Bigla akong kinabahan nang dumilim ang kaniyang anyo. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa’kin. Gusto kong tumakbo palabas ng kaniyang opisina ngunit hindi ko alam kung paano. Mabilis kong inilibot ang paningin ko sa paligid at saka nag-isip ng paraan upang makalayo sa kaniya. Nakita kong bukas ang bintana at iyon ang pwede ko lamang daanan palabas. Pero papaano ako lalabas doon gayong nasa fifth floor itong opisina niya? “Kung plano mong magpakamatay sa pagdaan diyan sa bintana, go ahead! Hindi kita pipigilan dahil ginusto mo iyan.” Muli kong itinuon ang paningin kay Sir Carlo na ngayo’y nasa harapan ko na. Napatili ako ng malakas nang hapitin niya ako sa baywang at saka ipinalapit sa kaniyang katawan. “Masyado kang maingay,” pagalit niyang usal. Dahan-dahang bumaba ang kan

