UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 41 Daniel’s Point of View “Anong nangyari nang nahuli kayo ng Papa mo?” “Binubog kami ni Janine. Sinaktan niya ako na halos patayin na niya ako.” “Kaya pala andami mo pa ring galos at pasa sa mukha. Hayan nga’t parang basag pa yata ang labi mo at nangingitim pa ang mata at pisngi mo.” Tumango ako. “Okey lang naman na saktan ako ni Papa. Matatanggap ko naman ang mga pananakit niya kasi kasalanan ko naman talaga dahil hindi ko nagawang sundin ang gusto niya, kaso nadamay pa si Mama.” Muli, naglakbay ang masaganang luha sa aking pisngi. Para kasing nakikita ko pa rin si Mama. Huminga ako ng malalim para maipagpatuloy ko lang ang aking kwento kay Rizza. “Nang pababa na ako sa hagdanan dala ang aking mga damit, bigla akong binigwasan ni Papa,

