UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 42 Daniel’s Point of View “Dapat. Ngayon, kahit hindi mo ako gaano pa kakilala, mangako ka sa aking magtatagumpay ka. Estranghero ako sa'yo ngayon ngunit kung ang pangako mong iyan ay bukal sa iyong kalooban at gagawin mo hindi dahil nangako ka sa akin kundi instumento lang ako para masabi mo sa iyong sariling may patutunguhan ang buhay mo." Sa narinig kong sinabi ni Rizza ay nabubuhayan ako ng lakas ng loob. Parang muling lumiwanag ang aking tinatahak na landas. "Salamat po." Maikli kong sagot sa haba ng kaniyang mga ipinayo sa akin. "Huwag kang magpasalamat. Mangako ka sa akin." "Pangako ho." "Tanggalin mo nga yang "ho"na 'yan. Pakiramdam ko lalo akong tumatanda. Napangiti siya. Napansin kong napakaganda nga niyang talaga, parang hindi p

