Tanghali na ako bumangon ngayon wala naman pasok kaya okay lang. Nag inat-inat muna ako bago tumayo sa kama. Mula dito sa kwarto rinig ko na may nagsisibak ng kahoy sa likod bahay. Hindi naman siguro si Tatay 'yon tanong ko pa sa sarili. Bawal kay Tatay ang mabigat na trabaho kaya naman mabilis kong inayos ang kama ko saka bumaba hindi na ako nag abala pang magpalit ng damit medyo mahaba naman ang over sized tshirt kong suot na umabot pa sa kalahati ng mga hita ko. Bumaba na ako para maghilamos maaga yata sina Nanay ngayon pero imposible wala ang tricycle sa labas ng silipin ko yon pero sino kaya ang nagsisibak ng kahoy sa likod pumunta muna ako sa kusina para magtimpla ng kape saka ako kumuha ng favourite ko na chocolate sa ref saka ako naglakad papunta ng likod bahay. "Wow!" Bulalas ko

