 3 a.m, baby. Bumaba ang lagnat niya nang mag-one a.m na. Tulog pa ba si Zaidyx?” he asked at sumilip sa baba. Kung kausapin ako ng lalaking ito ay parang nagbalikan na kami, ha. “He’s still sleeping. Ilipat mo siya sa bed, then hanapin natin sa labas si Florence.” Sumunod naman siya sa sinabi ko. Nasa akto na siya na bubuhatin si Zaidyx ay nagising ito. “Good morning, son. Ililipat lang kita sa kama. You can go back to sleep again,” he said to him. Marahan na umiling lang ang bata at naglahad ito ng kamay sa ama. Inalalayan siya nitong makabangon. “Good morning, dad,” malambing na bati nito, halatang bagong gising dahil sa kaniyang boses. Lumingon ito sa akin. “Morning, mommy.” “Tara labas tayo, kuya,” anyaya ko sa kaniya. Naglahad ako ng kamay. “Si Florence po, mommy? Nasaan siya?” he asked me. Halatang nagtataka na hindi niya nakita ang baby sister niya. “Lumabas habang tuloy tayo pareho. Ang sutil ng kapatid mo,” aniko. Napatingin ako sa isang pinto. Siguro ay banyo iyon kaya dumiretso kami roon ni Zai. Mabilis nga nakasunod sa amin ang daddy niya. Ang gulo pa ng buhok niya, hindi man lang siya nag-abalang ayusin ’yon. Binuhat niya ang anak namin para lang iupo sa sink. Binuksan ko naman ang gripo. Sumalok ako ng tubig para ihilamos iyon sa kaniya. Parang alam na talaga ng isang ito ang gagawin namin. Hindi na kami nagtagal pa at agad ding lumabas. Hawak ko sa kamay ang aking baby boy. Napapatingin pa ako sa mga pinto na nadadaanan namin. Until now ay nagtataka pa rin ako na kung bakit naka-lock lahat ang guestrooms nila. I looked at Khai, nang mapansin niya ako ay nagawa pa niyang ngumiti. “Baka sinadya mo lang ang kagabi, right?” “What are you talking about, Francine?” he asked. Inakay ko si Zai na makalapit sa pintong dadaanan namin. Pinihit ko ito at talagang sarado nga. “Ah, naka-lock talaga iyan siya. Binubuksan lang ni lolo kung may bisita siya.” “Whatever,” I uttered and rolled my eyes. Una naming pinuntahan ang master bedroom ng lolo niya na nasa first floor lang ng mansion. Kumatok si Khai at wala namang sumasagot. Hanggang sa may dumaan na servant nila at tinawag niya iyon. “Nasa dining area na po sila, Sir,” sagot ng babae. Hinila ko na lang ulit si Zaidyx. Pero napahinto lang ako kasi ’di ko alam kung saan ang dining room nila. Nahalata naman iyon ng lalaking nasa tabi ko lang kaya siya ang nag-guide sa amin patungo roon. Sa laki ng mansyon ng lolo niya ay talagang maliligaw ako. Until we saw her, nakaupo niya sa tabi ng lolo ng dad niya. “Florence,” Khai called our daughter. Napalingon ito sa amin. Akala ko ay babati rin siya, pero nagawa niya kaming irapan. Napatiim bagang ako, napangiwi naman sa akin si Khai nang makita niya ang naging reaskyon ko. “Ang sarap kurutin sa singit,” naiiling na sabi ko. Lumapit na kami sa kanila. Bumati ang lolo nito, ganoon din naman ang ginawa namin. Bahagya along lumapit kay Florence. Hindi siya nakapalag nang hinipo ko ang kaniyang noo, pababa sa kaniyang leeg. Wala na rin siyang cool fever sa noo. Tinanggal siguro ni Lolo Barjo o ang servant nila mismo. “Mommy, don’t touch me,” narinig kong suway nito. Pinisil ko ang pisngi niya. “Tama ba ang ginawa mo kanina ha, Florence?” I asked her. Nang makita niya na seryoso ako ay napanguso na lamang siya. “Khai apo. Maupo na kayo para makakain na tayo ng agahan,” ani ng kaniyang abuelo. “Opo, ’lo.” Umupo ako sa kabila. Nagmano pa ang panganay kong anak sa lolo niya bago siya umupo sa aking tabi. Umatungal pa ang makulit na bata nang buhatin siya nito at ilipat dito sa amin. “Are you feeling better now, Florence? Hindi na ba masakit ang ulo mo?” Wala yatang balak magsalita ang bubwit na ito, kung hindi lang siya napatingin sa ’kin. “I’m good na po,” mahinang sagot nito sabay yuko at parang inaway namin siya. “Nauna ka pang nagising sa amin ng mommy at kuya mo, anak.” “And I’m a little bit disappointed to see you na hindi kayo nagtabi ng mommy ko last night,” komento nito. Feeling ko ay pumintig ang ugat sa aking sentido. “Florence,” mariin na sambit ko sa pangalan niya. “Sumusobra ka ng bata ka.” Binulong ko lang ang huling salitang binigkas ko. Dahil ayokong marinig kami ng ama ni Daddy Ry. “Daddy Khai.” Naghahanap na naman siya ng kakampi. Pinukulan ko nang masamang tingin ang daddy niya. Subukan niya lang kampihan ang baby na iyan, talagang sumusobra na ito. “Listen to your mom, love,” sabi niya rito. Mas lalong tumulis ang labi niya. Ilang sandali pa lang ay may nagdala na ng breakfast sa table at dahil naka-wheelchair lang ang kasama naming matanda ay inasikaso pa niya. Wala ring choice si Florence nang ako ang nagpakain sa kaniya. Mabuti na lang ay madali lang siyang gumaling. “Florence, bumaba ka ba mula sa hagdanan na iyon?” Hinintay ko na muna na mailunok ang kinakain niya, bago niya rin ako sinagot. “Nope. Nakita po ako ng servant ni lolo. Siya po ang umalalay sa akin pababa. Sorry, because nauna akong lumabas ng room, mommy. Huwag ka na pong magalit sa ’kin,” she reasoned out. Habang sinasabi niya iyon ay diretso ang tingin niya sa mga mata ko. “I’m not angry, baby,” I said to her and ’saktong nagtama ang mga mata namin ni Khai. Tumaas ang sulok ng mga labi niya. “Francine, hija. Ilang araw ba kayong mananatili rito?” tanong ni Lolo Barjo. “Uuwi rin po kami mamaya, lolo. Pinagbigyan lang po namin si Florence, kasi may sakit siya kagabi. But now she looks fine na po,” usal ko. Napayuko na lamang ang bubwit. “Saka po may kasalanan kami sa kaniya ng daddy niya,” I added. “But I want to stay here pa, mommy.” “You have classes, Florence. Malayo ang school niyo from here.” Hindi na nga siya nakasagot pa. After the breakfast ay pinunasan ko lang siya ng maligamgam na tubig saka ko siya binihisan. “You’re being stubborn, baby,” I said to her. Nakailang beses na siyang napanguso. “Sorry, mommy,” pa-cute na sabi nito sa akin. Tumaas lang ang isa kong kilay. “We’re going home today,” aniko. “Saan po? Doon sa condo natin ni Daddy Calizar?” Tumango ako, napakunot din ang aking noo. Dahil may pangalan na siyang bingkas after ng daddy. “Hindi po natin kasama si daddy?” “Sinong daddy?” nagtatakang tanong ko sa kan’ya at bigla na lang siyang ngumiti. “Ang daddy po namin ni Kuya Zai, mommy.” Muling pumintig ang aking ugat sa sentido. “Florence, bakit natin isasama ang daddy niyo sa condo natin? Hindi naman siya roon nakatira, ah. So, what are you trying to say, ha?” “You and Daddy Calizar are not married, are you? Because if you were married, you would sleep next to each other in bed. But ako ang katabi mo lagi, mommy. Then he was in another condo.” “Florence, saan mo naman nakuha ’yang pinagsasabi mo?!” sigaw ko at kasabay no’n ay bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Khai ang pumasok. Ang lakas nang kabog sa dibdib ko. “What happened? May ginawa ka na naman ba sa mommy mo, love?” he asked her. Nagkatinginan pa kaming dalawa ng anak ko. Matapang na sinalubong niya rin ang paninitig ko sa kaniya. “Dad, let’s go home!” sigaw na lamang niya at sa ibang direksyon naman siya umiirap. Hindi naman siya ganito, mabait siyang bata at masunurin. Siguro nga ay nagtatampo pa siya, dahil sa pagtatago namin sa katotohanan. “Nagbago na ba ang isip mo, Florence?” “I’m sorry, daddy. I’m just nagtatampo po kasi. Dahil same daddy kami ng kuya ko. But hindi ko naman alam iyon.” Humakbang palapit sa amin ang daddy niya. Naglahad agad siya ng kamay at binuhat na siya nito. Hinalikan pa ang pisngi niya. “It’s okay, love,” sabi niya. “Si Zai?” tanong ko naman. Siya lang kasi ang pumasok sa loob. “Nasa baba. Kausap niya si lolo. Puwede bang mamaya na tayo uuwi, Francine?” “At bakit mamaya pa? Bakit hindi ngayon?” tanong ko na may kasama pang pagtaas ng isa kong kulay. “Nag-e-enjoy kausap ni lolo ang anak natin. Bihira lang siyang bisitahin ng mga tito ko, especially dad.” I took a deep breath. Kung hindi ako papayag na mag-stay na muna kami here ay parang makokonsensiya naman ako. Matanda na ang kaniyang lolo at alam kong mas nag-e-enjoy na lang ito na kausapin ang mga anak at apo niya. Isa pa, kauna-unahang apo niya sa tuhod si Zaidyx. Anak mismo ng kaniyang apo. “O sige. Basta mamaya ay uuwi na tayo,” may pinalidad na saad ko. Nagtungo na lang ako sa banyo para makaligo na ako roon. “Where are you going, mommy?” tanong ng bubwit sa akin. “Maliligo lang ako,” sagot ko at tumingin pa sa kaniya. Nakikita ko na magiging spoiled siya sa daddy niya. Tsk.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม