#TPSKKabanata10 First Kiss “V, it’s night.” “Oh, tapos? Ano naman?” saad ko kay Grant at binuksan ang pinto ng front seat ng kotse niya. Napapakamot sa buhok na umiling lang siya at kinuha ang backpack ko para ilagay sa backseat. “Gabing-gabi pero naka-shades ka?” puna niya sa akin nang makasakay na siya sa driver’s seat. Nag-indian seat ako matapos maikabit ang seatbelt ko. “Bakit? May batas bang bawal mag-shades kapag gabi na, Grant Voltaire?” Mahina siyang tumawa at pinaandar na ang kotse niya. “Did you cry?” “Hindi ah!” todo pagtanggi ko at sinamaan pa siya ng tingin na siyempre hindi niya naman nakita dahil sa suot kong shades. “Ba’t kasi hindi ka pa sumabay kanina kina Froilan? Mas mahaba sana ang moment n’yo ng bestfriend mo.” “Hindi ko kailangan ng mahabang moment k

