"Welcome back Chef D!" Bati nila pagdating ko sa restaurant kinaumagahan. "Mag kwento ka naman Chef D!" Tukso pa ni Leyana na sinabayan pa nila ng hiyawan. "Ano naman ang ikukwento ko aber!" Nakataas pang kilay na tanong sa kanya. "Alam mo, na 'yon Chef D," natatawa pang buska ni Luzminda. "Chef D, iba ang aura mo today. Mukha kang bagong dilig este ligo pala!" Turan naman ni Emelda. "True! Tumpak! Fresh pa sa lumpia!" Sang-ayon pa ni Kevs. "Emelda, kung ikaw ang diligan ko d'yan, gusto mo?" Tumawa lang naman ito. "Guys! May napapansin ba kayo?" Tanong ni Lyn Joy ang pinaka-observer sa Marites. Kunot noo pa namin syang tinignan. "Napapansin na ano?" Takang tanong ni MD. Gamit ang labi nginuso ni Lyn Joy si Kristine kaya naman napatingin kami kay Kristine "O-oh b-bakit kayo naka

