CHAPTER 22

2225 คำ
Chapter 22: Little brats PAUWI na sana kami ngayon nang mag-request si Florence na kakain na muna raw kami sa fast food restaurant. Nag-crave daw kasi siya ng burger and fries. Magagawa ko naman siyang pigilan, sasabihin ko lang na magluluto ako sa condo ay hindi naman sasama ang loob niya. Pero nag-agree si Zaidyx, siya rin daw ay gustong kumain no’n. Dahil weekend naman ay pinagbigyan ko na lamang sila. Of course, nanghihingi pa si Khai ng permission ko na payagan ang mga bata. *** Hinihintay na namin ang in-order namin at ilang sandali pa lang ay nai-serve na iyon sa amin ng waiter. Si Florence ang katabi kong nakaupo at si Zai ay sa daddy naman niya. Ang panganay kong anak ay kaya na niyang kumain nang mag-isa. But gusto pa rin ng iba riyan na asikasuhin ito. “Mom, puwede po ba kaming mag-play roon ni kuya?” Napatingin ako sa itinuro niya. May arcade sa resto. Maraming mga bata ang naglalaro doon. Makikita iyon, dahil salamin ang pader. “Baka mabinat ka, Florence,” sabi ko. “Hindi naman po ako tatakbo roon, mommy. Gusto ko lang po makita,” she reasoned out. Tinanguan ko na lang siya. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha. Ang dungis niyang kumain, spaghetti kasi ang kinakain niya. Siya ang kusang magpupunas sa bibig niya at napapatingin pa rin sa arcade. Excited masyado. “Dahan-dahan, Florence. Hindi naman tayo aalis agad dito,” paalala ni Khai nang mapansin na niya ang bubwit. Pilit nitong inuubos ang kinakain, napupuno ang kaniyang bibig. Na parang may humahabol din sa kaniya. Si Zaidyx nga ay maingat lang siyang kumakain, hindi mo makikita ang sauce ng spaghetti sa bibig niya. Nang matapos nga siya ay nagpaalam na sa amin. Kahit hindi ko na sabihan ang kuya niya ay kinuha lang nito ang fries saka siya sinundan. “Francine,” tawag niya sa akin nang kami na lang ang natira ngayon sa table namin. “Bakit?” tugon ko naman nang hindi ko siya sinusulyapan. “Nasaan na pala ang kuwintas na may laman na singsing?” Nag-angat ako nang tingin sa kaniya. Bakit kaya biglaan niya itong naitanong? “Na kay Florence. Bakit mo tinatanong iyan sa akin?” curious na tanong ko. Curious din ako kung bakit may singsing ang pendant ng necklace na bigay niya noon sa akin. Plano niya kaya mag-propose? Pero bakit pa niya kami iniwan noon kung may plano na pala siya para sa pamilya namin? “Wala lang. Akala ko kasi ay tinapon mo na iyon,” sabi niya at hindi na lang ako umimik pa. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Hanggang sa marinig ko ang pamilyar na pag-iyak ng baby girl ko. Napatayo ako at nilingon ang arcade. Patakbong lumapit sa aming puwesto si Florence at siya nga ang umiiyak. “Mommy!” Parang nag-uunahan lang kami ng daddy niya na malapitan siya at maski ang kaniyang buhok na nakatirintas ay nagulo na rin. “Ano’ng nangyari, anak?” nag-aalalang tanong niya rito. Sabay pa kaming napaluhod at pareho niya kaming niyakap. “Florence,” I uttered her name. Kinabahan naman ako na baka nahulog siya o na-out balance sa kalalaro niya. “Mom, dad. Someone’s kissed my kuya on the cheek!” sumbong nito sa amin at humagulgol sa pag-iyak. Nagkatinginan kami ni Khai. Parang ito lang ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. “Nasaan ang kuya mo, baby?” malambing na tanong ko sa kaniya. Pinunasan ko ang luha sa kaniyang pisngi at inayos ko ang nagulo niyang buhok. Sa pinto ng arcade ay lumabas naman doon si Zaidyx. “Mommy.” “What happened, son?” Khai asked him. Sasagot pa lang sana ito nang may sumunod na lumabas. Isang matangkad na lalaki at pamilyar sa akin ang mukha niya. “Daddy, put me down!” sigaw ng batang babae na karga nito at nagpupumiglas pa. Kasing laki rin ito ng baby girl ko. “Sweetie, bad ang makipag-fight dito. Tapos sa mga bata na katulad mo pa,” sabi nito sa anak. Napatayo na rin kami ni Khai at buhat-buhat na niya si Florence na umiiyak pa rin until now. Parang nasaktan ang bata. Si Zaidyx naman ay sumandal sa akin at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. “I know! Hindi naman po ako nakikipag-fight sa batang iyon. Is just that. She pulled my—” Hindi na natapos ng bata ang sasabihin niya, nang may sumabat sa kaniya. “You kissed her brother that’s why, sweetie.” Kapwa kaming napasinghap ni Calystharia nang magtagpo ang aming mga mata. “Francine? It’s you, right?” It’s been four years, talaga nga namang napakaganda pa rin niya. Parang hindi man lang nag-mature ang face niya. Tapos, napatingin ako sa lalaking kasama niya. Si Sage na karga pa rin ang batang nagrereklamo. Malaki ang similarity nito sa kaniya, ngunit nakikita ko rin ang mukha ni Sage. Don’t tell me. . . “Khai, hindi ako na-inform na dalawa na pala ang anak niyo,” ani Sage. Halata sa kaniya na masaya siya sa nakikita niya ngayon. “Ako rin naman,” mahinang sambit ng lalaking katabi ko. Lumapit sa akin si Calystharia at nabigla ako nang nakipagbeso-beso siya. I’m not plastic naman, kahit dati ay masama ang loob ko sa babaeng ito. “Long time no see, Calystharia,” I said to her. “Yeah. So, naging okay na pala kayo ni Khai? After niya kayong iwan noon?” she asked. I don’t know kung ano ang isasagot ko sa kaniya. “O sumunod ka rin noon sa akin, Khai? Halos kaedad lang yata ng anak namin ni Divyne ang bunso niyo. Si Zaidyx, ang laki-laki na niya,” sabi ni Sage habang tinititigan niya ang mga anak namin ni Khai. “Kayo ni Calystharia ang nagkatuluyan?” I asked him. Ngumiti siya at tumingin sa babae. “Yes, bago pa man lumaki ang tiyan ng asawa ko ay nagpakasal na kami,” sagot niya. Umawang lang ang labi ko sa gulat. Kasal nga sila. Kung ganoon, hindi sila nagkabalikan noon ni Khai? Iyong first birthday ng panganay namin ay buntis na noon si Calystharia? Kasi sabi nga ni Sage, baka same age lang ang anak niya sa bunso namin. Nagbibiro lang ba sila dati iyong kasama nila si Zaidyx? Higit na dumami ang tanong na gumugulo sa isip ko. I want to ask him, ngunit hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula. “Madalas ba kayong magkita ni Khai?” Hindi lang si Calystharia ang tinanong ko. Kundi maging ang asawa niya. “Bihira lang. Madalas ka naming tinatanong sa kaniya, kung bakit hindi ka niya isinasama kapag nagkikita kami. But I believe na okay na ang relationship niyo ni Khai, sana. Isa ako sa hindi sang-ayon sa plano niyang pag-alis noon,” mahabang saad niya. “Binibiro ko siya dati, na kaya hindi ka niya isinasama ay dahil hindi na kayo nagkabalikan pa,” natatawang sabi pa ni Sage. Tipid lang akong napangiti. His wife gasped, when she saw my ring finger. “Ang daya mo naman, Khai! Ikinasal na pala kayo ni Francine. But you didn’t invite us?!” “Yeah, she’s already married. But not to me,” mahinang saad ni Khai, sapat na upang marinig iyon ng iba naming kasama. Napahinto pa silang dalawa at napatakip sa kaniyang bibig si Calystharia. “What?!” she shouted. Dahilan na napatingin sa kaniya ang lahat ng customer. Inaya na lang kami pabalik ni Khai sa table namin, kandong-kandong na niya si Florence. Na masama pa rin ang tingin sa bata. Ganoon din naman ang ginagawa nito. Si Zai ay tahimik lang sa tabi ko. “You can’t deny the fact na anak niyo pa rin naman itong nakaaway ni Calyselle. What’s your name, baby?” Sage asked my daughter. “Khairra Florence po,” sambit nito sa pangalan. Kitang-kita ko naman ang pag-ikot ng mga mata ng anak nila. Nang makita iyon ni Sage ay pinagsabihan niya ang bata. “Sweetie, don’t be rude at her. Ang daddy at mommy niya ay kaibigan namin ng mommy mo,” pangangaral niya rito. “Pangalan pa lang ay alam na kung sino ang ama,” komento naman ni Calystharia. “Anyways. Sino pala ang naging asawa mo, Francine? Parang gusto ko na lang na isa itong panaginip. Hindi puwedeng hindi kayo nagkatuluyan. Dahil napilitan lang naman si Khai na iwan kayo noon—” “Calystharia,” marahan na sambit ni Khai sa pangalan nito. Nilingon ko naman siya. “Ano’ng napilitan ka lang?” naguguluhan na tanong ko sa kaniya. Mariin lang nakatikom ang bibig niya, parang ayaw niyang magsalita o sabihin sa akin ang tinutukoy ng ex-girlfriend niya. “Mayroon ka pa bang tinatago sa akin, Alkhairro?” Bumuntong-hininga siya at umiling. “Wala. Don’t mind that, Francine.” Matagal ko pa siyang tinitigan. Alam kong may inililihim pa siya. Ayaw niya lang sabihin. Pero gusto kong ako na lang ang aalam doon. Madidiskubre ko naman ang totoo. “Siya nga pala, sorry sa ginawa ng anak namin, Khai, Francine. Itong si Calyselle namin ay hinalikan sa pisngi ang panganay niyo. Ang bait niya, dahil hindi man lang pumalag ang bata. Kaso nakita ng overprotective niyong bunso. Hinila niya ang buhok ni Calyselle, tapos gumanti naman ang isa. Ayaw magpatalo, e,” paliwanag niya at napapailing sa nangyari sa dalawang batang babae. I looked at Florence, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbago ang tingin niya sa bata. “Florence, bad ang manghila ng buhok,” aniko. Napapasinghap na tiningnan niya ako. “Mom, she started it naman. Ni-kiss niya ang kuya ko without his permission,” pangangatwiran nito na parang sinasabi niya tama naman na siya. “I just kissed your brother sa cheek niya. OA ka lang,” sabat ng bata na mas lalo lang ikinagalit ng anak ko. “I’m not OA! Mas bad ang manghalik ng bata!” sigaw niya rin pabalik. “Why are you so angry ba? Even your kuya ay hindi naman siya nagreklamo! Parang ikaw ang ni-kiss ko, ah?” “Kung bakit kasi hinalikan mo ang kuya ko?!” Halos maiyak na si Florence. Pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya. “Because I like him! Happy?” “Of course not! Look mom, dad! Akala naman niya ay oldy na siya para mag-like-like!” “Walang bad doon, ah! Ikaw naman ang hindi ko gusto.” “The feeling is mutual! Hmp!” “Hmp!” Hindi na nga kami nakapagsalita pang apat, dahil talagang hindi kami makasisingit sa batuhan nila ng mga salita. Na akala mo naman ay mga matatanda na rin. “Okay, stop na. Enough na, okay? Tama ba naman ang mag-away kayo rito? Ang daming customer, oh,” sabi ni Sage at itinuro pa niya ang mga tao. Si Calystharia naman ay mukhang stress na sa awayan ng mga bata. Hindi na sila maawat-awat pa. “Francine, hindi ko naalalang nag-away tayo five years ago. Just because may ginawa si Khai. But look at them. Si Zaidyx lang ang pinag-awayan nila, parang boyfriend na nila,” hindi makapaniwalang saad niya. Ako naman ay napatango. “Mommy!” matinis ang boses na sigaw ni Calyselle. “Alam kong maldita ako noon, pero mas grabe pala ang attitude ng anak mong iyan, Sage. Saka hindi ako nanghahalik ng bata,” she said. Lalong napasimangot ang bata. “As far as I remember, noong nagkakagusto pa sa akin si Francine ay never naman siyang naging bayolente sa ’yo, Calystharia. Pero ang anak namin. Kuya niya lang, galit na galit na siya.” I glared at Khai. Tama ba namang sabihin pa niya iyon? “Mahirap yatang pagbatiin ang dalawang ito,” saad na naman ni Sage. “Isip bata kasi,” I uttered. “Mommy!” tawag sa akin ni Florence. Nagrereklamo. “Makipagbati ka kay Calyselle at mag-sorry ka sa kaniya,” aniko. “You too, sweetie.” “No!” sigaw nila pareho. Hindi namin sila napilit, parehong nagtatago sa ilalim ng leeg ng kanilang mga ama. Sa huli ay kami lang ang sumuko. Pasasaan ba’t magkakasundo rin sila. Nakasakay na sila pareho sa kanilang sasakyan, kami na lang ni Calystharia ang hindi. “Francine, next month pala ay birthday ng asawa ko. Sana dumating kayo ni Khai, kahit na.” Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa maganda niyang mukha. “Sure, darating kami,” anas ko. “Pero, nanghihinayang pa rin ako, Francine. Dalawa na ang baby niyo, kami rin ni Sage. Actually, buntis ako. Iyon sana ang gift ko para sa kaniya. Secret na muna natin, ha?” Sukat doon ay napangiti ako. “Congratulations, Calystharia. Saka sorry sa nangyari five years ago,” sincere na wika ko. “Nah, wala na iyon. Besides masaya na ako sa family ko ngayon at napatunayan ko talaga kung sino ang lalaking mahal na mahal ko,” nakangiting sambit niya. Yumakap siya sa akin, kung kaya’t gumanti naman ako. Hanggang sa ibinulong ko sa kaniya ang isang secret na wala pang nakaaalam, maliban sa best friend ko at sa dalawang mommy ko. Nagulat siya, na akala mo ay big deal ang sinabi kong lihim na hindi pa alam ni Khai. “I’m not married yet, Calystharia. Alam iyon ni Florence.”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม