PROLOGUE
"Yeah andyan na nga, papasok na ako oh" binaba ko ang telepono ko.
Si Ken. Kahit sino naman siguro magkakagusto sa kanya lalo na kung makikilala sya ng mabuti. He's a nice man kaso mukang walang balak mag settle down at bumuo ng pamilya.
He f**k every woman he wants pero hanggang don lang yon. After one night, kakalimutan nya na lahat ng nangyari even the girl he f****d.
Kahit sabihin na ganyan sya hindi ko sya magawang iwan. Madami syang ine-entertain na babae pero sa'ken pa rin sya paulit-ulit na umuuwi at sumusunod. I don't want to assume anything pero hindi ko maiwasan dahil sa minsang kakaibang kilos nya, isama mo na rin ang katotohanang gusto ko sya to the point that I'm willing to do and give everything for him. Ang hirap nyang basahin. Hindi ko talaga lubusang maintindihan kung anong tumatakbo sa utak nya.
I sigh before I open his room. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa'ken ang isang babaeng nagmamakaawa pa kay Ken.
"Ken please, I can do better. Willing akong matuto pa wag mo lang akong iwan"
"Malinaw naman yung usapan natin diba?"
"Pero Ken"
"Oh baby" salubong saken ni Ken.
Sanay na ako sa ganito. Wala kaming relasyon ni Ken pero laging ako ang sumasambot sa kanya tuwing malalagay sya sa ganitong sitwasyon.
Paulit-ulit pero hindi ko sya magawang tanggihan.
"W-who are you?" ani ng babae
"I'm his girlfriend. You can go now"
Bakas ang pagtataka at pagkagulat sa magandang muka nung babae, pinulot nya ang damit nya, inayos ang sarili at nagmamadaling lumabas ng silid.
"Thanks for that baby" saad ni Ken at hinalikan ako sa labi.
"Kelan ka ba kase magtitino?"
Nagkibit balikat lang sya.
"Makakailang beses pa ba ako pupunta sa mga hotel para sa mga babae mo bago ka tumino?" napailing iling na lamang ako.
Kailan ka ba magbabago?
"Gutom na 'ko, kain tayo sa labas?" Suhestyon nya.
Naligo sya at inayos ang sarili.
Bukod sa pagkain ay namasyal na rin kami.
May chance kaya na magkatuluyan kami ng lalaking 'to? Pft.
Asa ka Charmane.