#TPSKKabanata12 Injured OCTAVIA ‘V’ “V, you can play other sports while you’re recovering. How about chess? You’re good with that, natatalo mo nga kami lagi ni daddy doon eh.” Hindi ko pinansin si Kuya Owen at nanatili ang tingin ko sa labas ng kwarto ko dito sa hospital. Pang-ilang araw na ba akong nandito simula nang magising ako sa aksidenteng ‘yon? “V, you should eat. Sabi ng doktor, hindi ka mapapayagang umalis dito sa hospital kung maggaganyan kang bata ka. You need to recover so you can start with your therapy. I asked Manang to cook your favorite, it’s Nilaga right?” malambing ang boses ni Tita Maribel na hinahaplos pa ang buhok ko pero umiling lang ako. “Wala akong gana, Tita.” “Hindi nga kasi pwedeng ganoon, hija. Do you have any food you want to eat?” Umiling lang ako

