7:

1293 คำ
"CHAROT neto! May tao bang hindi magagalit kapag nag-cheat sa kaniya ang asawa niya?! Hoy! Teka lang! Hintay!" Habol ni Sabina sa dati niyang boss. Pagkatapos kasing um-English nito ay tinalikuran na lang siya basta. "Lakad na, mainit na sa balat ang araw," tanging sambit ni Arbor. Malalaki ang hakbang na hindi na siya nilingon. Hindi talaga siya tinulungan ng lalaki sa bitbit niya! "Oo nga pala, ako ang may-ari ng resort na 'to. Feel at home ka lang kahit na may mga guest. Public naman kasi 'to." "Ikaw ang owner nito? E, ba't ka pa napunta sa Bora?" "Isa 'to sa matatandang negosyo ko," tugon sa kaniya ng CEO. "Saka may personal akong rason kaya ako nasa Bora. Huwag mo nang alamin kung bakit." "E 'di 'wag! 'Pakasungit neto!" "Habang nagre-reflect ka or soul searching sa loob ng two weeks na sinasabi mo, bawal ka nga palang ma-in love sa 'kin ha," ani pa ng CEO, hindi pa rin siya nililingon. "Sino naman ang mai-in love sa lalaking may asawa? Kilabutan ka nga!" Inikutan niya ito ng mga mata kahit hindi naman siya nito nakikita. "Gusto ko lang na malinaw tayo. Mahirap ang love, complicated." "Sus! May nalalaman ka pang complicated! Kung meron man dapat na hindi ma-in love sa 'ting dalawa ay ikaw 'yon 'no! Ikaw 'tong hindi na libre." "Rest assured na hindi ako mapo-fall sa 'yo. Sana ay gano'n ka din." Nilingon na siya ni Arbor. Seryoso siyang pinagmasdan. Ayaw talaga yata nitong ma-fall siya rito. Napakasuwerte naman ng asawa nito—hindi pa rin pala, nag-cheat na kasi ito. Tumikhim si Sabina, bigla kasing parang may kung anong bumara sa lalamunan niya nang maisip niyang ang suwerte ng asawa nito. Hindi niya alam kung bakit o saan galing, pero puwede naman siguro niyang isipin na latak yata iyon ng panghihinayang. Hindi nga ba't kung hindi siya ginago ni Baron ay isa na rin siyang 'wife' sana? Oo, tama. Iyon lang iyon. "Walang mapo-fall. Noted." Sumaludo pa siya sa dati niya boss, para maselyuhan niya rito ang kaniyang sinabi. "Maging mabait ka din sana sa mga taong narito." Inirapan niya ito. "May nabalitaan ka bang inaway ko sa company mo?" "Iba ka noon sa ngayon." "Anong—anong iba?! Hoy?!" Kandahabol na naman siya sa lalaki. Natigil lang siya sa mabilis na paglalakad nang may sumalubong kay Arbor na matandang babae at mga obvious naman na tauhan ng resort na iyon. Nasa halos sampung katao rin. "Hijo!! Talaga palang darating ka! Aba't nakakagulat naman at nakakatuwa," anang matandang babae kay Arbor. Maliit ito, medyo mataba, salt and pepper na ang buhok. "Manang Vida, sabi ko naman ho sa inyo ay darating ako ngayong umaga. Na-late lang ako ng isang araw at may hindi nga pala ako inaasahan na bisita," Lumingon sa kaniya ang dati niyang boss, "si Sabina nga po pala." "Magandang araw ho," bati ni Sabina sa matandang babae. Napangiwi nga lang siya nang hindi nito tanggapin ang pakikipagkamay niya. "Naku, may nadalaw na naman na magandang bisita dine sa resort!" Sinalo ang palad niya ng lalaking singkit ang mga mata, may dimple, moreno at mataas. May katawan itong halatang hitik sa gawain na mabigat. "Ako nga pala si Egoy, miss?" "Sabina," sansala naman niya, may kiming ngiti sa kaniyang labi. "Si Egoy ang isa sa mga helper ng resort," ani Arbor, tumikhim, dahilan upang bitiwan naman ang palad niya ng lalaking binanggit nito. Tipid lang siyang tumango. Sa kumpol ng mga taong pinakilala sa kaniya ni Arbor ay ang babaeng maliit, nakatirintas ang mahabang buhok ang pumukaw ng kaniyang pansin—pasulyap-sulyap kasi ito sa lalaking nagdala sa kaniya roon. Pati pala si Manang Vida, kapansin-pansin na hindi siya gusto ng matandang babae. Sabagay, e hindi naman kasi siya ang asawa ni Arbor. Ipinagkibit-balikat na lamang ni Sabina ang mga bagay na iyon. Bakit naman siya mababahala? E siya nga itong nagpumilit na sumama kay Arbor. "KAYANG-KAYA naman nating magawan ng paraan na makuha sa kaniya ang recorded audio na iyon. Nabalita naman na sa 'kin ni Leighjan ang tungkol do'n." Bumuntonghininga si Arbor. "Hindi ko sinabi sa 'yo dahil gusto kong hayaan na muna siya sa mga nais niyang gawin." Mahahalata ang pagtutol sa mukha ng kaniyang right hand man na si Jacob. Hindi niya alam kung kilala ni Sabina ang kaniyang mga security men. Siguro ay hindi. Hindi naman kasi katulad sa ibang security men ay hindi required kay Jacob at sa tatlo pang kasama ang sundan siya sa kung saan siya magpunta. Hindi niya gusto ang ganoong sistema. May tracking device lang ito upang malaman kung nasaan siya o kung safe ba siya. Sa totoo lang, mas ang company niya nga ang binabantayan ng mga ito. "Ikaw ang bahala. Ikaw naman ang boss. Ayaw ko lang na para kang naba-blackmail sa nangyari. Kung tutuusin ay maliit na bagay lamang ito na napakaraming p'wedeng gawin upang matrabaho nang hindi niya nga halos namamalayan." "Oo naman. Bilib naman ako sa trabaho niyo. Walang duda na kaya niyo 'yon," simpleng tugon ni Arbor. "'Yun ngalang, may malalim na dahilan si Sab sa ginagawa niyang ito, 'yun ang mas gusto kong alamin mo, Jacob." "Consider it done." Kibit ang mga balkat na ani nito. "Salamat." "Hanggang d'yan lang naman ang kaya ng trabaho namin, Arbor." Ngumisi siya. "What do you mean?" Mapang-asar na hinimas ni Jacob ang sariling baba. "Ang sa akin lang naman ay labas ang tauhan ko sa mga naganap sa inyo ni Ms. Sabina. O sa mga magaganap pa. Matindi ang epekto sa 'yo ng isang 'yan. Hindi ko pa nakakalimutan na kailangan mong magsuot ng shades sa loob ng office mo para lang masipat mo nang palihim ang pang-upo niya." Pagak na natawa siya nang sumagi rin sa isipan niya ang partikular na eksenang iyon. "Mabuti na lang at hindi na 'yon naulit." Nakakahiya ang pangyayaring iyon. Doon niya nalaman na kahit kapita-pitagan na CEO ka na ay maaari ka pa palang magmukhang tanga sa sariling pamamaraan mo dahil natural na hangal naman talaga siya paminsan-minsan. "'Yan din ang pinagtataka ko. Mukha namang kahit paano ay may mabuting dulot sa 'yo si Ms. Sabina." Hindi siya kumibo. Naisip niya na iyon noon pang ma-meet niya ang dati niyang sekretarya. Dangan nga lang at madalas siyang makonsensya because of his wife, Hailey. And heck, ang weird na sa dami ng babae sa mundo, 'di hamak na mas magaganda at magaganda pa ang katawan kay Sabina, pero ang huli pa ang mas nakakapagpa-trigger ng mga emosyon na hindi niya gustong nararamdaman. Ang mas matindi pa, for the first time in his life, ang weakness niyang iyon ay unti-unting natanggap niya nang hindi man lang niya namamalayan at mas lalong hindi alam ng kaniyang dating sekretarya. "Masyado pang maaga para magsalita ng mga ganyang bagay," aniya na lang kay Jacob habang siya ay nakapamulsa at tahimik na nakamasid kay Sabina na nasa hindi kalayuan. "Tama ka. Maaga pa nga para isipin 'yun kaya relax ka lang. Kumalma ka, magpaka-healthy ka." Tinapunan niya ng masamang tingin ang kaniyang kanang kamay. "Ano bang pinagsasasabi mo d'yan? Ang mabuti pa'y pumunta ka na ro'n. Tumulong ka sa pag-asiste sa kanila, alam mo na ngang may bisita e." Tatawa-tawang nilayuan na lamang siya ni Jacob. Minsan talaga ay masama rin ang sobrang bait sa mga taong pinapasahod niya. Nagiging suwail silang lahat. Para na silang si.. Sabina. Si Sabina na walang kamalay-malay kung gaano siya kaganda ngayong umaga. Hindi niya alam kung paano nangyari rin na iba ang ganda ng babae ngayon sa mga mata niya kaysa noon. Sa babaeng ito niya nga lang napagtanto na nagbabago pala ang pagtingin sa pisikal na anyo ng isang tao. Ah, depende siguro. Noon kasi ay mas ang katawan niya ang pinagmamasdan mo, Arbor.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม