CHAPTER 10

700 คำ
Charmane's POV Umupo si Ken sa dulo ng kama kung saan ako nakahiga. Marahan nyang sinuklay ang kayang buhok at ilang beses bumuntong hininga. "Kelan pa Charmane? Kelan ka pa nakakaramdam ng ganyan?" tanong nya, ramdam naman sa presensya nya na masyado syang problemado. "Nagkaganito na ako noon, pero akala ko normal lang kase nawala rin naman—" "At hindi ka nag abalang sabihin sa'kin? f**k!" "Ken hindi k-ko naman alam" "Kahit na. Tangina Charmane. Sa lahat ng pwedeng humadlang sa'tin yang sakit mo pa? Yang sakit mo na hindi ko kayang labanan. Charmane please. Please fight. Fight for me, for yourself, for your family and friends, for us. Please" nagmamakaawa nyang saad puno ng emosyon. "Ayokong mawala ka. I can't lose you, not now not ever" he added with a broke voice. Para sya ng negosyanteng napilayan ng paa at hindi malaman ang gagawin. Napailing na lamang ako. Malamang sa malamang ay hindi ko rin kakayanin. Masyado ng huli. Napakuyom naman ang kanyang kamay at matiim na tumitig ng deretso sa mga mata ko. Ang kaninang parang galit at napipikon nyang tingin ay kababakasan ng panlulumo, sakit at pagmamakaawa. "Charmane, baby, please? Take medication. You want me to beg for it? Just tell me, I will do it. Baby just fight. Kakayanin mo okay? Kasama mo ako hindi kita iiwan. Pangako ko yan. Lumaban ka lang nakikiusap ako" pagsusumamo nya. "Ken tanggapin na natin. Kung mamatay ako mamatay ako. Hindi natin pwedeng pigilan yon. Kung hanggang dito na lang ako pare-pareho na lang nating tanggapin. Ken ayokong magsayang tayo parepareho ng lakas. Ayokong umasa kayo sa wala." "Damn it!" "No Charmane. You'll take medication. Lalaban ka. Hindi ka mamamatay. Hindi. Tangina naman Charmane wag ka namang mang-iwan. Hindi ako si Ken kung wala ka, naiintindihan mo ba? You complete me. Pano ako kapag wala ka na? Hindi pwede. Lalaban ka okay? I'm with you. Please." "Ken natatakot ako." I broke down in tears. He held my hand and wipe my tears. Natatakot ako mamamatay. I want to be with my family for a very long time. Gusto ko pa magkapamilya kasama si Kendrick. Mahirap bang tuparin yung gusto ko? Talaga bang hanggang pangarap na lang ang pagkakaroon ng masayang pamilya kasama ang lalaking pinapangarap ko? Wala na ba talaga akong pag-asa? Nawawalan na ako ng pag-asa. Pano ang mga kapatid ko? Ang magulang ko? Yung mga kaibigan ko? Pano? Natatakot ako sa lahat. Parang ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng takot. Takot na kahit kailan ay hindi ko hiniling at pinangarap maranasan. He kissed me with full of emotions, I kissed him back. We share our kisses with full emotions coming from our heart. "We'll use my private plane. Pupunta tayong ibang bansa, magpapagamot ka, magpapagaling." puno ng pag-asa nyang saad. Natatakot akong mas masaktan lang kita sa huli Ken. You don't deserve this. Kukunin nya sana ang cellphone nya para tumawag ng pigilan ko sya. "Hindi ko pa kaya" Hindi pa nag si-sink in lahat saken. Kakakita ko pa lang sa doctor kanina at ganito ang naging kinalabasan. Puro sakit, puro hindi magandang emosyon. Natatakot ako na baka kapag nakaharap na naman ako sa doctor ay kung ano ano na namang malaman ko. Hindi pa ako handa. Bumuntong hininga si Ken dahil sa pagpigil ko sa kanya. Tipid naman akong ngumiti. Nakatulugan ko na ang pagiyak kanina. Nagising ako ng gabi na. Nakaramdam na rin ako ng gutom. Bumaba ako sa salas at doon ko nakita si Ken na kasalukuyang nanonood ng tv. Tumabi ako sa kanya at yumakap ng mahigpit. Bagay na hindi ko na magagawa kapag nawala na ako. May kung anong kirot sa puso ko dahil sa isiping iyon. "Nagugutom na ako, ako na magluluto saglit lang naman e" bakas ang pagtutol sa mata ni Ken pero wala na syang magagawa dahil dumiretso na ako sa kusina at inumpisahan ang pagluluto. Nang matapos ko ang pagluluto ay inayos ko ang hapagkainan. "Ken halika na" pagtawag ko dito. Pero bago pa man ako makaupo para dulugan ang hapagkainan ay nakaramdam ako ng pagkahilo at matinding pagsakit ng ulo ko. Naramdaman ko pa ang pagbagsak ng katawan ko sa kung saan. And everything went black.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม