UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 48 Daniel’s Point of View “Wala pa tayong formal break up ah. Ako pa rin dapat.” “Do we still need it?” “Yes.Technically, tayo pa rin.” “Relationship has no contract. Kasal meron pero ang relasyon lang, wala? Nawala ka ng tatlong taon, formal break up pa rin ang iniisip mo?” “Walang ngang kontrata ang relasyon ngunit may sinasabi tayong paninindigan. Sana kahit iyon lang nagkaroon ka.” “Ikaw ba Daniel, nanindigan ka para sa akin? Huwag mo akong sinasabihan ng paninindigan dahil ikaw mismo, hindi mo naipakita ‘yon. Wala ka no’n. Lalaki ka pero wala kang bayag!” Natahimik ako. Bakit ngayon parang kahit saang anggulo talo ako. Ito ba ang sinasabi ng lolo ko sa akin na kung talagang kamini Janine, maghihintay siya at magiging kami rin sa h

