Chapter 35: Garden wedding NAGISING na nga akong mag-isa sa loob ng room at base pa lang sa mga gamit ay sure ako na kay Alkhairro ito. Besides saan pa ba niya ako gustong mag-rest kung hindi sa room niya? Pamilyar na rin naman sa akin ito, dahil minsan na ako nakapasok dito. Mayroon pa nga siyang picture dito. Nagtungo ako sa veranda at napataas ang kilay ko nang makita ko na abala siya sa baba. Malinaw kong nakikita rito ang garden nila at may malaking greenhouse pa sila. Nakita ko rin mula sa kinatatayuan ko si mommy, katabi nito si mommy ninang at parang sila ang sinusunod ng mga servant. Napailing ako nang ma-realize ko kung ano ang nangyayari sa baba. Hinanap ng mga mata ko sina Zaidyx at Florence, hindi ko nga lang sila makita. So, I decided na bumaba na lang. May napapadaan

