Climax 57 Taon na ang nakalipas magmula nanganak si Regine. Nagkani-kanyang buhay na ang magkakapatid. Si Austine na may pinagtutuunan ng pansin, habang si Aiden na mas naging tutok sa pagiging tagapag hatid ng salita ng Panginoon. Patuloy ang pag-iyak ni Adrian dahil na iwan ito kay Arthur. "Anak parang awa mo na, huwag mo na akong iyakan," pakikiusap niya at sipa pa rin ng sipa ang bata. "Anak naman, hindi naman ako nakakatakot ha?" giiit niya. "Dada! Uwaa!" Mas lalo pang umiyak ang bata nang binuhat niya ito. Ilang sandali at narinig niya ang isang malakas na utot. Namilog ang mata ni Adrian habang nakatingin sa kanyang ama. "Oh come on my little prince. You farted on me! Oh! Stinky poop baby!" tinawanan niya ang anak at ganoon din ito. Ihiniga niya ang bata upang palitan

