Climax 58 Natapos ang isang linggo na travel nila sa Roma, sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas, balik sa normal ang mag-asawa. Panay kayod at mas naging focus sa RG Pottery. "Misis ko," tawag ni Arthur sankanya. "Ano?" Malamyang sagot ni Regine. "Labas muna kami ni Adrian, sumunod ka na lang okay?" "Okay, I love you both. Tapusin ko lang ang inventory." Naunang lumabas ang mag-ama. Tuwang-tuwa ang mga empleyado kay Adrian bukod sa napaka bibo nito at nakikipaglaro sa mga anak ng empleyado. Mula sa hindi kalayuang puwesto. Nakatanaw sa sasakyan si Smith. Nakita niya kung paano alagaan ni Arthur ang kanyang anak. Mula sa mga mata niyang makikita ang pagmamahal kay Adrian. Hindi niya halos akalain, ang tinuturing niyang “Bata” na pag-iisip ay mas mature pa mag-isip sa mga kuya nito. N

