#TPSKKabanata11 Boyfriend OCTAVIA ‘V’ “Why aren’t you opening your cam?” “Nagbibihis pa ko, kumalma ka diyan.” “I have something to say, V.” “Ano ‘yon, D? No need mo na akong sagutin sa ticket ah. Si Neil na daw bahala sa ticket naming dalawa. Kailan ba dating mo? Baka pwedeng mas maaga ka, aangkas kita kay BB ko–” “V, I can’t come this summer.” Natigil ako sa pag-aayos sa lintik na neckline ng crop top na binigay sa akin ni Tita Maribel noong nakaraang buwan pa pero ngayon ko lang masusuot. Pinaresan ko ‘yon ng leather pants. Binuksan ko ang webcam ko at bumungad sa akin si Dos na akala mo nasa Pilipinas at hindi nakakaramdam ng lamig sa kinaroroonan niya. “Anong sabi mo?” “The f*ck, Octavia Blaire, what kind of clothes is that?” Magkasabay pa naming sabi. Naupo ako sa harap

