Chapter 34 “KUYA, pasakay,” sambit ni Seth saka niya binuksan ang pinto sa backseat ng sasakyan ng kuya niya. Bago pa man siya makasakay roon nang may humila sa laylayan ng shirt niya upang pigilan siya. “Kuya, doon ka kina dad at mommy. Ako po riyan,” sabi ng bunso nilang kapatid. Si Jesselaine at nakipag-agawan ito sa pagsakay na humarang naman ang malaking katawan ni Seth. “Jess, si kuya ang nauna. Doon ka na lang sa kabila.” “Ako rin po, sasabay kina ate at kuya, Kuya Seth,” singit naman ng baby sister ko, si Pressy. Hawak-hawak na nito ang maliit niyang unan at may headphones pa nga siya. Napatingin naman ako sa katabi kong si Khai, kunot-noong tumingin din siya sa mga kapatid namin. “Ate, sabay na rin po ako sa inyo.” Mas lalo lang lumalim ang gatla sa aking noo. Maging si Co

