UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 48 CINDY’s Point of View Nakikipaglaro ako. Naghahanap ng kakamot sa aking kakatihan. Puwedeng makipag- one night stand pero huwag muna sa relasyon. Hindi na muna ako nangmahal ng basta-basta. Iwas ako sa lalaking kagaya ng dalawa kong nauna. Gusto kong masubukan sa mga may trabaho at pinag-aralan. Hindi lang dapat gwapo, dapat may career. Iyon talaga kasi ang mali sa akin, madali akong nagtitiwala. Masyado kong binabase ang pagmamahal ko sa hitsura. Nguni tang nangyaring iyon sa akin kina Mark at Raymond ay nagbigay ng kakaibang pagkahilig sa s*x. Hindi ko alam pero parang napakasarap na lang makipaglaro. Yung ako naman ang mang-iwan. Magpahabol. Gusto kong manakit. Gusto kong maranasan din ng lalaki ang maiwan at masaktan. Halos dalawang taon

