UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter CINDY’s Point of View "Hi there, kung gusto mo ng kaibigan, accept mo friend request ko. Usap tayo." Ganoon lang kasimple ang iniwan kong message. Naniniwala kasi ako na kung interesado ang tao kokontakin at kokontakin ka pero kung hindi interesado kahit pa gumawa ka ng isang libro o kaya ay uulanin mo siya ng lahat ng contacts mo, hinding-hindi ka papansinin. Bago ako mag log out para matulog na nang biglang may pumasok na message sa inbox ko. Binuksan ko muna bago matulog. "Daniel here...online ako ngayon. I just need someone to talk to…" Inayos ko ang pagkakaupo ko sa harap ng aking laptop. Bago sa akin iyon. Walang kalibugang chat kahit naka-bra at panty lang ako sa ginamit kong pic ngunit putol ang mukha ko. Huminga ako nang malal

