Chapter 23: Marriage “HMM, matalino nga ang baby girl mo, Francine. But I’m glad na hindi ka pa pala kasal.” “I was,” sabi ko na ikinahinto niya. Nagtatakang napatingin na naman siya sa akin. Na tila may kakaiba at hinahanap niya iyon. Ngumiti ako sa kan’ya. “Marami pa tayong oras para pag-usapan ’yon, Calystharia.” She just nodded, humalik siya sa pisngi ko. Satisfied sa naging sagot ko. “But still, Francine. I’m rooting for you and Khai. I think, hindi pa kayo nagkaroon ng closure. Try mo, try mong bigyan ng chance si Khai. Huwag mong hayaan na lumaki ang mga anak ninyo na hindi kayo buo. Believe me, mahirap ang ganoong situation. I’ve been there. 8 years bago ko nakilala si dad, nasaktan ako noong nalaman ko ang totoong dahilan kung bakit niya iniwan noon si mommy. Ayoko maranasan d

